Chapter 9

6.1K 149 1
                                    

Amanda Celine's Point of View


"KAELLAN?"



Naalimpungatan ako ng makarinig ako ng nag tatawanan sa ibaba, kaya naman agad-agad akong bumangon kung anong meron. "Bub? Wait," sagot niya, sinalubong niya pa ako sa hagdanan. Napa kunot ang noo ko, "Anong oras na?" tanong ko sa kaniya.





"Almost twelve midnight," sagot niya, "Ano bang ginagawa niyo?" curious na tanong ko. Nginitian niya ako, "Drinking also watching a match," sagot niya. Humawak ako sa tummy ko, "Nagugutom ako eh," sabi ko. Natawa siya bagya, "Ano bang gusto mong kainin? Lulutuin ko na lang," tanong niya.





"It's something hard to cook. Gusto ko ng pares, mayroong open doon sa may labas ng Village. Open yata twenty four/seven, gusto namin ni Baby noon. Tapos madaming laman, may balot din tapos madaming garlic soy sauce rice, gusto ko doon mismo sa stall kakain," sagot ko. "What's 'pares' ?" ngumuso ako, hindi niya alam ang pares.








"Samahan mo na ako, oh? Gusto talaga namin ni Baby iyon, kahit ngayong araw lang. Sige na? Ako naman mag babayad, kahit ipag drive mo na lang ako tapos samahan—" hindi na niya ako pinatapos, "No, I'll pay. You don't have to beg, it's okay I'll come with you. Iyon lang ba ang gusto niyo ni Baby?" napangiti ako.






"Thank you!"





"Saan na ba kayo pupunta?" tanong ni Kuya Khai, iniabot niya rin sa akin ang isang fried drumstick kaya napangiti ako. He's spoiling me, at dahil iyon sa ang ipinag bubuntis ko ay ang kauna-unahang pamangkin nila. "Sasamahan ko lang kumain itong buntis na ito," sagot ni Kaellan na ikinanguso ko, "Ano bang gusto mo?" tanong ni Marco.





"Beef Pares na madaming laman tapos yung Balot dalawa, tapos madaming garlic soy sauce rice atsaka yung Pares nay timpla na madaming Chili Oil tapos Garlic Bits," sagot ko na parang inosenteng bata, "I'll come," sabay sabay na sabi nila. Rinig ko ang buntong hininga ni Kaellan.







"Gusto niyo rin non?" tanong ko, nag kibit balikat si Kuya Khai. "It will be nice if we try, hindi ba?" nakangiting tumango ako. Isinuot ko ang ibinigay na Jacket sa akin ni Kaellan at pagkatapos ay sabay na kaming lumabas. Nang makasakay ako sa loob ng shot gun seat ay napansin ko ang malulam na langit.





Mukhang uulan. Ayaw ko ng ulan, it reminds me of tears.





Nang gigilid na ang mga luha ko, naramdaman ko ang pag hawak ko Kaellan sa akin, "Hey, are you okay? Anong problema?" rinig ko naman ang magka sunod na pag sara ng pintuan pahiwatig na nakasakay na si Marco, Kuya Khai at Kuya Mason.





Umiling ako, "Mukhang uulan, tara na?" sagot ko. Nawiwirduhan na tumango na kang siya at pinaandar ang Kotse, "Nilalamig ka ba, Mandy?" tanong ni Kuya Mason agad akong tumango. "Eto jacket ko—" hindi na siya natapos ng biglang sumabat si Kaellan.





"Nakita mo ng ibinigay ko sa kaniya ang jacket ko, Kuya..." nagulat ako dahil nakakatakot ang pagkakasabi niyon ni Kaellan, samantalang ang mga kapatid niya ay tinawanan lang siya. "Possessive, i see..." sambit ni Kuya Khai.






"Dito lang, Kaellan," sambit ko. Pagka hinto naman niya ng kotse ay agad akong bumaba, "Good evening po," bati ko sa tindero. Agad niya akong nginitian, "Good evening, Attorney! Ilan po?"






"Five po, lahat po Pares Overload. Also, pwede po bang magpa dagdag ng isa pang balot sa isang bowl? Tapos po, padagdagan ng laman. Buntis kasi ako manong, pang dalawang tao na po ang kinakain ko ngayon...." sagot ko, napangiti siya. "Ang ganda mong mag buntis, Attorney! Saan ang tatay?" nginuso ko si Kaellan na nasa tabi ko na.






"Nako, tiyak na pagka gandang bata niyan!"






"Syempre po," sagot ko na ikinatawa niya. "Umupo ka na doon," sambit niya tumango naman ako, nang umupo naman na kami doon ay ang nag serve ng pagkain namin ay ang bunsong anak ni Manong, "Good evening, Attorney!" bati niya na ikina-ngiti ko. "Good Evening, Kyla..." pinasadahan ko ng ngiti si Kaellan.






"Hindi mo ba babatiin ng 'Good Evening' sila Judge?" dagdag ko, kita ko ang gulat niya. "G-good Evening po! Sorry po, si Attorney lang po kasi ang kilala ko..." natawa ako. Sila Kuya mukhang natatawa, si Kaellan naman naka focus sa pagkain.





"Kain ka na?" hinaplos ko ang likod niya, "Masarap ba 'to?" tanong niya. Agad akong tumango, inabot ko ang lalagyan ng Chili Garlic, Garlic Bits and Onions. Hinalo ko iyon, bago ako kumuha atsaka ko ipinartner sa kanin bago ko isinubo sa kaniya.





"Masarap,"






"Kumakain naman kayo ng Balot hindi ba?" nakangiwing tanong ko,  agad silang tumango. "Of course, madaming ganito sa bahay, actually. Favorite kasi namin ito, namana yata namin kay Mommy,"






"Babe— i mean, uh—"






"Tubig for you, Attorney! Pasensya na po, pinag bawalan kasi ako ni Nanay na Juice ang ibigay sa inyo masyado daw kasing matamis. Bawal sa katulad ninyo na buntis," napangiti ako. "Thank you, Ky," sagot ko. "You're welcome po,"






"Kapag nagka time ka, punta ka sa bahay. Tutulungan kitang mag aral, malapit ka ng mag Law School hindi ba?" sambit ko, agad siyang tumango. "Okay po, Attorney! Kapag po Day Off ko sa trabaho, pupunta po ako,"






NANG maka alis si Kyla ay agad na bumulong sa akin si Kaellan, "Bub, she's stealing your attention... I want to tell you something," naka kunot ang noo niya at mukhang masama ang loob. "K, stop frowning. Bata lang iyon, ano ba iyong gusto mong sabihin?" sagot ko. Mas lalong sumama ang mukha niya, "I don't want to tell you anything anymore," natawa ako dahil nag tatampo siya.






"Wag ka ng mag tampo," sabi ko, "Hmp!"






Nilingon ko ang mga kapatid niya, "Gago, Khai! Nakaka tatlong rice ka na, ang bilis mo naman! Ikaw ba yung nag bubuntis?" rinig kong sabi ni Kuya Mason kay Kuya Khai, "Mason, nasasarapan nga ako. Pwede bang huwag ka ng magulo diyan? Like, ikaw nga nakakadalawa na wala naman akong sinasabi!"






"Kaellan," tawag ko sa kaniya. He's eating quietly, "Why?" tanong niya. "Huwag ka na nga mag  tampo," bumuntong hininga pa ako. Sinimulan ko na ulit kumain, this is my extra rice. Pangalawa, "Hindi na," sagot niya. "Kaellan, ano ba?"






"Uy, dito pa ba kayo mag aaway?" rinig kong sabi ni Marco, napa irap ko. Nakakainis lang din kasi, agad na napawi ang inis ko dahil agad na nag form ang mga luha ko dahil nag simula ng umambon. "Hey, bub? Are you okay— Why are you crying?"







"Ayaw niya yata sa ulan, Kaellan. Kanina pa nanggigilid ang luha niya noong napansin niya na malulam eh," sabi ni Kuya Khai. "Bub, do you want to go home?" hinawakan niya ang kamay ko, "Gutom pa ako eh," sagot ko.







"Take out na lang tayo, tapos uwi na tayo ha? Baka mahamugan ka," malambing ang boses niya kaya agad akong tumango, "Ako na, Marco kuhanin mo yung payong sa kotse ni Kaellan," sabi ni Kuya Mason.






Yumakap ako kay Kaellan, "Wag ka na mag tampo," sabi ko. Natawa siya ng bahagya, "Yes, ma'am. Hindi na," sagot niya. "Sabi mo din, you won't tell me anything anymore...." sagot ko.







"I will," sagot niya, "Ano?"








"Crush yata kita, Amanda Celine..."







S W E E T D E N

Claimed By The Judge [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon