CHAPTER 18

469 60 13
                                    

***

"Balita ko pre, ngayon darating yung babaeng aampunin ng parents mo?"tanong ni Tris.

"Yeah, that's my mom said."usal ko, hindi ko gusto ang plano nilang pag aampon, naiinis ako feeling ko kase hindi kami sapat ni Vher bilang anak nila at kailangan nila mag ampon.

"Anong gagawin mo? Tatanggapin mo ba sya?"tanong naman ni Liam.

"I don't know, hindi ko pa sya nakikita."sagot ko.

"Ganito na lang, para hindi ka ma boring kapag kasama mo yung babae na yun, pagtripan natin,"tumatawang si Tris, "Tutal ayaw mo naman sa kanya, ede paglaruan mo, remember talo ka sa pustahan natin kanina."

"Tama, yun na lang ang parusa mo."dagdag naman ni Liam. Hindi ko gusto yung plano nila, pero dahil talo ako kailangan ko silang sundin.

Umuwe kami ng probinsya para mag bakasyon, I don't want to go there because guguluhin na naman ako ni Celine, nakakairita pa naman yung babae na yun.

Pag dating namin, tinawag na nila yung Stella na aampunin ni mommy and daddy, naiirita ako sa kanya kapag nag sasalita sya.

Hindi ko maipagkakaila na maganda sya, perfect sya para sakin, pero bakit ko nga ba sinasabi yun?

Hindi ko alam ang nararamdaman ko nung makita ko syang umiiyak, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

"The fuck, are you fucking insane?"galit kong tanong, sino ba naman kase ang tangang mangangabayo ng hating gabi? Diba sya nag iisip, diko alam ang gagawin ko nung tinawag ako ni Vher, tarantang taranta ako, pero nung pinasok na sya sa kwarto nya mas nag tataka ako kung bakit ganon na lang ang reaction ko.

"Are you awake?"tanong ko, hindi sya kumibo."You know what, hindi ko alam, pero feeling ko nahuhulog na ako sa'yo, feeling ko gusto na kita, pero...mali eh, hindi dapat,"sabi ko. Alam kong gising sya dahil kumukunot ang noo nya, bahagya ako natawa pero diko pinahalata.

"I think I like you."usal ko, hinalikan ko sya sa noo, atlis yun ang pag confess ko sa totoong nararamdaman ko.

Hanggang sa maka balik kami ng Manila, at maka pag aral sya, pati ako natutuwa sa kanya dahil excited na excited sya, ganon sya kasaya sa mga oras na papalapit na ang pasukan.

Nung nag simula na ang pasukan naiirita ako sa kasama nya laging lalaki, halata namang may gusto yun sa kanya pero di nya napapansin.

"Ano na pre? Nagawa mona ba yung dare namin?"

"Ang hina mo naman, hanggang ngayon wala ka paring improvement sa mga babae, sayang ang gwapo mo."

Yun ang lagi nilang bungad sakin kapag nakakasama ko sila, minsan nga gusto ko na lang silang sapakin at pag bubugbugin eh.

Pero yung dare na yun, ako ang talo, kase ako yung nahulog, ako yung nag mahal talaga sa kanya, ako yung unang masasaktan kapag umalis sya.

Umamin ako sa kanya at I admit it na gusto ko talaga sya, hindi sya umangal o ano man, nagulat lang sya, sinabi kona kela mommy and daddy na gusto kong pakasalan si Stella, hindj naman sila nagalit at mas natuwa pa nga.

Nag date kami, dinala ko sya kung saan ang plano ko na kung sinong unang magiging girlfriend ko ay dadalhin ko sa lugar na yun, dahil sya ang una at pinaka mamahal ko, sya ang dinala ko don.

Nakakainis lang dahil naguguilty ako, pumapasok kase lagi sa isip ko yung usapan naming mag totropa, pano kung malaman nya at iwan nya ako? Diko yun kaya.

"I promise, Vhonever Sandilvan, I never leave you, even there's struggles to come between us."pinang hawakan ko yung pangako nya.

Hindi nya ako iiwan hangga't ayaw nya na, mahal ko sya at hinding hindi ko sya kayang iwan.

Naging busy ako this past month dahil ng malapit na ang finals namin, hindi ko natutuunan ng pansin si Stella, minsan nakasabay ko sa bar si Caleb at Kent.

"Alam mo pre... Inunahan mo lang naman ako eh... Kay Stella? Gusto ko sya...pero inagaw mo..."lasing na sabi ni Kent.

"Lasing ka lang,"natatawang sabi ni Caleb.

"Di ako lashing..."tinungga nya pa yung boteng hawak nya, napailing iling na lang ako.

"I Know."sagot ko. Hindi sya kumibo dahil bagsak na sya, hinatid namin sya ni Caleb pauwe sa bahay nila.

And that night my life was ruined, my driver text me, that my parents are in accident, agad akong nag drive patungong hospital, naka ilang text and missed call na pala sakin si Stella at Vher, hindi ko manlang napansin.

Saktong pag dating ko ng hospital ay, naka higa na at balot na ng puting tela sina mommy and daddy. Sising sisi ako sa sarili ko.

"Kumusta pre? Kumusta yung plano mo kay Stella?"tanong ni Liam.

"Wag ngayon pwede?"sambit ko.

"Sumunod kaba sa pinag usapan natin na pag lalaruan si Stella? Akala ko ba matapang ka? Bakit dimo kayang paibigin ang isang Stella-"I cut Tris.

"Napa ibig kona."usal ko.Tahamik ako saglit, "Pero ako ang talo, kase ako yung nahulog ng lubusan."Tumawa naman sila ng tudo dahil talo daw ako.

"Sabi ko na nga ba eh, iba na kase ang tingin mo eh, may meaning na."natatawang si Liam.

Nung nasa bahay na ang bangkay ng aking nga magulang, mas lalong gumuho ang mundo ko nung malaman ni Stella yung dare namin.

Hindi ko alam kung paano ako mag explain sa kany, kung paano ko ipapaliwanag na mahal ko sya, kung paano ko sasabihin na hindi ko yun sinunod.

"Kuya!!"galit na tawag ni Vher."Anong ginawa mo? Bakit umalis si Ate? Bakit sinabihan ka nya ng mga ganon? Bat mo sya sinaktan?"galit nyang tanong.

"Wala kang ala-"napa upo ako sa sahig sa lakas ng suntok nya sakin.

"Fuck you."mabilis syang umalis na umiiyak sa harapan ko, wala akong magagawa dahil nasanay na sya kay Stella, diko sya masisisi.

Matagal ako naka tayo sa harapan ng kwarto nya para kausapin sya, pero bigo ako, dahil hindi ko alam kung paano sya kakausapin.

Tumutulo ang luha ko habang nag lalakad pababa ng hagdan si Stella, nakita pa ako ni Caleb pero sinamaan nya lang ako ng tingin.

Diko sila masisisi kung gagawan man nila ako ng masama, tanggap ko yun, nakakainis lang kase wala akong magawa para pigilan si Stella na umalis, kasalanan ko naman eh, kasalanan ko.

________________________________________________

You Belong To My Heart ✓Where stories live. Discover now