12

5.3K 161 28
                                    

CHAPTER 12

"Paalam, Mr. Martinez. Maraming salamat sa lahat." Nilakipan iyon ng pekeng ngiti ni Grazella.

Wala siyang naging sagot at tinitigan lang siya bago ilapat ang palad nito sa uluhan ni Grazella na ikinabigla ng huli, "Malaki kana nga, Grazella."

Feeling close? masyadong mapagpanggap.

Natawa sina Izabella, "Parang kailan lang anoh?"

Pinigilan niyang tabigin ang kamay nito sa ulo niya dahil sa mga magulang na nanonood sakaniya.

Maka-'malaki kana' As if na tinuturing siyang baby pero nuong nakaraan lang eh may nangyari sakanilang hindi kaaya-aya? Ulol.

Itinigil niya ang walang kwentang pag-iisip dahil nilalamon lang siya ng inis at kahihiyan saka bahagyang lumayo, dumikit siya sa ina.

"Aalis kana ba, Blade? Bakit hindi ka muna magpahinga."

'Hindi pa ba sapat na naupo siya at siya ang agad na kinamusta mo Papa?' isip-isip niya saka patagong napairap.

"I'm good. I'll be going now, marami pa akong gagawin sa opisina." Anito na tiningnan ang pambisig na orasan.

"O siya, sige na. Mag-iingat ka." Aniya ng ama na sinundan sa palabas si Martinez.

'Bye-bye Mr. Martinez, sana ay ito na talaga ang maging huli nating pagkikita!'

Masayang ngumiti si Grazella saka nagpaalam sa Ina.

Sa wakas, wala ng Martinez na palaging nasa harap niya. Wala ng negative energy at wala ng demonyong mananamantala sakaniya.

Umakyat siya sa kwarto niya at saka naligo bago nagbihis, dapat na rin siyang tumawag ng doktora at bukas na bukas ay magpapa-check-up na siya.

Inihiga niya ang pagod na katawan, pansin niyang mabilis rin siyang mapagod nitong mga nakaraang buwan, siguro masyado lang siyang okupado para hindi mapansin ang mga simptomas?

Tinitigan niya ang puting ceiling.

Hindi na kataka-taka na sa murang edad ng ama ni Grazella ay maipasok na ito sa mundo ng malawakang negosyo. Ang parehong pamilya Guerero at Farafel, which is ang pamilya ng ina niya, ay parehong may family business .

Grazella's parent married at such a young age. Of course they did it for connection and business purposes, nagpakasal sila sa edad na bente then they had her at the age of 21. Kaya siguro magulo at kulang-kulang sa salitang 'Affection' o 'pagmamahal' ang pamilyang ito.

Narinig niya rin ang usap-usapan ng magpunta siya sa Russia tungkol sa lihim na background ni Blade Martinez. Hindi raw ito tanggap ng lola nito dahil hindi naman daw legitimate child ang nasabing lalaki. Baka kaya ganon rin ang ugali ng hayop na yon. Kulang sa aruga. Pero atleast nasa pinakatuktok pa rin siya.

Si Grazella? Magulo ang pamilya niya pero kahit papaano nariyan ang Mama niya, kahit pa kadalasan ay para itong tuta sa ama.

Napahawak siya sa tiyan saka nangiti, "Ah, masyado na akong nag-iisip ng malalim. Base on what I've searched about pregnancy, that won't be good for you." Tinap niya ang tiyan.

"Hi.. I'm your Mama."

'Mama?' Sounds awesome. She felt touched.

Lumamlam ang mukha ni Grazella.

Napahawak siya sa mata at nang maramdaman ang luhang pumatak roon ay natawa siya. "Why am I crying?" Kaya ngayon ay iyak-tawa na siya, mukha tuloy siyang ewan.

"Mama will protect you. Wala ka mang maging ama, I will always here for you. You won't experience what I've experienced in this household. I'll make you happy. You and me." Bulong niya habang hinahaplos ang impis na tiyan, " You are my first baby, and I am a first time mother. I'm really not that skilled yet but I'll try my very best."

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt