Chapter 19

4.8K 116 0
                                    

Amanda Celine's Point of View


"ANONG magandang kulay? Silver or Rose Gold?"


TINIGNAN ko si Kaellan, hinihintay ko ang sagot niya. Inaayos na kasi namin sng binyag ni Amora, "Rose Gold, balloons ba?" agad akong tumango. Sinasagutan ko itong Google Form sa business ng asawa ni Sierra, sila kasi ang nag aayos ng nga events na ganito.




Si Kaellan, busy siya sa case na hawak niya. Nandito kaming dalawa sa kwarto kasi kahit papaano gusto ko may tulong rin siya sa pag pili ng mga designs, tsaka siya rin mag babayad nito. Dapat lang, masyadong stress dinulot niya sa akin nitong nakaraan atsaka anak rin naman niya 'to.





"Babe, are you sure you just want it at home? Ayaw mo ba sa La Union or anywhere...." paninigurado niya, agad akong umiling. "Hassle mag travel. Atsaka, nahihirapan na ako, si Baby Bunso rin ang inaalala ko. Ayaw mo ba na dito lang sa bahay?" sagot ko. "Okay lang naman sa akin, ikaw lang iniisip ko. Baka tinitipid mo lang kaya ayaw mo na sa ibang lugar ang reception,"






"No, ayaw ko lang muna talaga mag travel. Nahihirapan ako lalo na at tatlong buwan pa lang ang tiyan ko, ang laki laki na..." hinimas ko iyon, "Sobrang healthy ni Baby Bunso for sure," nakangiting sabi niya. "Of course!"





DURING lunch abot lang ang chismisan nila sa table. Nangunguna ang mga Kuya niya, kaya natatawa na lang ako. "Babe, do you want more?" i nooded fast. Ang ulam kasi namin ngayon ay Sisig, hindi ko talaga 'to favorite pero nagiging favorite ko na yata. Wala akong ibang gustong kainin maliban dito at sa extra rice.




Napangiti ako, dahil ang hilig ko naman noong nag bubuntis ako kay Amora ay Pares ngayon naman kay Amethyst ay Sisig. Ano kaya sa susunod?




"Gusto mo pa 'nak?" nakangiting tanong ni Tita sa akin, siya mismo ang nag prisinta na mag luto nang nga cravings ko kapag gusto ko iyong Homemade. Nilagyan niya pa ako ng Sisig sa Plate ko. "Grabe, Mandy..." sinamaan ko ng tingin si Kuya Khai, "Joke lang! Eto naman!"





"Huy, Marco!" sinipa ko ang paa niya sa ilalim ng lamesa. "Bakit?" nakasimangot siya, "Bilhan mo ako ng Taho," sagot ko. "Okay, buti malapit—" hindi ko na siya pinatapos, "Gusto ko yung galing sa Baguio, iyong strawberry taho—"






"Grabe naman yan! Kaellan, iyang asawa mo!" kaagad na lumabo ang paningin ko dahil sa luha na bigla biglang nagsitulo, lumapit si Kaellan sa akin na busy mag luto ng Fried Chicken at inalo ako. "Marco, sige na. Bumili ka na," si Kuya Mason iyon. "Daddy, ayaw niya ako ibili!" iyak ko kay Kaellan, "Ibibili ka na niya, Baby. Ano pa bang gusto?"






"Gusto ko lang yung Strawberry Taho galing Baguio tapos Fresh Strawberries galing din sa Baguio...." sagot ko, "Okay, bibili na si Kuya Marco ha?" hinahagod niya ang likod ko. "Tapos, Kuya Mason... Ibili mo naman ako ng Palabok, iyong madaming Chicharon na topings ha? Doon sa may Bario sa dulo, iyong kay Aling Rosa," sambit ko.





"Okay, noted. Alis na ba ako ngayon or kakain na muna ako?" buti pa siya, wala akong naririnig na reklamo sa kaniya. "Tawag ka na lang tapos i-pick up mo," he chuckled and nooded. "Safe—" hindi ko na pinatapos si Kuya Khai. "Kuya, gusto ko nung at home Samgyup..." rinig ko ang tawa ni Kaellan, agad ko siyang tinignan.




"Daddy, gusto ko pa nung Sisig tapos iyong Chicken ko,"





NAKA UPO lang ako sa sofa at kayakap ko si Tita, nanonood kami ng K-Drama. Ang asawa ko ay nasa kusina, nag luluto siya ng Lasagna. Dumaan kasi iying Lasagna Recipe sa Tiktok ko, bigla akong nag crave.




"Tita—" hindi na ako natapos, "Mommy na lang itawag mo sa akin, para na rin naman kitang anak. Asawa ka na ng bunso ko eh," inayos niya ang medyo magulo kong buhok, napangiti ako. I kissed her cheek as i thank her for being so nice to me.





"Baby, your Lasagna is ready!" inilapag ni Kaellan sa harapan ko ang ginawa niyang Lasagna, fist time niya gumawa nito pero parang perfect na perfect na niya! Wow! Biglang nanubig ang mga mata ko, I'm so happy!




Tumabi siya sa akin at yumakap. "I'm tired already..." sambit niya, wala si Amora ngayon dahil kasama siya ng kapatid ko. Nasa bagong bahay niya, nag aayos sila doon. I hugged him as well, hinalikan ko pa siya sa noo. "Thank you for today, Daddy...."






"ANG dami," tuwang tuwang sabi ko nang makumpleto lahat ng pinabili ko sa kanilang magkakapatid, "Foods! Oh em gee!!!"





"Is she good? Hindi ba makakasama sa baby nyo yung nga kakainin niya?" rinig kong bulong ni Marco kay Kaellan, "No, my wife knows when to stop. She won't do anything to harm our second baby," napangiti ako sa sagot ng asawa ko, kaya naman lumapit ako sa kaniya atsaka ako yumakap sa kaliwang braso niya.







"Kaellan, pag serve mo naman ako nung Lasagna please? Tapos pag serve mo din ako noong palabok, also pwede na ba tayo nag Samgyup?!" excited na sabi ko, ewan pero gustong gusto ko na pinag sisilbihan ako ng asawa ko ngayon. Ako naman mag sisilbi sa kaniya mamayang gabi, wala kasi si Amora.







Kay Kuya ko siya nag s-stay kasama ang Lola at Lolo, kaya naman kami kami lang dito. Although, mamimiss ko kaagad ang panganay ko. Namimiss ko na siya actually, nililibang ko na lang sarili ko sa pag kain.






Malamang sa mamayang hating gabi, iuwi ko din ang anak ko. Nalulungkot ako kapag malayo siya sa akin, ganun na siguro kapag nanay na.






AT HINDI na nga ako nagkamali, nang sumapit ang hatinggabi kinukulit ko na ang asawa ko na iuwi dito sa amin si Amora. Kaya naman kahit antok na siya ay nag susuot siya ng boxer shirts since he was naked. Inabutan ko rin siya ng t-shirt na agad niya ring isinuot.





Nakapag shower na ako sandali at nakapag suot na rin ng dress na pantulog, sobrang comfy lalo na at made for Moms talaga siya. Hindi ko alam kung saan 'to nabili ng asawa ko, pasalubong lang niya kasi 'to nung umuwi siya last week.






"Anong oras na?" naalimpungatan na tanong ni Kuya, ngumuso ako. "Si Amora?" tanong ko kaagad, inutusan niya kaming pumasok. Dumiretso naman kami sa kwarto ni Kuya, nandoon ang kulay Pink na crib. Malaki iyon, maluwag mukhang komportable ang anak ko dahil mahimbing talaga ang tulog niya.






Nag dadalawang isip tuloy ako kung iuuwi ko pa siya sa amin, "Sila Lola nasa kabilang kwarto, kung ayaw mo na malayo sa anak mo dun ka na lang rin sa kwarto mo—" hindi ko na siya pinatapos, "May kwarto ako dito?" gulat na tanong ko. Tumango siya bago humiga sa kama niya, nilingon ko ang asawa ko nag hihikab na siya.






"Text mo sila, dito na lang tayo matulog sa ngayon...."





"Balak mo bang binyagan kwarto mo dito?" natawa ako sa ibinulong niyang iyon, kinurot ko siya sa tagiliran. "Ikaw talaga,"






S W E E T D E N

Claimed By The Judge [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon