TMG 30: Hidden Monster

Start from the beginning
                                    

“Deep.” Ngisi niya. “Kanina pa kita tinatawag, nandiyan na si Vincent.”

“It’s Empress.” I hissed.

“Fine. Magpinsan nga kayo, parehong mainitin ang ulo.” Rinig kong bulong niya bago naunang maglakad pasalubong sa paparating na itim na sasakyan.

Hindi ko naman maiwasang mariing mapakuyom ng kamao.

Pinsan. What’s wrong with this rotten world?

***

A heavy silence filled the four corners of the dark cold room, embracing the four of us—Vincent, M, the Rogue member and me. I unconsciously swallowed harshly. I know this is gay, but I can’t help but feel nervous and unease to what’s going to happen. It’s a mixture of anticipation and terror I’m feeling inside. This is the first time I am going to see her beyond violence, and I’m still wondering of what she’s capable of.

Tahimik kaming nakatayo ni M malapit sa pinto matapos palabasin ni Vincent ang ilan pang reapers na kanina lamang ay laman nitong silid. Nakaupo siya sa isang magarang kahoy na silya na nakapwesto sa mismong gitna ng kwarto may limang hakbang ang layo mula sa kaharap na lalaking hubad ang pang-itaas na damit habang nakatali ang magkabilang kamay sa kisame gamit ang makapal na kadena. Lupaypay ang ulo nito at wala pa ring malay-tao.

“What is she still waiting?” mahina at nagtatakang bulong ni M sa sarili na umabot sa pandinig ko. Kita ko ang pagsasalubong ng kilay nito habang pinagmamasdan si Vincent na tahimik pa ring nakamasid sa lalaking kaharap niya.

Hindi ko rin maiwasang pangunutan ng noo habang nagsisimula ng mapuno ng iba’t-ibang tanong ang isip ko. It’s scary to see her clenching her fist and jaw in annoyance and irritation; and I didn’t expect that it’s even scarier to see her with those blank eyes and pursed lips. Tila mas gugustuhin mo pa siyang marinig na paliguan ka ng mura kaysa ganitong tahimik at walang imik.

Hindi ko siya mabasa. Wala akong ideya sa kung anumang tumatakbo ngayon sa isipan niya. Ni hindi siya kakikitaan ng anumang emosyon. Blangko. Malamig. Ano ba’ng binabalak mo, Vincent?

“I never knew she could be this opaque.” Muli akong napalingon sa katabi ko nang marinig ang komento nito. Iiling-iling lang naman siya habang nakamasid pa rin kay Vincent. Marahil ay sinusubukan niya ring basahin ang mga bagay na posibleng tumatakbo sa isipan ngayon ng dalaga.

“M…” Awtomatikong napunta kay Vincent ang atensyon ko nang marinig ang malamig na boses nito. Narinig ko pang napamura ng mahina ang katabi ko hawak ang kaliwang dibdib niya. Maging ako man ay nagulat at sandaling pinangilabutan sa paraan ng pananalita nito. “Mula anong oras pa walang malay ang isang ‘to?”

“Apatnapu’t limang minuto, Empress,” mabilis na sagot ni M.

Agad namang napayuko si Vincent sa suot niyang relo. “May katagalan na rin pala.” Anito sa mahina at malamig na paraan bago tumayo. “Pakihandaan naman ako ng timba na may malamig na tubig. Naiinip na ako kaya’t ako na mismo ang gigising sa kanya.” Sabay lingon nito sa gawi namin. “Pakibilisan lamang sana.”

“Masusunod.” Mabilis na tumalima si M at nagtungo sa pintuan upang ihatid ang utos sa ilang reapers na nakabantay sa labas ng silid.

Ilang sandali pa ay may pumasok ng reaper bitbit ang timbang puno ng tubig.

“Ito na po ang ipinag-uutos niyo, Empress.”

“Sige, maaari ka ng lumabas. Manatili lamang sana kayong tahimik.”

Isang mabilis na pagyuko bilang paggalang ang naging tugon ng reaper bago ito lumabas.

Hindi ko mapigilan ang sariling mapatitig kay Vincent. Dahil sa paraan ng pananalita nito, tila naririnig ko si Sir Victoire sa kanya—ang aking ama. May parte sa pananalita niya na pormal at malalim. Nakakapanibago lang. But I decided to set that aside. This is not the right time for that.

BOOK 3: The Mafia Game (Hiatus)Where stories live. Discover now