Lascivious Casanova 56

Magsimula sa umpisa
                                    

"Bakit ako ang tinatanong mo? Wala akong alam sa mga ganyang bagay, Jax. Ang bahay nga namin si tatay lang ang gumawa."

"Just think of whatever design you want. Do you have a specific design you like? Ano ang pangarap mong bahay? Ilang floor? Ilang kwarto?"

"Wala, Jax-"

Pinatawid niya ang kamay niya. Lumagpas iyon sa unan kaya naabot niya ang kamay ko. Hinawakan niya iyon at isinalikop sa kanya. Ipinatong niya ang magkasalikop namin na mga kamay sa nakagitna sa aming unan. Nakatagilid na rin siya at nakaharap sa akin. Magkaharap kami at magkatitigan.

"Just think about it, baby. Paano mabubuo ang ipapagawa kong bahay sa isla kung hindi ikaw ang pipili? Makikipagkita tayo sa mga kakilala ko na architect para magkaroon ka ng idea."

Sumang-ayon ako kahit wala akong alam sa mga ganoon. Wala akong maisip na gusto kong bahay. Kung papipiliin ako ni Jax alam ko na dapat ay malaki iyon at maganda. Hindi ko gusto iyon. Marahil ay dahil kuntento na ako sa kung anong mayroon ako bago ko pa siya makilala. Maliit ang bahay namin ngunit maayos naman. Sa likod-bahay namin ay ang mga alagang hayop. Sa harapan naman papunta sa gate ay mayroon mga tanim na puno. Nagkakalaglag ang mga prutas doon at maaaring manungkit. Para sa akin hindi mapapalitan iyon ng kahit ilang mga nagtataasang building dito. Pero katulad nga ng sinabi ko, pwede pang magbago iyon.

"Bakit hindi mo sinabi? Kahit sa akin lang sana! Madaldal ako pero kapag sinabi sa akin na sikreto, sikreto talaga!"

"Pasensya na, Irene..."

Nakatungo ako pero ang mga mata ko ay nasa kanya. Pinaglaban ko ang mga kamay ko. Kahit na pagalit ang boses niya alam ko na hindi siya talaga galit. Sumama lang ang loob. Noong una akala ko dahil kay Jax kaya ayaw niya akong kausapin. Iyon pala ay dahil sa paglilihim ko sa kanya. Nakahinga ako dahil doon kahit hindi pa kami tapos mag-usap. Paulit ulit ang paglabas ng hangin sa ilong niya. Paulit ulit din niya akong iniirapan.

"Feeling ko hindi kaibigan ang tingin mo sa akin! Wala kang tiwala sa akin na kaya kong magtago ng sikreto!"

Tinikom ko ang bibig ko upang mapigil na sumabat. May mga sikreto siya na sinabi sa akin pati ibang sikreto ng ibang tao. Minsan hindi niya napipigilan na bigla niyang nasasabi. Nagugulat na lang siya na naisiwalat na niya. Hindi ako palakwento lalo kung tungkol sa personal na buhay ng ibang tao. Pero kung sa iba niya nasabi iyon, kumalat na iyon. Hindi ko na sinumbat sa kanya ang mga iyon. Kung gagatungan ko pa, hindi kami magkakaka-ayos.

"Kailan pa?"

"Isang buwan na kami bukas," pinalobo ko ang pisngi ko pagkasagot ko.

Pumalatak siya at umirap ulit. Nilingon niya ang lamesa kung nasaan si Jax at ang mga kasama namin. Sabay sabay kaming kumain ng dinner. Nasa loob sila samantalang nasa labas kami ni Irene para mag-usap. Galing kami sa meeting at ilang oras na umidlip ni Jax bago nagtungo rito. Sila naman, galing sa itinerary na ibinigay ni Jax. Bukas, mayroon pa muli silang pupuntahan. Hindi ko nga lang natanong si Jax kung sasama na ba kami sa kanila. Huling araw na rin kasi iyon. Pagkatapos ng araw bukas, kinagabihan ay babalik na kami sa Mindoro.

"Mahal mo?"

Nagkatinginan kami ni Jax. Nasa loob sila at mayroon harang na babasaging dingding. Umiwas ako ng tingin. Mahina akong natawa kay Irene at namula. Tinaasan niya ako ng kilay. Gustong malaman ang sagot.

"Ano nga?!"

Hinawakan niya ako sa braso. Natatawa at namumula kong nabawi iyon. Noon ko pa naman ito naamin sa sarili ko.

"Oo nga!"

"Mahal mo?"

"Mahal ko!" Mas klaro na sagot ko.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon