"Hello who's this?" Paos ang boses ko dahil kagigising ko lang.

[Are you answering your phone without looking at your phone?] I heard Angela's voice on the other line.

"What now Angela? I'm tired, I badly need to sleep"

[Hindi kita napuntahan kahapon, pumunta ka sa café ko mamaya. I'll be waiting] After she said that she ended the call.

Napabangon na lang ako at saka dumeretso sa banyo. I felt so sticky, hindi na ako nakakaligo bago matulog. Well... hindi din naman maganda ang maligo kapag pagod ka.

I immediately went to Angela's café after I took a bath. Hindi ko alam kung ano na namang gagawin niya pero hahayaan ko na lang. Tutal ako naman yung umalis ng hindi siya kasama, alam kong nagtatampo yun.

"Oh? Anong klaseng mukha yan?" I asked her.

Pagdating ko kasi nadatnan ko kaagad ang salubong niyang kilay habang nasa counter siya. Inalis niya ang apron na suot niya at saka hinila ako papunta sa upuan malapit sa pinto ng office niya.

"Just someone pissed me off this early morning... but don't change the topic girl. What happened?"

I sighed and drank a cup of water. Wala naman akong masabi, ano bang sasabihin ko?

"Ano bang gusto mong malaman?"

"Edi kung anong nangyari sayo sa isang buwan na yun!"

I sighed and say everything. As in everything, pati na yung confession ni Sky sakin. Nagkunot kaagad ako ng tumili siya.

"What the hell Angela? Can you please lower your voice?" Naiiritang ani ko.

Huminga muna siya ng malalim at saka nanunuyang ngumiti sakin. "Ikaw ha... nadali mo na pala yung kuya ni Raine, iba naman talaga ganda natin girl! Ang gwapo nun!"

Napapikit ako ng mariin, pag sa gwapo talaga wala siyang hinihindian. Lahat ata crush neto eh.

"He just said he would court me... well, hindi naman ako tumanggi at wala akong planong tumanggi. Alam ko namang may gusto ako sa kaniya"

Siguro nga may gusto ako sa kaniya. I can feel something that only Sky can do, that even Andrew can't give me that sensation he gave me.

"Well... boto naman ako sa kaniya. Wala naman siyang problema, and I think he's lovable. He loves kids and you know... humble much"

I sighed. "Hindi ko din alam eh, alam mo naman na kagagaling ko lang sa break up. Ayoko namang maging unfair sa kaniya lalo na at may nararamdaman pa ako kay Andrew"

Tumango tango siya at naging seryoso ang mukha. Minsan natatakot ako sa tuwing ganito siya pero hinayaan ko lang, masyado siyang intimidating kapag seryoso siya.

"Just forget about Andrew and try pursuing Sky, Nicole. You don't have any chance for him anymore, wala na talaga. I can clearly see that"

Totoo namang wala na talaga. Hindi naman ako umaasa, talagang hinahayaan ko na lang ang puso ko na humilom sa sakit at mawala ang pagmamahal ko sa kaniya.

"I can't pursue Sky, maybe I'll let him court me but... I'll still think about having a relationship with him. After what happened to my last relationship, I can't easily trust someone"

Tumango siya ba para bang naiintindihan niya ang sinabi ko. "I won't mind. Basta pag naging kayo boto ako"

I chuckled softly and smiled at her. "Who is this Yvan Mikael Mendez Angela? Hindi ka na nagku-kuwento sakin ha?"

I saw how her cheeks turn into crimson red when I mentioned Yvan on the topic. Oh well, if I deserve to be happy she should be.

"W-wala lang yun, lalaki lang na lagi akong iniinis"

Desiring Chances (Completed)Where stories live. Discover now