24

4.8K 152 55
                                    

CHAPTER 24

"Yeon."

Nakangiting lumapit si Mr. Kim kay Blade na kalalabas lang. Lumibot ang matalim nitong mga kay Mr. Kim maging sa mga tauhan nilang nakahilera sa tapat.

"Boss? May kailangan kayo?"

"Did you know what have you done wrong?"

Napalis ang ngiti sa labi ni Mr. Kim saka dahan-dahang umiling.

Inahad ni Blade ang palad kaya lumapit sakaniya ang isang katulong na may dalang katana, agad na pinagpawisan ng malamig si Mr. Kim. Ano nanamang nagawa niya?

Nagpapanic siyang napatingin kay Blade, "B-Boss! Anong kasalanan ko? D-dahil ba sa hindi kita na-congrats na magkakaanak kana? S-Sorry Boss hindi ko naman alam!" kulang nalang ay magsiluhod siya sa harapan ng amo niya.

Hindi kumurap ang mga mata ni Blade na pinasadahan ng palad ang hawak na katana. "Anong sinabi mo kay Grazella?"

Naiirita at nagagalit si Blade dahil simula nang puntahan siya ni Grazella sa opisina niya na first-time mangyari ay palagi na itong nag-ooverthink sa sarili nitong imahe. At dahil napipikon si Blade sa kawawang itsura ng babae ay palagi niya itong inaalo.

Natigilan saglit si Mr. Kim bago napaisip. "W-Wala--" napaatras siya ng makatitigan ang nagngangalit na mga mata ni Blade.

A-Ano ba kasing nagawa niya?

Nanghihinang napaluhod si Mr. Kim saka tiningnan ang mga tauhan na nasa likod, ngunit ni-isa walang humakbang para ipagtanggol o kampihan siya. Mga duwag!

"One." Kinilabutan si Mr. Kim dahil sa narinig na pagbibilang ni Blade. Mas lalo tuloy siyang na-tense.

"B-Boss, ang huli lang naming pag-uusap ni Ms. Guerero eh n-nung pagpunta niya sa opisina--"

"Two."

"A-At.." ano nga bang itinanong niya non?, "Saka ko siya tinanong kung talaga bang buntis siya k-kasi tu--"

"Ah, sayo nga talaga nanggaling." mas lumamig ang ekspresyon ni Blade sa mukha kaya maging ang mga bodyguards sa likod ni Mr. Kim ay nanginginig at pinagpapawisan rin ng malamig.

Pumiyok sa takot si Mr. Kim nang makita ang kumikinang na talim ng katana nang tanggalin ni Blade ang kaha non. Napapikit siya ng mariin at saka nagdasal ng taimtim.

Ito na siguro talaga ang katapusan niya. Mamamatay nalang siya ng hindi nalalaman kung ano ba ang mali niyang nagawa!

"Blade!" boses 'yon ni Grazella mula sa loob ng bahay.

Napamulagat si Mr. Kim, pati na rin ang mga tauhan nilang nanigas sa mga kaniya-kaniya nilang pwesto ay nabuhayan ng loob.

Lahat ay tahimik na nagpasalamat kay Grazella.

"Blade, where are you?!"

Umikot ang mga mata ni Blade kasabay nang pagbagsak ng ngisi nito sa labi, "I'm coming in." binitawan ni Blade ang katana sa harapan mismo ni Mr. Kim kaya nakahinga ng maluwag ang mga taong naksaksi sa kabaliwan ng boss nila.

Kung wala si Ms. Guerero ay tiyak na baka kanina pa natagpas ang ulo ni Mr. Kim.

Ngunit bago umalis ay nag-iwan si Blade ng utos, "Ikutin niyo ang buong syudad." aniya sa mga tauhan na nasa harap, ",ng nakayapak." nginitian niya ang mga ito saka binalingan si Mr. Kim. "But before that, 200 push ups." tinuro niya ang mabatong sahig saka tuluyang umalis para salubungin ang buntis na papalabas na. Delikado na at baka makita pa nito ang mga buhay niyang stress reliever.

Kahit ayaw ay wala namang magagawa si Mr. Kim. Kaya nagpasalamat pa rin siya saka nagsimulang dumapa sa sahig ora-mismo saka nag-push-up kasama ang mga bodyguards.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Where stories live. Discover now