Lascivious Casanova 52

Start from the beginning
                                    

Pababa kami sa hagdan dahil naroon sa field ang mga kasama niya. Nagpapakuha na ang mga ito ng picture na hawak ang trophy. Sobrang saya nila. May ilang media na rin ang nakaabang doon. Kumaway si caoch kay Jax para tawagin. Itinaas nito ang gintong medalya na para kay Jax.

Paalis na kami sa bleachers. Nabitin lamang ang hakbang ko nang maalala si Irene. Napabaling ako sa gilid para makita siyang nakamulagat ng malaki ang mga mata. Nakanganga at nanigas. Nasilip ko pa ang pagkain sa loob ng bibig niya na hindi nanguya. Mukhang nanlambot siya at pabagsak na napa-upo. Tulala pa rin at hindi maisara ang bibig.

Tangka ko siyang lalapitan. Napigil lamang ako ng hila ni Jax sa aking bewang. Gusto niya akong isama sa field. Irene seems confuse and extremely shocked. Wide-eyed, jaw dropped, and blue-tinged, as if blood and oxygen left her face. She looks like a surprised anime. Maybe she's thinking there is no way it could have happened.

Sinabi ko sa kanya pero hindi siya naniwala. Tatabihan ko na lamang siguro siya mamaya sa sasakyan o hindi kaya ay pagkarating sa hotel kakausapin ko siya. Nagpaanod ako sa hila ni Jax. Nagpatuloy kami sa pagbaba. Ang harang na tinalon niya kanina papunta sa akin, doon din kami dumaan. Inupo niya ako roon at saka siya tumalon sa kabila. Nang nasa field na siya, binuhat niya ako sa bewang para ibaba.

Coach gave him the medal. Hinila ako ni Jax sa gitna at isinuot sa akin iyon. Magrereklamo pa sana ako dahil para sa kanya ito, naunahan niya nga lang ako ng abot sa akin ng trophy. Hawak ko ang trophy. Nasa gitna ako ng team nila. Nasa likod ko siya. Wala na akong nagawa kundi ngumiti na lang. Yakap ako ng isang braso niya, nakalapat iyon sa aking tiyan. Ang isang kamay niya ay hawak ang kamay ko para tulungan akong itaas ang trophy.

"Your dance killed me. I want you to repeat that in our room as my trophy. That performance can surely burn us a lot of fats," bulong niya sa gitna ng sunod sunod na flash ng camera.

Umakyat ang lahat ng dugo ko sa aking mukha. Sinubukan kong itago ang pamumula ngunit hindi iyon umubra. Siguradong mukha na akong kamatis sa mga kuha ng kamera. Ito ba ang ikinagagalit niya kanina? Ngayon ko lang naintindihan. Simpleng sayaw lang iyon para sa akin. Wala akong naiisip sa tuwing sumasayaw. Ngayong nalaman ko na iba ang naiisip niya habang pinapanuod ako saka ako nakaramdam ng pagkailang sa mga step ko na ganoon.

"Wait for me in the car. I'll just wash up and change my clothes," he then planted a small kiss on my forehead.

Ibinigay niya ako kay Coach Roiland. Lakad takbo siyang nagtungo sa changing room ng team nila. Nauna na ang mga kasama niya roon pagkatapos ng picture taking. Nahuli siya dahil naharang siya ng ilang mga taga media na nakakilala sa kanya. Even though he was young then, he was still not forgotten by many. Maybe that's because he really had a big impact on this field.

"Nakita niyo si Irene?" Tanong ko sa mga kasama namin sa cheering pagkalabas ko sa stadium.

Lumilinga linga ang ulo ko at hinahanap siya sa tabi ng mga statue kung naroon. Nalipat lang ang tingin ko sa mga napagtanungan ko na nasa aking harapan nang marinig kong banggitin nila ang pangalan ni Jax.

"Boyfriend mo si Jax?" Sabay sabay sila.

Walang sumagot sa tanong ko. Muntik ko pang makalimutan na wala silang alam na kami ni Jax. Nasa paghahanap kasi kay Irene ang isip ko. Nagdikit dikit sila. Humarang sa akin at gustong gusto na marinig ang sagot ko kahit nakita naman nilang lahat ang nangyari sa stadium. Katulad ni Irene nasa itsura nila ang gulat at bigla, mas malala nga lang ang naging reaksyon ni Irene dahil gusto niya at umasa siya kay Jax.

"Oo," sagot ko at inulit ang tanong ko. "Nakita niyo si Irene?"

Mangha silang tumango. Nasa mga mata nilang marami pang tanong pero dahil hinahanap ko si Irene, hindi na nila sinundan iyon. Tinuro nila ang van. Bago ko sila iwan, nagsabi ako na huwag sana munang ipaalam sa iba. Kahit na alam kong nagulat sila alam ko naman na may respeto pa rin sila sa akin bilang cheer co-captain nila at Vice President ng student organization.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now