Bigla itong natapilok. Buti na nga lang at magkahawak-kamay kami kaya maagap ko siyang nahila. Hays, muntikan na. 😪



Isang masamang tingin ang pinukol ko sa kanya, pero nginetian lamang niya ako.



"Sorry po." anito sa maamong mukha, pero inirapan ko lamang siya.


"Oo na po, mag-iingat na po." anito ng makitang nakataas ang isang kilay ko. Binitawan ko siya saka nauna nang lumarga



"Teka, wait, hintayin mo ako." habol nito saka sinundan ako. Kaya mas binilisan ko pa nga ang paglalakad na kunwari iiwanan ko siya.



"Alexa!" she stopped and glares at me.




"What?" patay-malisya akong bumaling sa kanya. Sarap niyang asarin. 😅



"Isusumbong na talaga kita kay Tita. Nang-aanu ka e." tila batang nagtatampo na sabi niya. Naka-pouty lips pa talaga ito, kaya tuluyan na akong natawa.


"Uy, galit na yern." biro ko.



"Tsee! tigilan mo nga ako. Buang!" maktol nito.


"Oo na,Titigil na. Binibiro ka lang e." I can't stop from laughing.


"Tara na nga at nang makapag-meryenda na tayo. Nagugutom na ako." reklamo ko pa, saka hinawakan na ang kamay niya para magsabay na kami sa paglalakad. Kunwari aayaw-ayaw pa ito, pero sa huli ay nagpati-anod din naman, at umangkla pa nga sa braso ko. Ceasefire. 😅



At yun, tahimik na naming tinahak ang landas palabas ng iskol.



Oh gad! Wala talagang paglagyan ang kasayahan ko ngayon. Not only because I now become part of SAV Team, but because of the realization na napatunayan ko hindi lamang sa aking sarili, kundi pati na rin sa aking pamilya na kaya ko. Napaka-laking bagay na para sa akin na hindi ko sila na disappoint sa bagay na iyon, at kahit papaano'y na meet ko ang expectations nila para sa akin.


And one more thing is that, being part of that said Team will grant a Scholarship Program, plus allowance from the school. Alam ko naman na di ko na sana kailangan 'yon. Dahil di naman sa pagmamayabang, e meron nang inilaang Educational Plan si Papa para sa akin bago siya pumanaw.



I don't how it happen since ako lang meron niyon, at wala si Kuya. Sa katunayan nga niyan, e nagwo-working student pa si Kuya noong college siya, habang nagpa-partime naman si Mama sa isang Clinic para lang sa mga allowance namin.




I know it's unfair for him, pero parang wala  naman siyang angal o reklamo tungkol doon. At di ko din naman siya nakikitaan ng anumang pagtutol o pagkontra sa bagay na iyon, so I guess, its not a big deal. At ngayon ngang nagta-trabaho na siya, e siya pa ang nagbibigay sa akin ng allowance, which I really feel bad. 😔



Pero ngayon, kahit papapaano'y mababawasan na ang kanilang suliranin, since may makukuha na akong allowance mula school bilang Athlete. At kahit sa ganitong paraan man lang ay mapagaan ko ang kanilang pasanin, at maramdaman nilang worth-it ang sakripisyo nila para sa akin.


Ugh, Parang gusto ko na ngang liparin ang himpapawid makarating lang agad sa bahay. Di na talaga ako makapag-hintay na makita ang masayang mukha nila Mama at Kuya sa aking magandang ibabalita.


Naku, siguradong may bago na namang ibibida sa Mudra sa mga kaibigan niya. Well, malamang. Ano pa nga bah?  😁😂😅










Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 30, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Precious EnemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon