23

5.5K 203 85
                                    

CHAPTER 23

Pinamulahan ako nang muling maalala ang nangyari samin ni Blade. That's not just plain sex, okay? I called that love making!

Bwisit.

Inis kong nginuya ang manga na nasa harapan ko.

Maya-maya ay lumapit sakin si Manang Selya. "Ma'am may naghahanap daw po kay Sir sa labas. Papapasukin ko ho ba?"

"Sino daw Manang?"

"Lorenz daw ho ang pangalan." tinanguan ko si Manang Selya saka tinungo kung nasaan mang kwarto si Blade.

Pamilyar ang pangalan.

Lorenz?

Kunot ang noo ko nang buksan ang pinto ng opisina ni Blade na inilipat na niya malapit sa kwarto ko sa itaas. May kausap siya sa cellphone ngunit nang mapansin ako ay agas niya rin 'yong ibinaba.

"May naghahanap daw sayo."

"Who?"

"Lorenz daw." tipid na aniya ko.

"What is she doing here?" rinig kong mahinang palatak niya.

She? So it means it's a girl?

"Who's that?" hindi ko mapigilang maitanong 'yon. Alangan naman kimkimin ko?

"Why not see her for yourself?" Tumaas ang sulok ng labi niya saka muling bumalik sa ginagawa niya kanina, "You don't even know what your so-called 'friend' really is." dagdag niya pa. "Magkababata ba talaga kayo?"

"Is this about Rianne again?"

Tinaasan niya ako ng kilay, "Sino lang ba ang nag-iisa mong malapit na kaibigan?" muli niyang itinuon ang tingin sa papeles na nasa harapan, "You should stop considering that ugly duckling as a friend, Grazella."

Hindi ko siya sinagot at agad nalang na lumabas ng opisina niya.

Bumaba ako gamit ang elevator saka lumabas ng bahay. Doon ko nakita ang isang babae na bahagyang nakatalikod at nasa harapan ng malaking fountain. May kausap siya sa cellphone na hawak.

"Yes, Kuya. I know! Don't worry kukumbinsihin ko siya for you.. for us--- Yes. Bye."

"Kuya?" kailan ka pa nagkaron ng kapatid si Rianne?

Napatalon siya sa gulat nang lingunin ako, nanlalaki ng bahagya ang mga mata niya at wala sa sariling nabitawan pa ang cellphone na hawak niya. "G-Grazella? You're here?"

Nginitian ko siya, "Yes, how about you?"

"Ms. Lorenz! Bakit nandirito kayo?" si Mr. Kim 'yon na lumabas rin.

Nakita kong hindi naging maganda ang ngiti ni Rianne, bahagya rin siyang napasulyap sa gawi ko.

"May.. importante lang akong sasabihin kay Grazella."

Tinanguan ko si Mr. Kim nang sensyasan niya ako kung dapat ba silang umalis.

"Oh my? Napunta sakin ang mahalaga mong gawain, Rianne? Baka naman may mas mahalaga ka pang dapat gawin, Rianne." hindi nawawala ang ngiti ko sa labi habang binabanggit ang pangalan niya.

Lorenz, huh?

"Yup. Nagulat lang talaga ako na bigla kang sumulpot sa tabi ko, gaga ka." hindi siya makatingin sakin ng deretso.

"Come in." hindi ko pinansin ang mga abnormal na reaksyon niya, hindi ko siya tinanong ng kahit na ano kahit na nilalamon na ako ng mga negatibong damdamin. Tahimik lang kami habang sinusundan niya ako papunta sa sala.

Natawa ako ng pagak, how come I just realized it just now? After all this fucking years?

Wala akong alam kay Rianne maliban sa pangalang ipinakilala niya, apelyedo at ang jewelry shop niya. Ni-hindi ko pa rin nami-meet ang parents or family niya kahit dalawang dekada na kaming magkaibigan. I did not ask her, kase hindi naman niya inopen up. Masyado akong tiwala na ayos lang basta ay magkaibigan naman kami.

ONE INTENDED NIGHT (COMPLETED)Where stories live. Discover now