14

5.3K 170 56
                                    

CHAPTER 14

"Blade!" Tila nakakita ng tagapagligtas si Grazella ng makita ang taong biglang sumulpot sa loob.

Bago pa man makalapit ng tuluyan si Gabriel ay agad ng inalis ni Grazella ang mga kamay na nakahawak sakaniya, bahagyang natigilan ang mga ito ng dumating ang hindi imbitadong bisita kaya ginamit yong oras ni Grazella para tumakbo sa lalaki.

"Ano pang ginagawa niyo?! Kuhain niyo ang babaeng yan!" Gigil na aniya ni Gabriel sa mga katulong.

Kaya nang makalapit si Grazella kay Blade ay agad niyang niyakap ang lalaki na tila doon na nakasalalay ang buhay niya, bahagyang nabigla si Blade ngunit nasalo rin siya, humihikbi niyang ibinaon ang mukha sa malapad na dibdib ng lalaki.

Mas napapayapa siya sa loob braso nito.

Dito lang niya naramdaman ang init na hindi niya naramdaman kahit kanino. Mas lalo tuloy siyang naiyak.

Ibinaba ni Blade ang paningin sa babaeng nasa bisig, hinawakan niya ang braso nito para sana ilayo ng makita niya ang pulang mga marka doon gawa ng mga mahihigpit na kapit ng mga guards at maids dito kanina para lang maipasok ng sapilitan sa kwarto nito sa itaas. Nagdilim ang mga mata ni Blade.

"What's happening here?"

Wala ring kangiti-ngiti ngayon si Gabriel na palaging masayang sinasalubong ang mga bisita. Lalo na 'tong kaibigan niya. "Nothing. Problemang pang pamilya lang 'to Blade." anito saka tiningnan si Grazella, "Come here, Grazella. Huwag mo nang guluhin pa si Blade." Medyo mababa na ang boses ng ama ngunit mas humigpit lang ang kapit ni Grazella sa lalaki.

Siguradong kapag humiwalay siya kay Martinez at sumama ng matiwasay sa ama ay 'yon na talaga ang magiging huli ng masasayang araw niya.

At hinding-hindi niya gugustuhing mangyari 'yon. Kunin na nito ang lahat wag lang ang sanggol na nasa sinapupunan niya. Handa naman siyang magpakalayo-layo, ano pang pino-problema nito?

Puno ng luha ang mga mata ni Grazella ng tingalain si Blade, panay pa rin ang pag-hikbi niya saka itinaas ang daliri at itinuro ang ama na tila batang nagsusumbong, "They want to kill me. Save...save me. Blade." Mahigpit ang naging kapit ni Grazella sa damit ni Blade na agad na nalukot.

Ngayon na nga lang siya tawagin ng babae sa pangalan, nasa ganitong sitwasyon pa?

Halos hindi na rin ito makahinga kaiiyak. Lumambot ang ekspresyon sa mata ni Blade ng makita ang kalagayan ng babae. Salubong na salubong ang kilay niya ng hawakan ito sa ulo at idikit sa sariling dibdib habang bahagyang humahaplos sa likod nito ang isa niya pang kamay na tila inaalo si Grazella.

Napatigalgal naman si Mr. Kim at ang iba pa ng makita ang postura ng boss nila. Kilala bilang strict at clean freak ang lalaki, hindi rin ganon kahaba ang pasensya nito at ang pinaka-ayaw nito sa lahat ay ang ingay. Kaya paanong may pasensya ito sa pag-aalo ng babaeng humahagulgol na nagawa pa nitong yakapin?

Yon ang iniiisip ng tatlong body guards na nasa likod ni Mr. Kim. Ngunit para kay Mr. Kim, hindi na kataka-taka ang ikinilos ng amo niya.

Saksi siya kung gaano ito kabaliw kay Ms. Guerero. Hindi niya alam kung saan nangangaling 'yon pero lagi siyang lumuluha ng dugo at kulang nalang ay maubusan ng buhok sa ulo sa twing ito ang usapan nila ng boss niya.

Iniisip nalang talaga niya na malaki ang pinapasahod sakaniya ng boss niya.

"Stop crying."

Medyo kumalma ang pag-iyak ni Grazella ng marinig ang mahinahong boses ni Blad kahit puno pa ng awtoridad at pautos ang salita nito, bahagya rin siyang napanatag dahil sa kamay nitong humahaplos at tumatapik sa likod niya.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu