Journey #14

43 2 0
                                    

Nang magising si Tyrone ay sobrang linis na ng paligid. Wala na ang mga kalat pero nanatili silang magkatabi nina Hoshi, at Flinn na pinagsisiksikan ang sarili sa sofa. Pag-angat niya ng tingin sa wall clock ay nakita niyang 4am na. Bahagya pa siyang nag-inat-inat ng mga braso bago bumaba sa sofa.

Tumayo siya at kinusot-kusot ang mata bago dumiretso papunta sa k'warto. Nakita niyang nakahiga na doon si Dawson na dahilan para mag-angat siya ng kilay. Kinuha niya ang kumot ni Flinn at lumabas muli sa k'warto. Kinumutan niya sina Hoshi at Flinn bago bumalik sa k'warto.

Nahiga siya at yumakap kay Dawson na tulog na tulog. Nang sandaling humarap si Dawson ay yumakap ito sa baywang ni Tyrone pero nanatiling nakapikit.

"Happy birthday, Bro'. Feels good," Dawson whispered. Mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap sa baywang ni Tyrone. "Hm… lagot kayo, ang kalat pagdating namin kanina. Naglinis si Lucas at Ryker. Humanda kayo mamaya."

Doon lang nag-sink in sa kaniya ang lahat. Dahil sa gutom at pagod nila nagkanda-tulugan na nila ang mga pinag-gagagawa nila. Marahan na ipinikit ni Tyrone ang mata niya at bahagyang sinabunutan ang kaniyang sariling buhok.

"Help me. Gagawan ko sila ng breakfast. Dawson, okay?"

"Mahihindian ba kita?" Nang sandaling sabihin iyon ni Dawson ay tuwang-tuwa naman na yumakap na rin si Tyrone kay Dawson. 

"Where's my pasalubong?" Tyrone asked while he kept on pushing Dawson away. "Hoy!"

Itinulak ni Tyrone si Dawson papalayo at medyo iniharang niya ang paa niya para hindi na ito makalapit pa. Napailing na lang si Dawson bago naupo. Suminghap pa siya bago tumingin kay Tyrone sabay ngiti at iling. 

Nang tumayo si Dawson ay sumunod naman si Tyrone sa kaniya. Binuksan ni Dawson ang isang bag at kaagad na inilabas ang regalo niya kay Tyrone. It's a wristwatch. Si Dawson mismo ang nagkabit nito sa kamay niya na ikinatuwa naman ni Tyrone.

"Hyung, ang gara. Salamat ah. May gift din ako pero it's a simple."

"Whatever it is, it will always be special because it's from you. May I have it?" Tumango si Tyrone at naghalungkat na rin sa bag niya. "After this let's cook okay?" Tyrone nodded while finding his present for Dawson.

It's a silver dog tag keychain printed with  hey handsome, thank you. Hindi napigilan ni Dawson na hindi mapangiti at kaagad itong kinuha. Inilagay niya kaagad ito sa favorite niyang bag. Kagat-kagat ang mga labi ni Tyrone habang ginagawa iyon ni Dawson. Sobrang saya ng mukha niya na makita kung saan iyon inilagay ni Dawson.

"Thank you for appreciating my handsome face, Tyrone." Tawang-tawa si Dawson habang si Tyrone ay gusto na siyang itumba. "Alright. I'll stop. Let's go?"

"Maghilamos ka na muna kaya."

Sabay sila naghilamos at nagtoothbrush. Nagtimpla rin ng gatas si Dawson para kay Tyrone na kasalukuyang naghahalungkat sa ref. Hindi ito kadamihan dahil hindi pa sila nakakapag-grocery. 

"Drink this. I'll prepare what you'll cook."

Tyrone nodded and immediately sat on a high chair. Kaagad niyang inubos ang gatas kaya pumunta siya sa may likuran na Dawson para sumilip sa loob ng ref.

Inilabas ni Dawson and hotdog, itlog, at ham. Dahil nagsaing kagabi sina Tyrone pero hindi kumain ay napag-desisyonan nila na mag-sinangag na lang. 

Kaagad na inihanda ni Dawson ang kanin. Si Tyrone naman ay busy sa paghihiwa ng hotdog, bawang, sibuyas, at ng ham. Bantay na bantay bawat kilos ni Tyrone ni Dawson lalo na sa paghawak nito ng kutsilyo.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Where stories live. Discover now