Chapter 2 *Transfer Students*

Magsimula sa umpisa
                                    

 "Wwan ko sa inyo! Basta alam ko mapapasagot ko rin siya!"

 "Bago ka mangarap na mapasagot siya, bakit kaya hindi mo muna subukang ipaalam sa kanya na merong isang William Tizon na nag e-exist sa mundo?!" sabi ko sa kanya.

Nagtawanan kaming lahat.

Paano kasi itong si William, second year pa lang kami eh patay na patay na sa school heartthrob na si Erin Aquino pero hanggang ngayon, nganga pa rin siya. Katulad ko, marami rin kasing naghahabol kay Erin. Pero sobrang opposite naming dalawa. Si Erin, maraming gustong makipagkaibigan sa kanya. Mabait kasi siya, demure, mahinhin, babaeng babae at matalino! Edi siya na! sa kanya na lahat ng good qualities! Isaksak niya sa baga niya yan! Dahil alam ko mas maganda at mas hot parin ako sa kanya. Kung siya pang beauty queen ang peg... ako pang dyosa!

 "Basta ako kakainin ko lahat ng carbonara ni Tita Naomi ng magkaenergy naman ako! Lagi na lang akong busy!" sabi naman ni Ayen.

Si Ayen Reyes naman yung bassist ng banda. Studious type. Matalino yan at masipag. Habulin yan ng mga babaeng ang type ay Mr. Nice guy. Pero kahit ganyan yan, marami ding tinatagong katarantaduhan sa buhay yan. Di lang halata.

 "Hay naku kayong mga bata kayo! Basta kumain na kayo ha? Kailangan ko ng umalis at may important appointment pa ko" sabi ni mommy then lumapit siya saakin "ikaw na bahala dito Timi ah?"

"Yes mom!" nag lean naman ako sa kanya then I kissed her cheeks "ingat ka!"

 "Sure baby!" tumingin siya sa mga best friends ko "enjoy kayo ha!"

"Yes tita! Ingat!" they said in unison then umalis narin si Mommy

 "Buti hindi ka pinarusahan ni Tito at Tita doon sa pananapak mo no?" sabi sa akin ni Geo

"Anong hindi?! Eh ni hindi nga niya ako pinayagan na lumabas eh! Grounded ako sa bahay! Kayamot lang! Hindi ko naenjoy maigi yung isang linggong forced rest day ko!" sabi ko sa kanila

"Eh buti hindi ka talaga pinayagan dahil for sure pag hindi ka ginrounded wala kang ibang ginawa kundi gumimik ng gumimik!" sabi naman ni Ayen

"Mamaya kung sino na namang lalaki ang mambastos sa'yo. Hindi mo pa naman kami kasama" sabi naman ni Jasper.

Napangiti naman ako. Kahit mga loko-loko to, concern parin talaga sila saakin. Naalala ko kung paano ko nakilala ang apat na lalaking to. Mahilig kasi ako gumimik mag isa. Nagpupunta ako sa mga bar kahit na alam kong bawal ang below 18 years old doon. Pero syempre dahil magaling ako, lagi akong nakakalusot. One time nung pumunta ako sa isang bar at wild na wild na nagtatatalon habang may banda na tumutugtog, nagulat na lang ako ng may pumalibot saaking mga lalaki at sinayawan ako. Yung sayaw na akala mo eh sinasayawan nila ay isang prostitute. Syempre dahil anak ako ni Naomi Mikael Perez-Cruz, hindi ako pumayag na basta lang nila akong babastusin. Sinipa ko sa itlog yung isang lalaki kaya naman nagalit yung mga kasama nila at hinatak ako palabas ng bar. Akala ko ng mga panahon na yun ay mare-rape na ko, buti na lang ay dumating ang apat na hoodlum na to at iniligtas ako.

It turns out na sila yung bandang kumakanta sa bar noon---at nag aaral din sila sa Prince Academy katulad ko. Nung una akala ko lalandiin lang ako ng apat na lalaking to, pero hindi ko expected na magiging kaibigan ko sila.

Pero thankful talaga ako na dumating ang mga yan sa buhay ko. Sila ang nagparamdam saakin kung gaano kasarap ang magkaroon ng mga tunay na kaibigan.

The Falling Game (EndMira: Ice)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon