28

5.4K 193 79
                                    

A/N: Sorry for the typos and bad grammar.

CHAPTER 28

"Blade."

"Hmm."

Parehong walang kurap at titig na titig sina Grazella at Blade sa sanggol na nasa harapan. Nakahiga 'to at mahimbing na natutulog sa isang pediatric medical crib.

Malusog ang bata ngunit maliit ito kung ikukumpara sa kamay ng dalawa.

Grazella can't believe it either. Ang anak niyang nasa sinapupunan ay abot kamay na niya ngayon, inilahad niya ang palad at hinaplos ang makinis na pisngi ng sanggol ngunit agad yong tinapik ni Blade kaya sinimangutan 'to ni Grazella.

"What?!"

"Alcohol." Itinapal nito sakaniya ang alcohol na agad niyang kinuha.

"Our child." Anito pa na itinuro ang sanggol sa crib.

"Hindi, Martinez. Anak ko lang." Inis na aniya habang ipinapahid ang alcohol sa kamay.

Hindi nainis si Blade sa mga sagutan ni Grazella, nilingon niya ang babae saka ito niyakap ng mahigpit bago halikan sa tuktok ng ulo, "Thank you."

Ikinurap ni Grazella ang mga mata at tiningala si Blade, kaya rin palang magpasalamat ng hayop?

"I love you." Titig na titig sakaniya ang matalim nitong mata habang seryoso ang tinig kaya pinamulahan si Grazella.

"I..I love you too?"

"Ha? Hindi ko marinig." Binitawan siya ni Blade saka nginisihan.

"Pakyu."

"Stop being so childish when you already have a child." Biglang sumama ang tingin ni Blade sakaniya saka nito binalingan ang sanggol, maingat nito 'yong binuhat ng dahan-dahan. "He looks so small."

Maayos na ang naging itsura ng sanggol pagkalipas ng ilang oras, ang kuyumos nitong mukha ay nawala na at maging ang kutis nito ay pumuti na rin.

He looks so cute.

Lumapit si Grazella at saka hindi mapigilang mangiti, a child with an instant husband? Not bad.

Itinaas niya ang kamay at hinawakan ang maliit na kamay ng bata.

Wait--"So anong pangalan ni Baby? Actually may naisip na ako pero hindi ko lang sina--"

"Ezequiel."

"Ha?"

Teka at baka mali lang ang inisiip ni Grazella.

Nangiti ng malapad si Blade habang sa sanggol pa rin nakatingin, bahagya nito 'yong idinuduyan. "Ezequiel Aide Martinez."

Puno ng pagpapahalaga at kasiyahan ang dati'y walang buhay na mata ng lalaki nang tingnan si Grazella na natameme nalang.

Talagang pinangalanan ng hayop na si Blade ang anak nila ng walang pasabi sakaniya?

'Pero..hindi niya ako madadala sa ngiti at gwapo niyang mukha!'

"Bakit hindi mo sinabi sakin?"

"Because I want to surprise you."

Wow.

Napabuntong hininga nalang si Grazella. Mabuti nalang at maganda ang pangalang ibinigay nito sa anak niya! naku, kung hindi ay baka ibinalibag na niya si Martinez palabas ng hospital gamit ang bintana.

"Ezekquiel means strong and powerful. I want him to be like that," natigilan si Blade nang makita ang mumunting pagngiti ng anak, tila nahawa rin siya saka natawa ng mahina. ",he needs to be like that. In this unfair world, no one can protect you but yourself."

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Where stories live. Discover now