Chapter 22: The Stalker!

Start from the beginning
                                    

"Hello po kuya ito po yung gitara na gagayahan."

"Patingin nga..."

Kinuha nya sakin yung gitara. Tiningnan nya to ng maigi.

"Medyo matatagalan to okay lang ba?"

"Ah. Okay lang po mga ilang linggo po ba ang aabutin?"

"Isang linggo."

"Osige, po ilan po ba ang babayaran ko?"

"Ah 15k lahat lahat"

"Okay po" linabas ko na yung wallet ko buti nga at kasya pa tong pera ko. Wahh 1k na lang ang natira huhuhu. Kawawa naman ako. Hay nako basta para kay Wacky :) okay lang...

Ibinigay ko na kay kuya yung bayad ko.

"Sige po balik na lang po ako after a week"

"okay basta wag mong kalimutan yumg resibo. Salamat."

"Thank you din po."

Umalis na kami ni Nics sa store na yun. Pero pakiramdam ko may sumusunod samin. Tumingin ako sa paligid namin pero wala naman kahinahinalang tao. Pambihira natatakot na ako.

Beep... (ringtone po ito.XD)

"Ella nagtext sakin si mama doon daw ako matulog sa isang bahay namin."

"So... hindi ka sakin sasabay"

"Hindi na kasi magiging malayo pa yung ruta mo magtataxi na lang ako."

"Sige ingat ka..."

"Ikaw din ingat. At magtext ka kunf nakauwi kana o kaya may masama ang pakiramdam mo. Bye...."

Umalis na si Nics sa harap ko at nagmadaling bumaba ng floor sa mall. Hala pano na ako wala na akong kasama huhuhu. Tsk buhay nga naman eh. Ano ba yan uwi na nga ako hindi pa naman panatag ang pakiramdam ko. Wahhh praning na ako. Next time dapat dalawang tao ang kasama ko para kung umalis ang meron pa.

Bumaba na ako sa may parking lot. Walang katao tao malamang Ella alangan naman na merong tindahan dito. Nakakatakot naman naalala ko tuloy yung episode ng Detective Connan yung may Parking lot scene. Huhuhu sana naman wala ditong nakatambad na bangkay.

Pagkahanap ko ng kotse sumakay na agad ako. Inilabas ko na ang kotse sa parking lot.

Pagkarating ko sa Village namin wala man lang akong ingay na naririnig. Ang tahimik kahit may taong gumawa ng crime sa tabi walang makakapansin.
Nagulat na lang ako ng may biglang tumawig na pusa tapos...

Bogggshhh.....

Wahh yung harap ng kotse ko. Wait yung sarili ko muna ang tingnan ko. Bumaba ako ng kotse tapos ay buti na lang safe ako hehehe. Eh! Yung kotse ko wala pa naman kaming pamalit dyan. Nabundol ko ba naman yung maliit na puno. Lalakarin ko na lang pauwi tapos sabihan ko na lang si papa sya ana bahala dyan.

Kinuha ko yung gamit ko sa loob at nilock ito. Ang buhay nga naman para talagang gulong malas ko na lang ngayon at nasa baba ako bisit!.

Nagsimula na akong malakad. Pero pakiramdam ko may sumusunod sakin. Wahhh hindi kaya mga madurukot sila tapos huhulihin ako tapos ibibenta lamanloob ko wahh okay na mamatay ako dahil sa sakit ko pero ang gutay-gutay na katawan noway tsk.

Lakasan ko na lang ang loob ko marunong naman ako magkarate eh bat ako matatakot. Ella kaya mo yan go...

"Hoy kung sino ka man dyang tago nang tago sa likod ng puno pwes lumabas ka na di ako takot sayo."

My Mission Before I Leave (Completed)Where stories live. Discover now