Chapter 20

49 3 0
                                    

We’re now here in my mom’s friend rest house. It was not that big. It’s just right. Simple but clean. Ang akala ko mala mansyon. But I guess I shouldn’t expect too much. Kaya pala dito kami pinag-stay dahil sa hotel sila mom. Bakit kami hindi? Ang daya.

“Stanlly, wag kang bumusangot dyan. Maayos ‘tong bahay. Besides, nasa tapat lang ang dagat at sa tabi natin ay may public pool.” Mom said lecturing me.

I sighed and look at Shane who’s looking outside the window. Admiring the scenery. Her eyes were twinkling while looking at the sea. She really loves beach.

“So, I’ll leave you two here. Don’t worry dito uuwi si Tori.”

“Mom you said it’s a vacation. Tapos hindi ka namin kasama?” inis na tanong ko.

She sighed, “I told you I have work here. Wag kang mag alala it’s just three weeks. I’ll spend the one week with you guys.”

“One week?”

“Stanlly, don’t be a mama’s boy!” saway niya.

“What? I’m not!” depensa ko.

“Hayaan niyo na po ‘yan. Ako na bahala.” Biglang sulpot ni Shane.

“Sige, I’ll go ahead na. Stanlly, pag pinaiyak mo si Shane yari ka sa’kin.” Banta niya pa.

I just rolled my eyes. Baka ako pa maiyak sa kakulitan niya. Kanina pa siya sa sasakyan. Kainis.

Umupo siya sa sofa…sofa na gawa sa kahoy. I just love my wheelchair at this moment. I won’t sit there.

“Gutom kana? Gusto mo mag luto ako?” tanong niya.

“Marunong ka?”

“Oo naman. Ano bang gusto mong kainin?”

I paused to think of food, “I want chicken curry.” I answered.

“Sure, hintayin mo lang.” dumiretso siya sa kusina. Hindi naman ganoon kalayo ang kusina sa sala kaya nakikita ko pa rin siya.

This house is kind of small for me. Medyo katamtaman ang laki ng sala samantalang medyo maliit ang kusina.. May dalawang kwarto. Mabuti at namili sila mom kanina ng stock ng pagkain.

I opened the small tv. Another thing is there’s no internet connection. Kaya kanina pa mainit ulo ko. Balak ko pa namang mag laro lang habang bakasyon. Now it’s ruined. Anong gagawin ko rito? Tutunganga?

I heard her humming while cooking. She looks so happy. Samantalang ako biyernes santo. Hindi rin naman ako makakalangoy. Pano ako mag eenjoy?

When the lunch is ready we ate together. The curry was so good. I don’t know but when she’s the one who cook the food I always ate as much as I can. Mom is not really a great cook. But she can do simple dishes.

Pag tapos ay siya ang nag hugas ng pinggan. Suddenly I feel guilty. Siya nalang lagi, siya na nag luto siya pa mag huhugas. Hindi ko naman abot ang lababo dahil naka wheelchair ako.

What am I thinking? Kaya niya naman ‘yan. Bakit ako nag aalala? Psh.

I know myself too well and I wish I don’t. That made me deny all of it. Even though I know what I really feel. I hate this. But I can’t make it vanish. No one can.

“Labas tayo.” aya niya.

“Anong gagawin natin do’n?” inis na tanong ko.

“Basta, sama ka nalang sakin. Akong bahala.”

Wala na akong nagawa dahil tinulak na niya ang wheelchair ko palabas. Hindi pa ba siya na papagod?

Huminto siya sa buhanginan, ilang metro ang layo sa dagat.

The Heartthrob That Can't WalkWhere stories live. Discover now