Lascivious Casanova 47

Start from the beginning
                                    

Natahimik si Irene at napaisip. Nakikinig lang ako sa kanila at nakatingin, partikular kay Cathy na nagsasalita.

"Kung in love ka, hindi ka basta-bastang bibitiw kahit wala nang kilig at wala nang thrill. Hindi ka naman niya sinasaktan ng pisikal. Bigla na lang paggising mo ayaw mo na ng walang dahilan. Kung totoo ang pagmamahal mo, hindi mangyayari iyon. Hindi mo mararamdaman iyon. Hindi mo maiisip iyon. Dahil ang pag ibig hindi lang puro kilig. Hindi lang puro saya. Kung mahal mo mags-stay ka at susubukan kung magwowork pa dahil gusto mo na siya na ang makasama mo sa hirap at ginhawa. If you don't see your future with him and if you can't stay with him for better or worse, that's not love."

"Ang dami mong sinabi! Sige na! Hindi ko siya mahal pero gusto ko siya!"

"Huhulaan ko, gusto mo siya pero sa tuwing kausap mo siya sinasabihan mo siya ng i love you?"

"Anong masama roon? Boyfriend ko naman siya!"

"Iyon ang masama. Nakasanayan mo na iyan sabihin pero hindi mo alam ang ibig sabihin. Ligawan ka lang, sasabihin mo na mahal mo na. Maka-chat mo lang ng tatlong araw, may I love you na. Minay-day ka at pinost sa social media, in love ka na. Hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo pero sinasabi mo na sa isang tao na mahal mo siya."

Natulala ako ng ilang segundo kay Cathy. Hindi pa namin nasabi ni Jax ang salita na iyon. Kailan ba iyon dapat sabihin? Kailan ba masasabi na mahal mo na ang isang tao? Paano ba malalaman kung totoo ang nararamdaman mo? Kailangan ba talagang sabihin iyon?

Hinawi ni Irene ang buhok niya at tumungga ulit nang alak. Sabay-sabay kaming napatingin sa phone niya nang umilaw iyon sa lamesa. Tumatawag si Dhustin at hindi niya sinasagot. Iniiwasan niya siguro.

"Sagutin mo na iyan at makipaghiwalay ka ng maayos. Kung patatagalin mo iyan lalo mo lang siyang masasaktan. Don't underestimate the rage of broken hearted people. Kapag nasasaktan ang tao, mas tumatapang. Kahit anong pagsasabi mo ng totoo, hindi ka na muling paniniwalaan. They become more sharp and resilient after a fall."

Iniikot ikot ko lang ang baso at pinapagulong sa gilid ang laman. Nakatingin ako kay Cathy. Minsan para siyang manghuhula at bolang cystal na lang ang kailangan. Kapag may magkasintahan kaming nakita alam niya na kaagad kung ano ang nararamdaman ng mga ito. Nahuhulaan niya kung mayroon ibang babae ang lalaki o kung magtatagal ba ang relasyon ng mga ito. Kadalasa'y tumutugma ang hula niya. Mahilig siyang magbasa ng mga galaw ng tao. Kaya mas ingat na ingat ako kapag kasama siya.

"Bakit ganyan ka magsalita? May mga naging secret boyfriend ka ba na hindi namin alam ni Clementine? Kung magpayo ka parang ang dami mo nang karanasan!"

"I don’t need to have many boyfriends to know that. Common sense at libro lang ang kailangan mo, Irene. Hindi iyon alam ng mga tamad magbasa na katulad mo."

"Sinong tamad?!"

"Sino ba ang kausap ko ngayon?"

I shook my head and pouted. Here we comes. Magsisimula na ang away nila. Na-anticipate ko na naman na parating ito. Sanay na ako't hindi na nagugulat na kasunod ng pag-uusap nila ay away.

Humarap ako sa lamesa. Tinungga ko ang baso na natunaw na ang yelo. Habang umiinom ako, nagtama ang mata namin ni Jax. Nasa bleachers sila at wala sa mga lamesa. Nakataas ang isang paa niya. Ang isa niyang braso ay nakapatong sa kanyang tuhod.

May hawak siyang papel na baso katulad ko. Tinaasan niya ako ng kilay. Salitan sa basong nasa labi ko at sa aking mata ang tingin niya. Pinapababa sa akin iyon at binabawalan akong uminom.

Alam niya kung paano ako malasing. I even dragged him into the bathroom. I kissed him and invited him to fvck me when I was drunk. Lumabi ako at kinuha ang cellphone. Sinamantala kong abala sa pag aaway ang dalawa para patago akong makapagpadala ng mensahe sa kanya.

Lascivious Casanova (R-18) (Erotic Island Series #7)Where stories live. Discover now