Kakain na sana siya nang biglang bumukas ang pintuan.

“Hindi ka pa ba na pupurga dyan?” sarkastikong tanong ni Mang Cueto habang naka krus ang ang mga braso at naka sandal sa gilid ng pinto.

“Po?” takang tanong ni Shane.

“Kung hindi sardinas, corn beef? Kung hindi corn beef, itlog. Abay wala akong pang burol sayo!”

“Grabe naman po. Burol agad?” natatawang tanong niya.

“Aba’t tawa tawa ka dyang bata ka? Akala mo nag bibiro ako? Sinasabi ko sayo wala akong pang burol kaya kumain ka ng maayos!” sermon nanaman niya.

Bumuntong hininga nalang si Shane, “kumakain nga po ako. Istorbo ka lang e!” aniya.

“Gano’n? Kung hindi kaya kita pasahurin?!” nag babantang tono niya.

“Joke lang po!” bawi naman ng babae habang tumatawa.

“Wag moko ma joke-joke dyan! No’ng pumunta ka rito hindi ka pa ganyan ka payat. Aba! Baka iniisip ng iba minamaltrato kita! Kumain ka ng MAAYOS punyeta!” tinalikuran na niya ito at sinara ang pinto.

Samantalang si Shane ay halos mamatay na sa tawa. Kundi ba naman abnormal ‘tong babaeng ‘to.

“Psh, maayos, maayos. Hindi naman ako makalat kumain e! Siya gumagawa ng ikaka-high-blood niya.” Wala sa sariling sabi niya bago kumain.

Nang mag sarado na ang restaurant ay inihatid siya ni Abdul sa inuupahang apartment. Nakagawian na ito ng dalawa. Kaya naman hindi na ‘to bago.

Maliit na kwarto lang ang inuupahan ni Shane. Tanging kama, maliit na tv, at ref lang ang naipundar niya. Bigay pa ni Abdul ang maliit na mesa na kinakainan niya.

“Hay, ang sakit ng katawan ko.” Nag inat inat siya bago hinagis ang bag at humiga.

Bagaman sabado bukas ay may trabaho pa rin siya. Nag dedeliver siya ng gatas tuwing sabado at linggo. Dito niya binabawas ang pang kain niya.

Mabilis siyang naligo. Kinain niyang hapunan ay ang tirang pritong manok na binigay ni Mang Cueto. Pag tapos ay ilang oras siyang nag babad sa pag babasa ng libro. Nahiligan niya ang pag babasa ng mga fiction books online.

Alas dose na pero hindi pa rin siya nakakaramdam ng antok. Laging ganito. Hindi siya makaka tulog ng walang sleeping pills pwera nalang kung sobrang pagod at bagsak ang katawan niya. May kamahalan ito kaya siya nag titipid sa pag kain.

Uminom siya ng isang piraso. Matapos ang kalahating oras na pag hihintay ay naka tulog na siya. Nakakatulong ang sleeping pills. Hindi lang sa pag tulog, minsan at nakakatakas rin siya sa bangungot na humahabol sa kaniya.

Patuloy ang pag halik niya sa leeg ko kahit na nag pupumiglas ako. Wala akong magawa. Ayoko nito! Ayoko! Tulungan niyo po ako! Ayoko- ayoko-

“Ayoko na!” sigaw niya at biglang bumangon. Hinihingal at pawis na pawis. Puno ng takot.

Luminga linga siya sa paligid. Na pagtantong umaga na. Walang ano ano ay mabilis siyang bumangon para mag gayak. Normal nalang sa kaniya ‘yon. Normal nalang sa kaniyang masaktan araw araw. Para sa kaniya wala rin mang yayari kung iiyak pa siya. Wala naman mag babago.

“Magandan umaga hija!” bati ng kaniyang katrabong may edad na.

“Magandang umaga rin po.”

“Heto na ang naka toka sayo. 75 boxes. Gaya ng dati ikaw na bahala dyan. Mauna na’ko.” Paalam nito.

“Opo, ingat.”

Tiningnan niya ang malabundok na kahon. Siguradong mabubogbog nanaman ang katawan niya. Tanging bike lang ang gamit niya sa oag deliver. Hindi gaya doon sa mga manok na scooter. Natuto siya no’n dahil kailangan niya ‘tong gawin.

The Heartthrob That Can't WalkWhere stories live. Discover now