CHAPTER 5

593 103 29
                                    

***

"Di kaba nag iisip ha? Alam mo namang dika marunong mangabayo sumakay ka pa din, kung dika nga ba naman tanga, alam mo ng gabi na, ano bang pumasok sa isip mo at nangabayo ka? At ikaw naman Vher alam mo namang gabi na eh hindi mo pa pinigilan, nakaka pang init kayo ng dugo,"

Kanina pa yan sya na nenermon, habang buhat-buhat ako papunta sa mansion daldal sya ng daldal, napapakagat na lang ako sa labi dahil diko naman alam ang sasabihin ko.

Nakakatindig balahibo pala magalit si Vhon, ang sakit talaga ng katawan ko, yung paa ko kulay violet na dahil namaga na din sya, si Vher naiiyak na dahil sya yung sinisisi ni Vhon, eh ako naman may kasalanan.

"Wala ngang kasalanan ang kapatid mp, ako, ako ang nangyaya sa kanya,"

"Shut up, di kita kinaka usap!"sigaw nya sakin.

"Ikaw ang tumahimik!"sigaw ko din.

Tumahimik naman sya at ako ay pabagsak na humiga sa kama ko dahil s pagod at sakit ng katawan.'sorry' I whisper to Vher, tumango lang sya at lumabas na ng kwarto ko.Nabalot ng katahimikan ang buong kwarto ko, pag balik ni Vher may kasama na sya, si manang Fina, pati si Cristel na alalang alala ang mukha.

"Hay jusko ka namang bata ka!"sigaw sakin ni manang Fina,"Buti na lang wala dito ang mommy at Daddy nyo, kung hindi yari kayong lahat,"dagdag nya pa.

"Parents lang ho nila,"pag tama ko.

"Magulang mo na rin yun, dahil ayus na ang papel na nag papatunay na anak kana talaga nila,"sagot naman ni Manang Fina.

"Sino nga pala yung lalaki kanina na tumulong sakin?"taka kong tanong.

"Si Daniel yun Ate,"si Vher ang sumagot, Daniel, Daniel? Tiningnan ko si Cristel na naka yuko, sabi kona nga ba eh, yun yung crush nya, magaling di naman pala mamili si Cristel eh, gwapong bata naman pala si Daniel, teka pano naman si Vher? Alam nya kaya na ang crush ni Cristel ay si Daniel?

"Ano bang iniisip mo at parang ang lalim lalim nyan?"iritang tanong ni Vhon.

"Ah w-wala wala,"

"Narinig mo ba yung sinabi ni Manang?"

"A-ah ano ba yun Manang?"

"Sabi ko hihilutin kita dahil mukhang napilayan ka."sabi nya sakin.

Pagkatapos akong hilutin ni manag ay lumabas na din sya kasama si Celine.Naiwan kami ni Vhon doon pero sya malalim ang iniisip, kaya diko na sya pinakialaman.

"Vhon!"tawag ko.

"Hmm?"

"Anyare sa'yo?"takang tanong ko.

"Wala, mag pahinga ka muna diyan, tawagin mo lang ako kapag may Kailangan ka,"napataas ang kilay ko don."I mean kahit sino."sabi nya bago lumabas ng kwarto.

Ilang sigundo na ang nakakalipas, o oras ata pero hindi pa ako maka tulog, ilang beses na din akong nag bilang ng tupa, kabayo, palaka o kung anomang hayop pero hindi pa rin ako maka tulog.

Maya maya at may pumasok sa kwarto ko, nag kunwari akong tulog, naramdaman kong umupo sya sa kama ko.

"Are you awake?"tanong ni Vhon, hindi ako kumibo."You know what, hindi ko alam, pero feeling ko nahuhulog na ako sa'yo, feeling ko gusto na kita, pero...mali eh, hindi dapat,"sabi nya.

Bahagya akong nagulat dahil don, hindi pa rin ako kumibo.

"I think I like you."

___________________________________________

You Belong To My Heart ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon