Lascivious Casanova 53

Começar do início
                                    

"Hindi pa aalis?"

Si Jhez ulit ang napagtanungan ko. Namumutla siya at nasa kung saan ang mata. Sinundan ko ang tinitingnan niya at nang mga narito sa labas ng van. Saka ko pa lang natanto ang nangyayari sa parking lot dahilan kung bakit sila narito sa labas.

Sa tabi ng sasakyan ni Jax ay namukhaan ko ang tatlong lalaki na nambastos sa akin. Ang dalawa ay nakaupo na. Nanghihina at may mga sugat sa mukha. Nasa tabi ng mga ito ay ang mga kagrupo ni Jax. Sa field pa lang gusto na nila itong banatan. Kung hindi sila inawat ni Jax, nagkarambulan na roon.

Bagsak na ang dalawa ngunit ang nambunggo kay Jax sa labas ng banyo at pasimuno ng pambabastos sa akin ay hawak ni Jax sa kwelyo. May dugo na ito sa kilay at ilong subalit maangas pa rin ang tingin kay Jax. Sa kabila ng sugat sa mukha'y nagagawa pa rin nitong yabangan ang huli.

"Malakas lang ang loob mo kasi wala rito ang girlfriend mo! Under ka hindi ba? Ano? Ayaw ka niyang makipag-away? Kapag nahuli ka makikipaghiwalay siya?"

"Jax!" Maagap na awat ko nang aambahan niya ito ng suntok.

Natigil sa ere ang nakakuyom na kamao niya nang mabosesan ako. Kung hindi ko pinigil, sigurado na durog ang panga nito. Napatingin sa akin ang kaaway niya at malakas na humalakhak. Pinagtatawanan si Jax dahil sa pagkakahinto nito nang tawagin ko. He looked at Jax. It's like he's insulting him because he's under me.

"Tinawag ka lang nanginginig ka na?"

Lumapit ako. Masama ang tingin ko sa lalaki dahil sa nangngungutyang ngisi at tawa nito kay Jax. Hinawakan ko si Jax sa braso. Hinila ko siya ng bahagya. Mabilis niya namang binitiwan ang lalaki. Muntik pang bumuwal ang lalaki subalit kaagad ring nakabawi at nakatayo. Mayabang itong tumayo sa harapan namin. Inalis ko ang tingin doon upang harapin si Jax.

"Umalis na tayo-"

"You can't punch me because of that woman? What a wimp! You've got no balls-"

"Shut up!" Sigaw ko sa lalaki nang singitan niya ako.

Nagtitimpi lang ako dahil ayoko talagang napapaaway si Jax. Huwag niya lang akong sasagarin. Pairap kong inalis ang aking mga mata sa lalaki. Tinalikuran ko ito at isinama si Jax. Isang senyas niya lang ay nag-alisan na roon ang mga kagrupo niya. Iniwan ng mga ito ang dalawa na malapit nang mawalan ng malay. Maswerte pa itong isa na ito dahil naabutan ko. Kung hindi, wala na rin siyang malay ngayon. Galit si Jax at alam kong malakas ang parating na suntok niya kanina kung hindi ko napigilan.

"Tama iyan! Umuwi ka na! Ang laki mong tao pero takot ka sa girlfriend mo-"

Hindi ko na siya pinatapos. Binalikan ko siya kasabay ng maingay na lagapak ng palad ko sa mukha niya. Ininda ko ang mabilis kong naramdaman na pamamanhid ng aking palad. Hindi niya napaghandaan ang sampal ko sa magkabilang pisngi niya. Nagdugo ang magkabilang gilid ng labi niya.

Tapos na ang sampal ko pero hindi pa siya nakabawi kaagad na parang nahilo. Kukurap kurap ang kanyang mga mata at nagdilim yata ang paningin. Habang nasa ganoon siyang kalagayan, lumapit ako. Hinawakan ko siya sa magkabila niyang balikat. Inangat ko ang aking isang tuhod at walang pag-aatubili na malakas na pinatama iyon sa pagitan ng mga hita niya.

Narinig ko ang singhap ng mga kasama namin. Ang mga kagrupo ni Jax ay narinig kong sumipol at mga nagtawanan. Nanlaki ang mga mata ng lalaki na tinuhod ko ang pag-aari. Diretso ang tingin ngunit sa palagay ko'y wala itong makita. Nangulay violet ang kanyang buong mukha.

"I told you to shut up," napupunong bulong ko na halos hindi bumuka ang labi.

Pagbitiw ko sa kanya'y napaluhod siya sa sahig ng parking lot. Nakabuka ng malaki ang bibig nito pero walang lumalabas na tunog. Bumuga ako ng hangin. Hinawi ko ang buhok ko at saka ko siya tinalikuran. Nagkatinginan kami ni Jax. Namamangha na tuwang tuwa ang mata nito. Paglapit ko sa kanya'y may pagmamayabang ako nitong inakbayan.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Onde histórias criam vida. Descubra agora