CHAPTER 9

524 85 5
                                    

***

"Babay Stelver, aalis na ako mamaya, mag iingat ka dito ha, salamat ng marami sa'yo dahil natuto ako mangabayo sa pamamagitan mo,"paalam ko sa kabayo ko.Naiiyak na ako, iniisip ko pa lang na iiwan ko sya dito.

"Ate para kang tanga,"sambit ni Vher.

"Ano ba paki alam mo?"pananaray ko sa kanya.

"Babalik pa din naman tayo dito kapag bakasyon na,"si Vhon.

"Eh malay ko bang pag balik natin dito eh Tinapa na si Stelver,"naiiyak na talaga ako.

"Uuwe talaga ako dito kapag Kakatayin na si Stelver,"natatawang si Vher.

"Gusto mo madeds ng maaga?"

"Joke lang, grabe ka naman,"

"Come-on guys, male-late tayo sa flight natin,"tawag samin ni Tita.

Nag byahe na kami papunta sa airport, first time kong maka sakay ng airplane.

"Kinakabahan ka?"natatawang tanong ni Vhon.

"Halata ba?"

"Oo tanga,"sagot nya naman.

"Maka tanga ka naman,"

"Don't worry ako bahala sa'yo,"sabi nya bago hinawakan ang kamay ko papasok ng eroplano, tabi din kami ng upuan, kaya nung lumipad na ang eroplano ay napa hawak ako ng mahigpit sa kamay nya.

"Matulog ka na lang para dika kabahan."sabi nya sakin.

Tumango lang ako sa kanya dahil kinakabahan talaga ako, pinilit kong matulog, nagigising lang ako sa service ng mga flight attendant.

Hinihiling ko na mag land na agad ang eroplano dahil nakakatakot talaga, mamaya baka sumabog pa'to ede hindi ako nakapag aral.

Tinupad naman ang hiling ko dahil nakababa na kami, naka hinga na din ako sa wakas ng maluwag.

Na miss ko ang Manila kahit na hindi sariwa ang hangin dito dahil puro usok ng sasakyan, ang ingay kapag traffic, iniisip ko pa lang nag mag aaral na ako na eexcite na ako, !ay sumundo saming Van at doon namin nilagay ang mga dala naming gamit.

Vher, Vhon and I took a car, there was still traffic so I fell asleep during the long drive, we also lived in a mansion in manila, it was just bigger than the mansion in the province.Sana pala sinama ko si Cristel, si Angel at Caleb naman ay susunod samin dahil enrollment na.

When we arrived at the mansion, I was too busy to describe it because I was tired, I immediately went up to the room that Tita showed me, my room was in order, so I took a shower fast and take a nap.

Yung mga gamit ko nandito na din sa kwarto ko, baka pinabuhat ni Tito sa mga guards sa labas, mamaya ko na lang aayusin pagka gising ko, nakakapagod na kase.

Ilang oras din akong naka tulog kaya pag gising ko Gabi na dahil madilim na sa labas, bumangon ako ng kumalam ang sikmura ko, wala pa pala akong kain, bumaba ako ng kusina para kumuha ng pagkain, naabutan ko don si Vhon na umiinom ng kape at may laptop sa harap nya.

"Are you hungry?"he ask.

"Yeah."maikli kong sagot.

"Do you want a coffee?"he ask again.

"No, I want rice."sagot ko, nag bukas ako ng ref, pero puro tinapay ang nandon.

"Wala ng kanin, sandwich na lang."Wala na akong nagawa dahil yun na lang ang pwede kong kainin, nag timpla din ako ng chocolate coffee para mag kalaman ang tiyan ko.Umupo ako sa tapat nya.

Nanatili kaming tahimik ni Vhon, habang sya nag nagla laptop, hindi ako umimik pero gustong-gusto ko na mag usap kami, hindi lang talaga ako matopic na babae kaya ganon.

"Bakit hindi mo sinama si Celine?"basag ko sa katahimikan.

"May pera sya, may paa sya, kaya nya pumunta dito kung kelan nya gusto,"sagot naman nya.Napa tango na lang ako."Eh ikaw bakit iniwan mo yung mga kaibigan mo don?"

"Susunod sila dito, isang linggo lang daw don si Angel dahil enrollment na."sagot ko.

"I see."yun na lang ang sagot nya, nang maubos ko na ang kinakain ko ay babalik na sana ako sa kwarto ko, pero dipa naman ako inaantok kaya, lumabas muna ako para pag masdan ang mga ilaw sa garden at fountain sa harap ng mansion na'to, malaki din yung gate dahil natanaw ko at nakalagay ng apelyedo Sandilvan.

Naglakad lakad ako saglit at natanaw ko ang isang upuan sa gitna ng garden, lumapit ako don at umupo, malamig na ang simoy ng hangin dahil gabi.Nalaman ko rin na nasa village pala kami, at puro malalaking bahay ang nandito.Malaki din itong Mansion nila, kase Manila ito, nalaman ko din na may ari sila ng malaking company dito sa Manila at maging sa labas ng bansa, ganon ba talaga sila kayaman?

Kung ganon ang swerte ko pala, dahil isa na ako sa kasapi ng pamilya nila, tinuring nila akong tunay at hindi nila ako tinuturing na iba sa kanila.

"Are you cold?"halos mapatalon ako sa gulat ng mag salita si Vhon sa likod ko.

"Oo pero babalik na din naman ako sa loob maya-maya."sambit ko, tinabihan nya ako kaya bumilis na naman ng tibok ng puso ko.

Ito na oh, ang gandang pagkakataon, pero yung dila ko, nag bubuhol-buhol at ayaw kong pag salitain.His so close but I can't admit it, will I just let it go? Even hurt me? Go with the flow na lang siguro ako.

Kahit ano namang gawin ko masasaktan at masasaktan pa rin naman ako, ako na lang ang iiwas para hindi na lumalim pa yung nararamdaman namin sa isa't isa.From now on iiwas na ako sa kanya, kahit na alam kung mag kikita at mag kikita kami dahil nasa iisang bubong kami, pero bahala na, basta kaya kong umiwas, iiwas ako.

Kung ito lang ang tanging paraan para hindi na lumala ang nararamdaman ko para sa kanya, gagawin ko na, para rin naman ito sakin at hindi sa iba, dahil sa huli ako at ako ang masasaktan.

"Pasok na ako, good night."mabilis akong nag lakad palayo sa kanya, ito na ang simula.

____________________________________________________________________________________

You Belong To My Heart ✓Where stories live. Discover now