Journey #44

31 2 0
                                    


Habang tumatagal mas madami ang tinatanggap nila sa pag-eendorse, fan service, and do vlogging with their group member and some staff too. Si Flinn lang ang super busy sa kanila dahil sa pagpoproduce nito ng kanta ng ARCTURUS dahil parte siya nito.

Habang nagdadrive siya pauwi ay nakakita siya ng maliit na pusa. Kaagad siyang nagpark at nakita niya kung paano ito kadungis. Kinuha niya ang towel sa loob ng sasakyan at kaagad niya itong binalot noon at isinakay sa sasakyan. Ipinasok niya ito sa box at naghanap siya ng malapit na clinic.

Nang makahanap siya ay kaagad siyang pumasok. Nakamask din siya at mabuti na lang ay wala naman masyadong tao, ang doctor lang at ang dalawang babae, at ang iilang assistant nito.

"Good afternoon, sir. What can I—" Natigil ito ng makita ang pusang hawak niya. "Ow."

"Napulot ko siya kanina. Can you check it and also can someone clean him or her? And also kung pwedeng paturok for anti-rabies?"

"Balak niyo bang alagaan?" he nodded.

"Minsan talaga gusto ko na lang din maging pusang gala, Joanne." Pareho silang napalingon ng doctor sa babae na busy paglaruan ang ballpen sa mesa habang nakayungko sa mesa at nakatalikod naman sa kanila at isa naman ay hinahampas na siya. "I can meow, meow, and also I can be a dog basta hindi layas. Nakakainis pa si Persues, walang kwentang Idol, wala man lang nakukuhang autograph from Seyfert's Sextet para sa akin. Nakakasawa na ang buhay ko rito sa totoong mundo."

"Tumigil ka nga diyan, Ally. Nakakahiya ka. Umuwi ka na nga," bulong ng isa.

"Wala ako sa mood umuwi. Ang bigat sa pakiramdam na yung medicine mo nagiging lason na." Pare-pareho silang nagulat sa pag-ayos ng upo nito. "Nakakainis, I'm broken ng mga 25% pero yung 75% inlove. Crush ko pa naman yun si Tyrone tapos ang g'wapo rin ni Dawson. Kung hindi magiging akin si Tyrone kay Dawson lang siya pwede. Naiinis ako dahil sa maiissue na tao. Nagsisimula na naman sila. Mga homophobic na nilalang. Lumilipas ang taon sila hindi nagbabago. Kaya hindi ako naniniwala na lahat ng story ay may character development. When reality hits you."

"Sir, dito po tayo. Pasensiya na kayo sa dalawang iyan."

Tumango na lang siya sa Doctor at bahagyang natatawa dahil sa pinagsasasabi ng babae.

"Doc, naririnig kita." Lumingon ito sa kanila at mukhang namukhaan siya nito. "Omg! Is this for real?"

"Hala! Real nga!" sigaw naman ng katabi nito. "Uhm pwede magpapicture? Joke lang sige na unahin mo na yang pusa mo."

Nasiyahan siya dahil sa sinabi nito. For the first time, may nagcare sa kaniya in that way. Kadalasan kasi fan ang nasusunod dahil nga sa idol sila kailangan halos lahat ng gagawin mo ay para sa fan.

"Huwag mo kaming alalahanin. Kung gusto mo ng privacy magiging tahimik lamang kami. Ayos na sa akin na makita ka ng malapitan," sabi ng isang babae. "Always remember, Ally is my name. And Joanne is her name and we are your fangirl. Ano bias nito si Lucas pala. Sige na, Doc. Tatahimik na kami rito."

Matapos niyang maghugas ng kamay ay nilapitan niya ang dalawang babae nag-uusap lang.

"Can I sit there?" Kaagad Naman itong tumango sa kaniya. "Don't worry, I'll try na makuhanan kayo ng autograph sa bawat isang member. Your bias is Lucas right?" Joanne nodded. "I'll tell him and I'll try to give to Persues if magkita kami sa isang place or sa staff na lang."

Sobrang siyang nag-enjoy habang kausap ang dalawa. Maaga siyang umalis sa kompanya dahil naiinis siya dahil sa mga nakikita sa comment section. People are throwing a trashful words on him because of the last concert happened. Sinira niya raw ang concert ng dalawa at masyado lang siyang mapapel.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Where stories live. Discover now