CHAPTER 1

1.4K 131 59
                                    


***


Papunta ako ngayon sa mansion ng mga Sandilvan, doon ako magtatrabaho gaya ng sabi sa akin ni Papa. Hindi naman ako nagrereklamo at tatanggapin ko kung anoman ang ibibigay nilang trabaho sa akin, nais ko lang talagang maka ipon para sa pasukan sa susunod na taon bilang koliheyo.

Isa sa mga pangarap ko ay ang makapag tapos ng pag aaral, at matupad ang mga pangarap ko, gaya ng makapag patayo ng malaking bahay yung para bang kastilyo, magkaroon ng permanenteng trabaho, at magkaroon ng sariling pamilya, yung pamilyang hindi kagaya ng samin, yung nanay na hindi iiwan ang anak para lang sa lalaki, naiinis ako kay Mama dahil mas pinili nya pa yung kabit nyang mayaman kesa sa tunay nyang pamilya, si Papa ang nag tataguyod sakin at ako naman ang katuwang nya sa hanap buhay, kaya ngayon pupunta ako sa probinsya kung saan nandon ng hacienda Sandilvan na aking pag tatrabahuan.

"Miss andito na tayo,"tawag sakin ng tricycle driver, tinanaw ko ang malaking gate kung saan naka lagay ang hacienda Sandilvan.

"Salamat manong,"bumaba na ako pag tapos ko mag bayad, anlaki ng gate at hindi ko alam kung paano papasok don kase nga wala namang doorbell.

Hinawakan ko yung gate at itinulak, ngunit wala pa rin.

"Hello po!!!,"sigaw ko, maya-maya pa ay bigla na lang yung bumukas."May maligno ata dito ah,"bulong ko.Dahan dahan akong pumasok at sinundan ang daanan na nakita ko don.

Malayo pa lang natanaw ko na ang mansion, ang laki non subra, gusto ko ng ganitong bahay kung papalarin.Ang sariwa din ng hangin hindi kagaya sa Manila na amoy alikabok bawat langhap mo.

"Miss Stella?"halos mapatalon ako sa gulat ng may nag salita sa likuran ko.

"Manang naman, bat naman kayo nang gugulat?"humawak pa ako sa dibdib ko dahil sa kaba.

"Pasensya na, ako nga pala si Josefina ang mayordoma ng hacienda, Manang Fina na lang itawag mo sakin,"naka ngiti netong tugon.

Sinamahan nya ako papasok ng mansion at pag pasok ko isang party ang nagaganap doon.

"Andito na si Miss Stella,"may sumigaw na isa na diko makilala kung sino, agad naman nila akong sinalubong at binati.

"Welcome po Madam,"

"Maligayang pag parito sa aming hacienda,"naka ngiting si Manang Fina.

Wala akong nasabi at nag tatakang ngiti lang ang iginanti ko sa kanila.Bumalik na sila sa pagkain at ginawa nila, humarap naman ako kay Manang Fina na nag tataka.

"Bakit?,"

"Bakit po ganito ang salubong sakin? Magtatrabaho lang naman ako eh, bakit may pa party na naganap?"taka kong tanong.

"Anong trabaho? Dika mag tatrabaho, halika nga dito, maya maya ay darating na sina Madam Grenda at Sir Fred pati ang anak nilang dalawa, dito sila mag babakasyon at sila na lang ang kausapin mo,"sabi nya bago ako talikuran.

Bat ganon? Nakisama na lang din ako sa kanila kumain, mabuti na lang at dina sila nag tanong pa ng kung ano ano, nang makaramdam ng pagod ay pumunta ako sa kwarto na itinuro sakin ni Manang Fina.

Pag pasok ko don ay malinis na, black and grey ang kulay ng kwarto gaya ng paborito ko, may study table din, may mga bagong gamit na naka lagay sa cabinet at gagamitin ko sa bathroom, may mga skin care din doon, pati ang bed sheets bagong palit at halatang inihanda.Hindi na muna ako nag tanong dahil pagod na ako, mamaya na lang pag nawala na ang pagod ko.Humiga agad ako don dahil pagod na pagod na talaga ako.

"Madam gising na po at mag hahapunan na," may yumuyog yug sakin at pilit akong ginigising."Hinihintay na po kayo ni Madam Grenda,"pagka sabi nya non ay agad akong napa balikwas at dali-daling nag asikaso ng katawan, pag labas ko ng cr ay nakita kong tumatawa yung babaeng ka edad ko lang din.

"B-bakit?"nagtataka kong tanong.

"Wag po kayong mataranta, ako nga po pala si Cristel, ang magiging katulong nyo,"naka ngiti netong saad.

"Katulong??"

"Opo, pwede nyo po akong utusan,"naka ngiti pa rin sya.

"Uutusan kana nga naka ngiti ka pa din,"sabi ko at natawa naman sya.

"Trabaho ko po kase yun, Tara na po, hinihintay kana po nila,"

Sabay na kaming bumaba sa dinning area at na abutan ko don ang tatlong lalaki at isang babae.

"Magandang gabi po,"bati ko.

"Good afternoon too,"balik bati sakin nung tatlo maliban don sa isang lalaki na tahimik lang na nakatingin sakin."Maupo ka Stella,"yaya sakin nung babae.

"Ako nga pala si Fred, tawagin mo na lang akong Tito," medyo may katandaan na sya at kamukha nya yung dalawang lalaki.

"Tita na lang itawag mo sakin," sya siguro si Madam Grenda."At sila naman si Vhonever at Vherizon,"nginitian ako nung Vherizon pero yung Vhonever tinanguan lang ako.

"Ano pong magiging trabaho ko?,"tanong ko sa mag asawa, nagka tinginan sila at sabay na tumawa.

"Hindi trabaho ang pinunta mo dito, isa ka sa aming aampunin ,"naka ngiting saad ni Tita.

"B-bakit po?"

"Alam naming dimo matatanggap kong sasabihin namin ang totoo pero sana maunawaan mo kami," si Tito naman.

Kinakabahan ako kung anoman ay may pakiradam akong di yun maganda, pipilitin ko bang aminin nila, feeling ko kase masasaktan ako eh, pero gusto kong malaman ang totoo.

"S-sabihin nyo po," nagka tinginan naman uli sila.

"Stella, nakita kase namin ang tatay mo sa manila na ibenebenta ka, kay napag pasyahan nila mommy at Daddy na sila na lang ang bibili sa'yo-"

"Hindi totoo yan!!!,"may halong galit kong saad.

"Stella yun ang totoo, ayaw lang naming mapahamak ka kaya namin yun nagawa, pero nasa tamang tao ka-"

"Hindi!!!! Hindi yan totoo!" Umiiyak kong saad. Sinungaling sila diba? Hindi yun totoo.

Ayaw kong paniwalaan kahit alam kong kaya yung gawin ni Papa, tiniis ko ang sakit ng maraming taon sa kamay ng tatay ko at ni minsan hindi ko inisip na ibebenta nya ako dahil umaasa ako na di nya rin ako iiwan kagaya ng pag iwan sakin ni Mama, pero bakit?? Bakit??

_________________________________________________________________________________________________

You Belong To My Heart ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon