Journey #30

40 2 0
                                    

Nakalongsleeves silang puti, nakaslack, at nakablack shoes. Lahat sila ay sabay-sabay na sinundo ng company van at nakasunod sila sa sasakyan ni Zeyr at nasa unahan naman ang sasakyan ng CEO ng kompanya. Magkatabi sila ni Dawson at nanatili lang na tahimik si Tyrone habang nakatingin sa labas ng bintana.

Maraming press sa labas at talagang pati sila ay nakunan ng camera. The management help the family of Sayto so he can give a private funeral. Mabuti na lang talaga at isa sila sa nabigyan ng invitation para makapasok.  Nakaalalay sa likod ni Tyrone si Dawson habang kinakausap nila ang mga magulang ni Sayto. Iyak nang iyak si Tyrone ng tuluyan na nga makita ang litrato ni Sayto. Ipinacrimate ang mga labi nito dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang nito. 

Ibinigay sa kanila ang phone kong nasaan nakasaad ang notes na iniwan ni Sayto. Magkatabi silang dalawa habang ang apat ay nasa may likuran nila. Kaagad na binuksan ni Dawson ang notes para mabasa ang nilalaman nito.


I'm sorry kung hindi ko kayo napagbigyan. Gusto ko man makita kayo pero hindi ko kaya. Dahil na rin sa ayoko. Alam ko na minsan na lang tayo magkausap, pasensya na hindi ko na kasi talaga kaya. Thank you for being a friend of mine. Please don't cry too much, Tyrone. Dawson, thank you a lot. Pasabi na lang din kina Hero at Jake na masaya ko na nakilala ko sila. You're too precious for me kahit magkaiba tayo ng kompanya, kahit na hindi tayo nagkikita madalas, kahit hindi tayo nag-uusap dahil kayo talaga ang nagpapalakas ng loob ko. Hindi ko ineexpect na magkakaroon ako ng kaibigan na katulad niyo.  Salamat talaga sa inyo. Fly high, mauuna na muna ako. Mahal ko kayo. 

 ------------------ Sayto:)

Tyrone tries not to sob. He doesn't want to cry again. It must be so hard for Sayto because of the judgement of a lot of people. The pressure just because he's not that wealthy. He has a talent but because of the words thrown at him and being bashed a lot he ended his life. 

. He just reminisces the memories they have with Sayto. Kahit sa maiksing panahon ay naging magkakabigan sila. Hinding-hindi nila malilimutan ang mga araw na sabay-sabay sila nagpapractice noon at nagfofoodtrip. Pinatay ang kaibigan niya ng mga mapanghusgang mga bibig ng mga tao at mga salitang wala naman saysay. 

Nagulat si Tyrone na may isang walang notes title. Binuksan niya ito at nagkatinginan sila ni Dawson dahil sa nabasa.

When I die don’t cry. I’m not mad, it’s just that I don't want you to repeat what you did to me. That’s all.    

Isang oras lang ang ibinigay sa kanila ng pamilya nito. Wala na rin silang ibang choice kundi umalis dahil may iilan pang mga darating. Hinatid sila sa apartment ng company van. At may isa pa silang problema.

“Nakausap mo na ba ang kapatid mo, hyung?” tanong ni Tyrone kay Hoshi habang nagbabudget ito ng pera. “Alam na ba ni Mr. CEO?”

“Nakausap ko na siya at siya na ang nagsabi na siya na raw ang bahala sa lahat. Uuwi ako bukas kaya nag-aayos ako ng gamit ko sa k’warto.”

“Bakit naman? Hindi ka naman magtatagal ah. Kasama ka pa namin pauwi. Magpapaiwan ka ba?"

Hoshi chuckled and he hugged Tyrone.

"Nagpipili lang ako ng mga gamit na pwede ko ibigay sa kapatid ko na hindi ko naman na nagagamit dito," Hoshi answered. "Wala ako ibang madadala eh."

Kaagad na tumayo si Tyrone at iniwan na naguguluhan si Hoshi. Hinalungkat niya ang mga sapatos niyang ang iba ay hindi naman na kasya sa kaniya at iilang damit bago binalikan si Hoshi.

"Isama mo na ito. Hindi na kasya sa akin yan, hyung. Sayang lang kung maiiwan dito."

Lahat sila ay nag-ayos. Nilagay na kaagad nila sa compartment ng sasakyan ang mga dadalhin. Maaga silang aalis kaya naman hinanda na nila ang mga gamit pati na rin ang pera na pinag-ambag-ambagan nila. Ayaw man kunin ni Hoshi ngunit hindi naman pumayag ang lima na hindi niya ito tanggapin.


SO THIS IS LOVE (Under Revision)Where stories live. Discover now