10 - Positive or Negative?

5.5K 142 21
                                    

CHAPTER 10

Nagkatinginan kami ni Rianne nang makapasok sa loob ng malapit na convenience store, nasa harapan na kami ng stool kung saan nakalagay ang mga aids and other medical stuff. Medyo kaunti nalang rin ang laman ng convenience store, hindi siguro patok.

"Isa na lang?" Aniya ko ng makita ko 'yon doon.

"Okay lang yan, 100% sure naman yan." Sagot niya.

"Sige kunin mo na."

"Lah? Ba't ako? Ako ba ang magte-test?"

Napaingos ako saka natawa ng mahina, "Teka bakit ba parang hiyang-hiya tayo? Mukha ba tayong teenagers?"

"Ikaw lang naman ih."

Para matapos na ang lahat ay kinuha ko na yon at agad na dinala sa counter, buti at kami lang ang tao doon.

Pagkalapag ko non sa counter ay agad na napasulyap sakin ang babaeng nandoon saka bahagyang napailing.

Eh?

"Дети снова..." rinig kong bulong niya na I can hardly translate as 'Mga kabataan nga naman.' mababasa rin ang disappointment sa mga mata ng babae.

Kaya nang makuha ko yon ay agad akong nagsalita saka itinuro ang sarili ko, "I'm already an adult for your information.." Kinurot ako ni Rianne saka hinila palabas kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"What?"

"Gaga ka talaga."

"Hindi naman ako ganon kaliit para mapagkamalang bata!"

Ang tangkad ko kaya...

Tinawanan niya lang ako saka muli kaming bumalik sa restaurant na pinasukan namin kanina.

Dumeretso kami sa comfort room doon, iniwan ko si Rianne sa sink at saka pumasok sa isa sa mga cubicle.

Kumakabog ang dibdib ko dahil sa kaba at nerbyos.

Ilang beses kong binasa ang instruction na nakalagay sa PT. Bago yon ginamit.

'If it's two red lines then it is positive...

If it's two red lines then it is positive...

If it's two red lines then it is positive...'

Shet.

Pabalik-balik lang ako ng lakad sa loob ng maliit na cubicle habang hinihintay ang napakatagal na resulta ng PT na inilapag ko sa toilet seat.

It feels like century!

"Hey, Zella? What's the result?" Rinig kong katok ni Rianne.

"Wala pa."

Titig na titig lang ako sa PT nang muli nanaman siyang kumatok.

"Let me in."

"Teka!"

Inis kong binuksan ang pinto kaya agad na sumilip ang bruha, bahagya pa akong nagulat ng mapatili siya.

"Oh my!"

"What?!-" napatingin rin ako sa PT na nasa toilet seat.

One line? How come?

"..It's negative! Congrats, Zella!" Tulala ako ng biglang yakapin ni Rianne.

"Yeah... that's good." I can't say that I'm happy, maybe because deep inside I am hoping that it'll be... "Wait- bakit parang mas maligaya ka pa sakin?" tinaasan ko siya ng isang kilay.

Lumayo siya ng bahagya, "Kasi nabawasan ang problema mo sa buhay? Duh, if you're really pregnant ano nalang ang magiging reaksyon ng family mo? Tsaka yung ama niyan?..."

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Where stories live. Discover now