Prologue

123 39 6
                                    

"DAMN woman!" napapitlag ako at napabalik sa ulirat ng marinig ang malamig at malalim na boses na iyon ng kung sino.

Napatingin ako rito, isang gwapong lalaki na nakasuot ng black sleeveless na nakatupi hanggang siko at naka faded jeans ito na talaga namang hapit sa kaniyang hita.

"Fvck this life." iritang aniya at patuloy parin sa pagpupunas ng kaniyang suot.

Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang natapunan ko pala siya ng hawak kong kape. Iyong kape na galing sa coffee machine, iyong huhulugan muna ng five pesos.

Salubong ang makakapal na kilay nito at bahagyang umiigting ang panga habang nag pupunas.

Halatang irita na ito at galit. Umangat ang tingin nito sa akin, napalunok ako ng bahagya dahil sa klase ng tingin niya. Nakakatakot.

Dali-dali akong nag labas ng panyo at agad na pinunasan ang damit nito pero agad niya ring tinabig ang kamay ko.

"S-sorry." sabi ko at napakagat ng ibabang labi. Nakakatakot kasi siya kung tumingin.

Umiwas siya ng tingin at hindi nakatakas sakin ang pag taas ng sulok ng labi nito.

Ngumiti ba siya o ngumisi?

Pinanood ko ang bawat galaw nito. Inilabas nito ang cellphone galing sa bulsa at nag tipa roon, ilang sandali pa'y itinapat nito 'yon sa kaniyang tenga.

Ano tatawag ba siya ng pulis? Ipakukulong ba niya ako? Hindi ko naman sinasadya na tapunan siya. Wala ako sa sarili kanina dahil iniisip ko kung paano makakabayad sa hospital. Naka-confine kasi si Mama roon dahil inatake ng diabetes at kailangan kong dumilehensiya ng pera.

Nag simula na akong mataranta ng liningon ako nito habang may kausap parin sa cellphone. Pumeywang ito at tinitigan ako.

"I'll call you later." aniya sa kausap bago ibinaba at ilagay sa bulsa ang cellphone.

Tumalikod ito at nag simulang mag lakad. Ganun na lang 'yon? Matapos niya akong titigan ay aalis na lang siya? Paano ang future junakis namin kung aalis siya at hindi ako isasama? Charot!

"T-teka!" bahagya kong sigaw pero hindi yata niya narinig at patuloy parin ito sa pag lalakad patungo sa nakaparadang itim sasakyan.

Napangiwi akong tumingin sa paligid. Hapon na kaya kaunti na lang ang tao rito sa kalsada.

Nag lakad ako patungo rito at pinigilan siya sa pag bukas ng pinto ng sasakyan.

"S-sorry, hindi ko sinasadya na matapunan ka." yumuko ako at pasimpleng sinilip ang reaksyon niya pero wala.

Kinuha ko ang kulay pink kong panyo at inilahad sa kaniya. Tinignan niya ito saglit at tinaasan ako ng kilay. Sungit.

"Kunin mo na 'to. Ipunas mo riyan sa natapunan, sorry talaga. Kung hindi ka naman kasi tatanga-tanga edi sana hindi ka natapunan ng kape, kita mo naman kasi kanina na wala ako sa sarili eh." napahawak akong bigla sa aking bibig. Gaga ko! Kung ano-anong lumalabas sa bunganga ko.

Kumunot ang noo nito at nag salubong ang mga kilay. Yari!

"What did you say?" nag taas baba ang kaniyang malapad at matigas na dibdib dahil sa rahas niyang paghinga.

Umiling-iling ako. "A-ah ang sabi ko wala ako sa sarili kanina kaya ako yung tanga kasi natapunan kita."

Napakamot ako ng pisngi ng makitang mukhang naniwala siya. Tanga niya. Charot.

Nabigla akong napaatras ng tabigin nito ang kamay kong nakaharang sa pinto ng sasakyan.

Binuksan niya ito at pumasok bago padabog na isinara ang pinto. Lumapit ako sa bintana at kinatok ito. Tinted ang sasakyan kaya hindi ko siya kita.

"Ayaw mo ba ng panyo ko? Ang arte mo naman." angil ko.

Umirap ako at hinayaan na siyang paandarin ang sasakyan. Nag lakad na rin ako, kailangan kong umuwi muna at babalik rin sa hospital.

Napaigtad ako ng may bumusina sa likod ko. Tumingin ako rito at iyong sasakyan ito nung gwapo.

"Panyo." tipid niyang wika. Nakabukas ang bintana ng driver seat at ngayon ay kitang-kita ko siya. Hindi ako tumigil sa pag lalakad kaya naman tinapatan ng sasakyan niya ang mga lakad ko.

Seryoso siyang nakatingin lamang sa daan kaya naman kitang-kita ko ang perpekto nitong panga, mahahaba rin ang mga pilik-mata nito. Ang gwapo.

"I don't repeat myself, woman." matigas na aniya. Liningon ako nito sandali at ng mag tama ang mga mata namin doon ko napag tanto na parang may mali. Hindi lang nakakatakot ang mga tingin niya kundi nakakamatay.

Huminto ako ganoon rin ang sasakyan niya. Iniabot ko sa kaniya ang aking panyo.

Nahigit ko ang aking hininga ng hilain niya ang aking pulso bago kunin ang panyo.

"What's your name?" mataman niyang tanong. Napalunok ako dahil sa klase ng mga tinging ipinupukol niya sa akin.

Baka matunaw ako. Hehe.

"L-Lesly Delany Sandoval." pagpapakilala ko. Ngumisi naman siya at mas lalo akong hinila. Tumama ang aking katawan sa pinto ng sasakyan niya.

"Nice to meet you, Delany." husky nitong sabi at hinalikan ako sa labi.

____

Vote and give some feedback please. Thank you.

I love you, Mr. KickboxerWhere stories live. Discover now