Chapter 15

5.1K 118 0
                                    

Amanda Celine's Point of View


NAGISING ako ng maramdaman ko ang pag yakap sa bewan ko at pag halik sa leeg ko, "Babe..." nagulat ako dahil si Kaellan iyon. Agad akong napa balikwas, "Kaellan?" tanong ko. "Yes, babe. Nandito na ako," sagot niya.




May kung ano sa akin na gustong lumayo sa kaniya dahil pakiramdam ko may hindi tama, pero ipinag sawalang bahala ko na muna iyon. Niyakap ko siya pabalik, mabango siya at pansin ko rin na iba na ang damit niya. Malamang ay naligo na bago umakyat.





Napapikit ako ng maramdaman ko ang pag halik niya sa noo ko, "So, you're really pregnant? Why didn't you tell me earlier? I felt betrayed," a smirk forms into my lips. "It wouldn't be a surprise if i tell you—kaya lang mukhang ako ang nasorpresa, surprise ko sana sayo sa Birthday mo yun eh. Wala na tuloy akong surprise," sagot ko.





I heard him laugh, "No worries, ulitin mo. Kunyari na surprise ako, ha? Kailangan nating kuhanan ng video," sabi niya. Napangiti ako, "Iyak ng iyak si Amora kanina pagka uwi ko," kwento ko. "Sinabi nga ni Kuya Khai, buti tumahan din agad-agad," sagot niya. Hinaplos niya ang buhok ko, "About kanina.... I'm sorry about that,"






"Daddy, mahilig ka ba sa manok?" tanong ko sa kaniya, wala naman kasi sa itsura ng gwapong ito na makikipag sabong. "What?" naka kunot noong tanong niya, "Wala... Mag luluto sana ako ng fried chicken bukas eh," pag sisinungaling ko na lang. "I'll be out tomorrow, babe. May aasikasuhin ako sa Manila, do you want to come with me? Date tayo, si Baby naman iwanan na muna natin kay Mommy,"




"Ah, okay. Sige, pwede bang pumunta ka sa Palengke bukas ng umaga? Bili ka ng manok para sa breakfast," sagot ko. "Okay, my love. Bibili ako, iyon lang ba?" sagot niya. "Yep, gusto ko lang bigla ng fried chicken," sagot ko. "Your brother, he's a badass in there. Within a day, I'm finally out. Damn, i couldn't depend on my brothers, mabagal sila kumilos—" hindi ko na siya pinatapos.





"How about your Dad?" tanong ko, nag iba ang ekspresyon niya. "He doesn't care—" muli ay hindi ko na siya pinatapos, "Sabi ni Tita, siguradong hindi ka pababayaan ng Tatay at Kapatid mo doon," sagot ko. "Hindi ako pababayaan ng kapatid ko, pero pababayaan ako ng Tatay ko,"





Nginitian niya ako, atsaka niya hinaplos ang mukha ko. "Hinding-hindi ko kayo pababayaan ng mga anak natin," napa pikit na lang ako ng halikan niya ako sa labi. Bumababa iyon patungo sa jaw at leeg ko, "Babe, can i?" he asked. He's always been asking for permission, oh god.




"Y-yes...."




NAGISING ako kinabukasan nang mga alas otso, rinig ko na ang tawanan ng mag ama ko. Katabi ko lang sila sa kama at talagang nag kukulitan, "Good morning, Mommy!" napangiti ako.




Humalik siya sa labi ko atsaka pinakita sa akin ang nakangiting si Amora, "Good morning, my love!" kinuha ko siya sa Daddy niya atsaka ko siya pinupog ng halik. "Ganda ng ngiti ng Baby ah, ganiyan ba pag hindi alam na maiiwan sa Lola at mga Uncle?" nawala ang ngiti ang anak ko at nag babadya ng umiyak ng marinig ang sinabing iyon ng Daddy niya.




"Tahan na," tinapik tapik ko ang pwetan niya, "Bad na Daddy yan ah," kunyari ay pinalo ko pa ang asawa ko para matahan ang anak ko. Bumalik ang ngiti niya, "Ay oo nga pala! Mommy, nakabili na ako nung manok na sinasabi ko, na cut na rin. Nandoon sa kusina,' tumango tango ako.




"Baba na tayo, toothbrush na muna si Mommy," sabi ko atsaka ako bumangon, kasunod ko lang si Kaellan. Kasabay ko rin siyang nag toothbrush, nag aya pa ng mirror pic dadawin daw niyang wallpaper sa cellphone at desktop niya. Wala pa kasi kaming family picture, napag usapan kasi namin kagabi na hihintayin na muna namin lumaki ang tiyan ko para kahit papaano ay kasama ang Baby Bunso namin sa picture.






HABANG nag luluto ako ay nag v-vibrate abg cellphone ko, malamang ay sa Social Media ko iyon.




Kaellan Visxious Hidalgo posted a picture with Amanda Celine Ledezma-Hidalgo.

view comments...

Sierra Fitzgerald: ganda naman ni buntis😘

Charmella Cruz: naneto binutis na naman bff ko😡😡😡😡

Marco Vaughan Hidalgo: bilis nun ah! Four months palang pamangkin ko!

Theodore Hidalgo: dalawa na apo ko kay Kaellan?

August Cleo Ledezma: fawkkk





"Babe," tinignan ko si Kaellan after kong ipusod ang buhok ko, "Bakit?" tanong ko sa kaniya. "Nothing, ang ganda mo. Ang ganda mo mag buntis— no, i mean maganda ka kahit hindi ka buntis. Maganda ka lang, ganun," natawa ako. "Thank you?"





"Sana ikaw ang kamukha ni Amethyst," sabi niya. "No, gusto ko ikaw ang kamukha niya. Pag nagkataon, mukha silang kambal ng ate niya. Hahahahaha!" tawa ko. "Kamukha ko na si Amora, sana ikaw naman kamukha ni Amethyst... Kasi, gusto ko rin makakita ng maliit na Amanda Celine..."






Natawa ako at napa iling na lang. "Subuan mo ng subuan ng Cerelac yang si Amora, check mo kung mainit ha? Mapapalo ka sa akin kapag ka napaso iyang Baby na yan," sabi ko bago ko binaligtad ang pinipirito kong manok.







"WHERE should we eat?"




Nag kibit balikat ako, "I don't know, madalang ako dito sa Manila. Hindi ko bet ang masyadong maraming tao, pero dito ako nag College at Law School," sagot ko. "Dito rin ako, sa De La Salle ako ikaw?" nakangiting sabi niya, "San Beda University— pang ilan ka sa BAR?"






"Top one," sagot niya na ikinagulat ko. "Seryoso?! Ang galing mo naman!" gulat na sabi ko, "Pag ilan ka ba?" tanong niya. "Four," sagot ko. I checked my nails, "Wow! You did great!" sabi niya. "Stop, dream ko mag top 1! Kaya lang ayoko na mag re-take ng BAR, baka mas lalo pa akong bumaba..."







"Let's go, babe. Kain na muna tayo bago tayo mag shopping," sambit niya atsaks ako pinag bukas ng pintuan at inalalayan pababa ng sasakyan.






HABANG kumakain kami ay hindi ko maiwasang pasadahan ng tingin ang cellphone niya, ni hindi niya iyon mabitawan. "Kaellan Visxious," binitawan ko ang kubyertos ko atsaka ko inilahad ang kamay ko. Kita ko ang pamumutla niya.







"Cellphone. Hand it to me, please?"







"Babe...." sambit niya. "May tinatago ka ba?" tanong ko, agad siyang umiling. Ako na mismo ang nag adjust na kumuha ng cellphone niya, still namumutla at mukhang kinakabahan siya.






Nang buksan ko iyon ay bumungad sa akin ang sandamakmak na notifications, pero isa lang ang nakakuha ng atensyon ko.







From: 0922+++++++

Boss ayos na shipment, nakarating na kay Mr. Wong










S W E E T D E N

Claimed By The Judge [COMPLETED]Kde žijí příběhy. Začni objevovat