"I'm actually referring to you." Biglang humarap sa'kin ang lalaking nagsalita. "I know that my sister is beautiful, but so are you."

Nanlaki ang mga mata ko nang makilala ang aking kausap. Siya si Valem Felix, ang nakababatang kapatid ni Miss Eliotte. Tulad ng ate niya, nagsusulat din siya ng mga tula.

"S-Sir Valem!" nauutal kong bigkas dahil sa sobrang gulat at hiya.

Ngumiti lang si Valem at naglakad na siya paalis. Sakto lamang ay nakabalik na rin si Twyla para tanungin sa'kin ang nangyari.

***

PAGKABALIK sa Villa Vouganville ay naabutan kong nakikipaglaro si XV sa pusa kong si Vivi. Nakaupo ito sa kandungan niya, at natutuwang tinutupi pa ng propesor ang mga tainga nito.

"Hindi ko inaasahang malambing ka pala pagdating sa hayop," nakangiting bungad ko habang ibinababa ang mga dala kong gamit.

Ngumisi ang propesor habang patuloy na nilalaro ang pusa. "You're wrong, Fift. I'm not playing with the cat, I'm studying its anatomy."

Pagkasabi no'n ay agad kong inagaw si Vivi mula sa kaniya. "Tsk! Wala ka talagang puso!"

Inilayo ko agad ang aking alaga bago pa man may gawing masama ang propesor. Sinuri ko sandali ang katawan ni Vivi—napabuntong-hininga ako nang makitang wala naman itong kahit anong galos.

"I'm a professor, not a murderer," bigkas ni Xildius nang mahuli ang ginagawa kong pagsuri. "By the way, mauubusan na ulit tayo ng makakain. Bukas na bukas ay mamalengke ka."

Umalis na si XV at bumalik na sa kaniyang kuwarto. Pagsarado niya ng pintuan ay agad akong ngumiwi at umakmang manununtok.

"And I'm your assistant, not your housemaid!" pabulong na singhal ko sa hangin.

***

HABANG namamalengke kinabukasan ay napansin kong may pamilyar na lalaki sa isang sulok. Kumislap ang mga mata ko nang matukoy na si Sir Valem ito. Agad akong lumapit para magpakilala.

"Sir Valem!" I greeted him with clasped hands.

Nagulat din siya na makita ako ulit. Laking tuwa ko dahil namukhaan niya ako. "Oh, ikaw pala 'yan, Miss Beautiful."

"F-Fift po ang pangalan ko," pakilala ko sa kaniya. "Fifteen Salustiana po."

Magkasama kaming namalengke buong hapon. Napagod kaming mamili kaya nagpasyang magpahinga muna sa isang malapit na kapehan. Nagkuwentuhan kami tungkol sa mga paborito naming mga tula at inabot na ng gabi.

"Gusto mo bang sumaglit sa bahay namin? Naroon si Eliotte, ipakikilala kita," yaya ni Valem. "Puwede ka ring sumabay mag-dinner sa'min."

"T-Talaga po?" Nagningning ang mga mata ko sa pagbanggit niya sa'king idolo. "It would be my pleasure!"

Sumakay kami sa kotse at dinala niya 'ko sa kanilang mansyon. Malaki rin ito tulad ng Villa Vouganville, ngunit mas moderno ang hitsura nito. Pagkapasok sa loob ay agad kong nakita si Miss Eliotte sa tapat ng kaniyang laptop.

"Eli, si Fift nga pala. Number one fan mo siya. Kabisado niya ang mga tula mo." Valem introduced me to his sister.

"G-Good evening po, M-Miss Eliotte!" kinakabahan kong pagbati.

"Uy, ikaw 'yong nasa book-signing ko noong isang araw," tugon ni Eliotte. "Nice to meet you again."

Niyaya nila akong sumabay sa kanilang maghapunan. Tuwang-tuwa ako at hindi pa rin makapaniwala na kumakain ako sa tapat ng iniidolo kong manunulat.

"Fift, bago ka umalis, may regalo ako para sa'yo," pahabol ni Eliotte habang kinukumpas ang kaniyang kamay para sundan ko siya.

Pumasok kami sa isang silid-aklatan at may kinuha siyang maliit na notebook mula sa isang shelf. Binigay niya ito sa'kin nang nakangiti. "Iyan ang mga tula mula sa pinakabago kong libro," usal ni Eliotte. "Mga handwritten pa ang mga iyan, bago ko sila i-type sa computer."

Napanganga ako at agad na binuklat ang mga pahina. Hinaplos ko ang mga sulat-kamay na tula na bumungad sa'kin. They look so gaspingly beautiful in their original handwritten form.

"Marami pong salamat, Miss Eliotte!" Halos maiyak ako sa tuwa habang niyayakap ang kuwaderno.

***

DAHAN-DAHAN kong binuksan ang pintuan ng Villa Vouganville. Napahiyaw ako nang makita ang propesor na nakaabang sa'kin sa sala. Nanlilisik ang mga mata nito.

"Saan ka galing? Hindi pa 'ko kumakain!" angal ng propesor na sinabayan ng pagkulo ng kaniyang tiyan. "Muntik ko nang lutuin ang alaga mong pusa sa sobrang gutom!"

Agad akong pumunta sa kusina para iluto ang mga pinamili kong gulay at karne. "P-Pasensya na, professor. Nakita ko kasi kanina sa palengke ang kapatid ng hinahangaan kong writer. Tapos dinala niya 'ko sa bahay para ipakilala—"

"I don't care. I don't want to know about your dates," pagsingit ng propesor.

Ha? Eh siya kaya ang nagtanong kung saan ako galing! Sinasagot ko lang naman.

"At bakit ka sumasama kung kani-kanino?" Bahagyang tumaas ang boses ni Xildius na binabakuran ang katawan ko habang nagluluto ako. "Even kids know better that they shouldn't talk to strangers. Daig ka pa ng mga bata. What are you, a fetus?"

Tumalikod ako sa'king niluluto para humarap sa kaniya. Napaigtad ako nang mapansing sobrang lapit na pala ng katawan niya sa'kin. His arms are on each side of my body, locking me in a cage. Halos matunaw ako sa lalim ng kaniyang pagtitig sa'kin.

"I-I'm already 23!" Tinulak ko siya palayo at lumunok nang maraming beses. "Saka alam ko na ang ginagawa ko. Hindi mo 'ko kailangang pagsabihan. What are you, my mom?"

Diniinan ko ang pagbigkas ng 'what are you' para ibalik ang sinabi niya sa'kin kanina. Napasinghap ako nang ibalot niya ang isang braso sa baywang ko.

"Nahalikan na kita, at hinele hanggang sa makatulog," bulong niya kasabay ng malalim na paghinga. "Isn't that what moms do?"

Dahil sa sobrang pagkataranta ay natapakan ko ang paa niya. Napahiyaw ang propesor, at kinuha ko ang pagkakataong iyon para lumayo at ihain na sa pinggan ang aking niluto.

"A-Aakyat lang ako sa kuwarto ko!" nabubulol na paalam ko. "H-Hindi maganda ang pakiramdam ko!"

Nahuli kong nakangiti ang propesor bago ako tuluyang umalis sa kusina nang may mukhang halos kamatis na sa sobrang pula.

***

BINIGAY ko ang numero ng Villa Vouganville kay Valem noong huli kaming nagkita, kaya natawagan niya ako ngayong umaga para yayaing lumabas. Sinabi ko ang address ng mansyon kaya dumalaw siya para sunduin ako.

Pinapasok ko siya para ipakilala kay Xildius. "Professor, siya nga pala si Valem. Sa kanila ako naghapunan noong isang gabing hindi agad ako nakauwi. Aalis lang kami saglit para mamasyal."

"Nice to meet you, professor." Lumapit si Valem para bumati sa kaniya.

Naningkit ang mga mata ng propesor nang makipagkamay si Valem, tila ba gusto nitong diinan ang hawak at takutin ang aking bisita.

Aba. Who's acting like a child now?

Habang nasa sasakyan ay kinukuwento sa'kin ni Valem ang mga balak niyang i-publish na libro. Biglang tumunog ang cellphone niya at sinagot niya ito sa loob ng kotse.

Namutla ang buong mukha niya nang marinig ang boses mula sa kabilang linya. "Ano?! Sige, papunta na 'ko!"

He quickly turned the steering wheel, changing the direction of the car.

"Is everything okay?" nag-aalala kong tanong.

"No. S-Something bad happened!"

Hininto niya ang kotse sa tapat ng kanilang mansyon. Nagulat ako dahil maraming mga pulis sa labas ng bahay nila. Bumaba na kami ng sasakyan at pumasok sa loob.

Napatakip ako ng bibig sa'king nakita... Ang walang malay na katawan ni Eliotte na nakatali mula sa leeg at nakasabit sa kisame.

Knock, Knock, ProfessorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon