Journey #4

86 4 0
                                    

Maagang nagising si Tyrone dahil maaga rin siyang aalis. Kaagad siyang naligo habang si Dawson ay naiwan sa kama at tulog na tulog pa rin. Magkatabi silang natulog dahil isa lang din naman ang kama at malawak naman iyon. Nakasuot lang si Tyrone ng black na denim pants at white t-shirt. Paglabas niya sa bathroom ay nakita niyang tulog na tulog pa rin si Dawson.

Matapos magsuklay ni Tyrone ay pumunta siya sa kitchen. Pagbukas niya ng ref ay kumuha lang siya ng sandwich at nilagyan ito ng peanut butter since hindi siya marunong magluto. Nang makakita siya ng papel ay kaagad niya itong kinuha at naupo muna siya habang kumakain at nagsulat ng letter. Matapos niya ay inilapag niya ang papel sa mesa at pinatungan baso saka dali-dali niyang kinuha ang backpack niya at tahimik na lumabas ng apartment ni Dawson.

Kasalukuyan niyang kinakain ang sandwich habang naglalalakad papunta sa sakayan ng jeep. Nang papatawid na siya sa kalsada ay nagulat siya ng may humila sa kamay niya dahilan para mapaharap siya at si Dawson na halatang-halata na kagigising pa pang dahil maga pa ang mata nito.

"Bakit? May nakalimutan ba ako?" tanong ni Tyrone at ipinagpatuloy ang pagnguya na natigil dahil kay Dawson. "Ang dugyot mo."

"Good luck." Pagkasabi noon ni Dawson ay binitawan niya na ang kamay ni Tyrone. "Bawi na lang ako mamaya pag-uwi mo. Magluluto ako mamaya ng dinner. Promise ko yan. Kaya mo ba na mag-isa?" He nooded before he chuckled and he tapped Dawson's shoulder a bit.

"Sige na. Babye."

Tumakbo na si Tyrone patawid sa kalsada ng makakita na siya ng jeep na huminto sa may waiting area sa takot na masagasaan siya. Ni hindi na nga niya nilingon pa si Dawson habang si Dawson naman ay nakatanaw kay Tyrone hanggang sa makasakay ito bago tuluyang umalis.

Pagdating ni Tyrone sa kumpanya ay marami na nga ang nandoon. Halos lahat ay may mga kasama na pero nanatili lang siyang tahimik. Halata rin sa mga ito na may mga kaya sa buhay dahil na rin sa pananamit. Mas may edad din ang mga ito sa kaniya dahil karamihan ay kaedad ni Dawson.

Nakababa ang buhok ni Tyrone na halos malapit ng humarang sa mga mata niya. Kagat-kagat niya ang mga labi niya sa tuwing pinagmamasdan niyang nag-uusap-usap ang mga kasamahan niya. Paglingon niya sa may likuran niya ay may isang lalaki rin na kasalukuyang busy sa cellphone nitong touch screen na. Alam ni Tyrone na kaunti lang ang may mga cellphone na ganoon dahil sila ng Lola niya ay keypad pa rin ang gamit na cellphone. Kapag may touch screen kang cellphone ibig sabihin ay mayaman kayo or hindi hirap sa pera.

Maputi ito at may dimple. His eyes look droopy which can make him look tired. He's so quiet and didn't even glance with the other trainees. He's wearing a black jogging pants and black plain v-neck shirts.

"Why?" tanong nito. Nagulat si Tyrone bago ngumiti at itinuro ang kaniyang sarili gamit ang kaniyang hintuturo. "Why are you starring?"

Umiling na lang si Tyrone saka tipid na ngumiti. Yumuko siya at pinaglaruan ang kaniyang mga daliri habang kagat-kagat ang kaniyang labi na parati niyang ginagawa.

Nang dumating ang mentor nila sa kaagad na silang itinipon. Hindi na sila nag-usap pa noong lalaking nakaencounter niya kaya naman si Hero na lang ang nakakausap ni Tyrone. Halos buong oras ay nagpractice sila ng cherograpy ng sayaw. Parati rin na napapagalitan si Tyrone, at ang lalaking nakausap niya dahil sa parati na lang itong nagkakamali.

"From the top!" sigaw muna ng mentor nila.

Pawis na pawis na si Tyrone pero patuloy pa rin sa pag-indak. Napapailing na lang siya sa tuwing hindi siya makasabay. Nang matapos at magbreak sila ay napaupo na lang sa tabi si Tyrone at isinandal ang ulo sa pader habang hinihingal na nakapikit na bahagyang nakatingala at pinipilit na hindi maluha.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu