CHAPTER 2

884 118 46
                                    

***


Hanggang ngayon ayaw ko pa ring paniwalaan na ipinag bili nga ako ni papa, kahit minsan diko na isip na kaya nya yung gawin, ni minsan di pumasok sa isip ko na magagawa nya yun.Si Mama pwede pa, pero si Papa? Hindi, pero bakit nangyayari toh? Sino bang paniniwalaan ko? Ang sabi sakin ni Papa trabaho ang pinunta ko dito, pero bakit ganito nangyayari? Akala ko mahal nya talaga ako, akala ko totoo yung ipinapakita nya sakin na nag bago na talaga sya, hindi pala, hindi dahil pareho lang silang dalawa.

Wala na ako ngayong aasahang pamilya, iniwan at pinamigay nila ako, parang hindi nila ako dugo kung ituring, may mali ba ako? O ako yung pagkaka mali? Kaya ganon lang kadali para sa kanila na ipamigay at iwan ako? Ni minsan hindi ko hingi sa kanila ang pag mamahal na kailangan ko, buong buhay ko lagi ako umiiyak sa pang aapi ng ibang tao, at ibang tao rin ang nag papatahan sakin kapag umiiyak ako na dapat sila ang gumagawa.

Kasalanan ko bang nabuhay ako sa mundong ito? Hiniling ko ba na iluwa nila ako? Hindi ko hiniling yun, sana nung bata pa lang ako pinatay na nila ako kung ganito naman palang pamilya ang kalalakihan ko.Nakakasawa mabuhay kapag ganito, gusto ko na lang mamatay agad para tapos na ang pag hihirap ko sa mundong ito.


"Stella, kung ayaw mong maniwala kayla Mommy, pwede kitang ihatid sa inyo at sa Papa mo mismo ikaw mag tanong,"sabi sakin ni Vher.

"Hindi na kailangan,"sagot ko naman at pinunasan ang luha ko.

"Ang swerte mo nga eh, kase ikaw yung naampon ni Mommy and Daddy, subrang tagal na naming nag hahanap ng pwedeng amponin na babae, kaya nung nahanap ka nila, inasikaso agad nila ang papel para maging kapatid kana talaga namin,"mahaba nyang sabi.

"Bakit? Hindi na lang mag anak si mommy mo?"

"Hindi na pwede,"malungkot nyang saad,"Na aksidente kase sila mommy at Daddy at nagkataon pang yung parehong matris ni Mommy ang na damage ng subra,"paliwanag nya.

"Kaya pala,"tangi kong sagot.Naawa ako sa mag asawa dahil hindi na pala sila magkaka anak.

"Hindi ka naman dito pahinirapan, kagaya ka lang namin at ituturing ka dito ng lahat bilang amo,"naka ngiti nyang saad,"Halos magka edad lang kayo ni kuya, pwede na ba kitang tawaging Ate?"naka ngiti netong sambit.

"Oo naman,"pinisil ko ang magkabilang pisnge nya, dahil ang cute nya.

Nag kwentuhan pa muna kami bago napag pasyahang pumasok sa loob dahil madilim na, naabutan namin ang mag asawa na nag uusap sa sala kaya nilapitan namin ito.

"Stella, magpapaliwanag ak-"

"Dina po kailangan, tanggap kona na ganon talaga ang ginawa ng tatay ko, hindi na po ako tatanggi,"naka ngiti kong saad.Nagka tinginan naman sila at bigla na lang akong niyakap ni Tita.

"Maraming salamat,"saad nya ng naluluha na.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nagpa hinga uli, wala naman akong ginawa pero pagod na pagod ako kahit na katutulog ko lang kanina.Kinabukasan bagong buhay ang kakaharapin ko, bagong ako at mga tao sa paligid ko, sana lang tamang buhay tong pinasok ko.Nakatulog na ako matapos ang isiping yun.

"Ma'am, bangon na po, tanghali na,"pag mulat ng mata ko si Cristel ang bumungad sakin."Good morning po,"bati nya.Tinanguan ko lang sya at pumasok ng Cr para maligo na, anong gagawin ko ngayong araw? Baka ma burdo lang ako dito ng walang ginagawa.

You Belong To My Heart ✓Where stories live. Discover now