----------------        ++++++      ----------------

Jasper's POV




"Thanks Tita. Pasensya po ulit sa abala." nahihiya man, pero sensirong pahayag ko kay Tita Net matapos ayusin ang sugat ko. Pinalitan na rin niya iyon ng bagong benda kaya medyo gumaan na rin ang pakiramdam ko.


Hay salamat. Atlast, problem solved. 😊


"Naku, walang anuman. Maliit na bagay. Ano ba kasing ginawa mo't bumuka ulit 'yan? Buti na lang at naisipan mong pumunta dito, dahil kung hindi, e naku, hindi talaga 'yan titigil sa pagdurugo. Tignan mo't namumutla ka na." mahabang lintaya nito.


Di ko alam kung pinapagalitan ba niya ako o sinisermonan. Kulang na lang kasi, e paluin niya ako sa pwet or di kaya kurutin sa singit. Kaya napayuko na lamang ako saka alanganing ngumite.



'Naku, kung alam niyo lang po, Tita.' mahinang bulomg ko sa sarili. 😁


Sa tototo lang, nagdadalawang-isip pa sana ako kanina kung tutuloy ba ako dito o hindi. Nakakahiya naman kasi na ito lang ang sinadya ko para pumarito. Di ko na kasi naabutang bukas ang infirmary kanina, so medyo nataranta rin ako sa kung anong dapat kong gawin.



Alam ko naman kung paano manggamot or maglinis ng sugat. Sus, napaka-basic. 😏 Ano ba naman ang silbi ng mayroong pamilya ng mga Doktor kung ultimo first aid ay hindi ko alam. Baka mas lalo pa akong itakwil ng mga magulang ko niyan. BUt in my case, I doubt kung magagawa ko iyon ng mag-isa. Aside kasi sa hindi ko maabot, e masakit pa at makirot sa tuwing kumukilos ako.


At kahit siguro umuwi ako ng dorm kanina, e wala din naman akong maabutan doon dahil may klase pa sina Toby at Glen. Si Third nama'y nagpaalam din na pupunta kela Mark, na pinsan niya --which is also our tropa para tumambay saglit. Isasama pa nga sana niya ako, kaso nga ay makipagkita ako ky Tee Jay, so I declined.



But I don't think I made the right decision. Kasi kung sumama lang sana ako, e hindi ko pa sana na encounter si Alexa at naka-iwas pa sana ako sa alalahanin ko ngayon. But, what can I do? Its already happened. 😩 Kaya ayun, at the end ay dito din pala ako mapapadpad sa bahay nila.



"Di na po mauulit. Promise, mag-iingat na po ako."



"Dapat lang! Dahil kung hindi, naku, mapipingot na talaga kita." anito habang nililigpit na ang box ng first aid kit.




Pagkatapos niyon ay pumasok ito sa isang kwarto bitbit ang naturang box, at pagbalik naman niya ay may dala na itong isang paper bag.



"Tamang-tama at may damit at jacket ka pang naiwan dito. Magbihis ka muna't madumi na yang suot mo." at ini-abot niya iyon sa akin.




Biglang lumiwanag ang aking mukha.




"Oh, perfect! Thats great. Thank you so much, Tita." sa subrang tuwa ko ay nayakap ko siya.


"Sus,na batang 'to,o. Aba'y walang anuman. Sayo din naman 'yan, so anong nakakatuwa dya'an?" aniya habang tinatapik-tapik pa ang likod ko.



Sino ba naman ang hindi matutuwa? Di ko na kailangang dumaan pa sa Dorm para magbihis dahil meron na akong pangpalit. And thank God, dahil dediretso na lamang ako kela Granny mamaya. What a great luck! 😊



"O siya, magpunas ka na muna't magpalit doon sa banyo, at ako'y magluluto ng ating makakain. Parang feel ko yatang magpancit ngayon."



Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at malugod na tinanggap ang naturang paper bag.



"Da best ka talaga, Tita. Kaya lab na lab kita e." I winked at her at natawa naman ito.



"Sus, nambola ka pang bata ka. Hala, sige na't pumasok ka na sa banyo." tinulak pa niya ako papunta roon at para naman akong batang paslit na nagpatianud lamang din sa kanya.



20 minutes later ay natapos rin ako. Atlast, I feel refresh right now. Talagang naghilamos ako at nagpunas ng basang bimpo sa buong kantawan para mawala ang amoy at lansa ng dugo sa katawan ko. But of course dinahan-dahan ko lang at baka masagi na naman itong sugat ko.



Palabas na sana ako ng may marinig akong ingay mula sa labas. Si Alex.


"You won't believe what Im going to tell you right now, Mom." Excited na balita ni Alexa sa ina. Hinihingal pa talaga ito na parang kagagaling lang sa pagtakbo.




Nataranta ako, kaya hindi ko na alam pa ang mga sumunod na pinag-uusapan nila, basta narinig ko na lamang silang naghihiyawan. Parang nagkakakasiyahan yata.



Shit! anong gagawin ko ngayon? siguradong magugulat 'yon pagnakita ako. And worst, na nakigamit pa ng banyo nila. Para akong tangang nakasandal sa likod ng pintuan habang nag-iisip kung anong gagawin. Damn!😫



Maya-maya pa'y may biglang tumunog na cellphone. May tumawag yata. I know it was't mine kasi iba ang ring tone ko. So, out of confusion ay dinikit ko ang aking tenga sa pintuan para marinig sila sa labas, pero tumahimik din yata sila at tila hinahanap kung saan nanggagaling ang naturang tunog.





"Isn't it my phone?" narinig kong tanong ni Alexa pagdakha.



"Yah. I guess so." saad naman ng isa pang boses babae na di ko alam kong sino.



What?! Oh Shit! Bakit ba di ko naisip 'yon? Nasa loob pa naman iyon ng bag ko.



I was so shocked! Para akong binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. At sa pagkataranta ko ay di ko sinasadyang masagi ang tabo sa ibabaw ng sink kaya nahulog ito sa sahig at nagsanhi ng matinding ingay sa buong banyo.






Oh Damn! Im so dead!!! 😫😩😓







- to be continued!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon