CHAPTER 4

651 109 37
                                    

***


Buong buhay ko wala akong pake sa relasyon ng iba, hinahayaan ko lang sila, minsan napapa sana all na lang ako pero wala talaga akong pake, ayaw na ayaw ko yung maninira ng relasyon.Hindi ko intensyon na sirain silang dalawa, kung may relasyon sila ede sila na wala akong pake, mag pakasal pa sila't magka anak wala akong pake.

"Ate Celine baka nakakalimutan mong nandito kami sa harap mo?"singit ni Vhon dahil hindi ko alam ang sasabihin ko.

"I know, gusto ko lang ipa mukha sa babae na'to na hindi nya deserve yung pag ampon nyo sa kanya,"naluluha naman akong yumuko dahil sa hiya.

"Ma'am Celine malaki po ang respeto ko sa inyo, pero kung amo ko na ang naaapakan, hindi ko po kayo rerespetuhin,"singit din ni Cristel, hinawakan nya pa ako s kamay,"Ang bilin sakin ni ma'am Grenda, ipagtatanggol ko si ma'am stella at sa kanya ako papanig,"dagdag nya pa.

"Talaga lang Cristel ha, mas kakampihan mo pa sya kesa sakin? Sure wala ka namang utang na loob eh, sabagay noon nga lang ninakawan mo ako ng per-"

"Wala akong ninanakaw sa'yo, pinag bintangan nyo lang ako ng barkada mo,"giit ni Cristel at medyo galit na.

"Stop it, para kayong mga bata,"saad ni Vhon."Celine kung pumunta ka dito para insultuhin lang si Stella maaari ka ng umalis,"

"Vhon, you know I can't do that,"pag iinarte nya.

Tumakbo ako palabas ng kubo at tumakbo sa kung saan, tinawag pa nila ako, pero di ako lumingon, pinunasan ko ang luha ko, nakakainis naman kase eh."Bakit ba ayaw nyo tumigil?"patuloy ko pa ring pinupunasan yun habang tumatakbo.

Huminto ako sa pag takbo ng makarating sa puno ng narra, umupo ako sa mga ugat doon at yumuko habang umiiyak."Tanga mo naman kase Stella, bat ba kase pumunta kapa dito?"sabi ko sa sarili ko."Ikaw ding mata ka, iyak ka ng iyak, tumigil na nga kayo,"pero hindi sila tumigil at patuloy pa rin sa pag tulo."Ang bababaw nyo namang mga luha kayo,"

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naka upo doon, nang maka kalma na ay inayos ko ang sarili ko at tumayo, inilibot ko ang paningin ko sa paligid.Para akong nasa paraiso ang ganda ng tanawin, nakikita ko mula dito ang malawak na palayan, pati na rin ang ibang parte ng hacienda Sandilvan, malaki pala talaga ang hacienda na'to.

Umayos ako ng pagkaka upo sa ugat ng malaking puno ng narra at tinanaw ang malaking tanawin, nakaka relax dito, parang pag pumunta ka dito ng may problema, mawawala lahat ng yun, tahimik at payapa sa lugar na'to, ang mga huni ng ibon lang ang maririnig mo, isang napaka gandang tanawin na kailanman hindi mo malilimutan.

Nakarinig ako ng kaluskos sa likuran ko."S-sino yan?"kinakabahan kong tanong, mamaya engkanto pala yan.Hindi ako lumingon dahil sa takot."k-kung sino ka man, pakiusap wag ako,"

"Wala akong gagawing masama sa'yo,"dahan dahan akong lumingon dahil sa nag salita.

"Bakit ka nandito?"taka kong tanong kay Vhon na naka pamulsa pa.

"Kanina pa ako nandito, kung dipa ako gumalaw dimo pa malalaman,"sagot naman nya at lumapit papunta sakin at umupo katabi ko.

"Kanina kapa nandito? Bakit hindi moko tinawag?"

"Ayaw kitang isturbuhin sa pag iyak mo, feeling ko kapag inisturbo kita mas masasaktan ka kapag dimo nailabas,"paliwanag nya, nabalot kami ng katahimikan dahil sa sinabi nya.Hindi ko kase alam ang isasagot ko.

"Stella, have you been inlove?"biglang tanong nya, napa lingon naman ako sa kanya.

"I do,"sagot ko.

"Hindi nga?"gulat nyang tanong.

"Oo nga, na inlove na ako, pero dipa ako nag kaka jowa, hanggang crush lang ako,"paliwanag ko.

You Belong To My Heart ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ