Journey #21

38 2 0
                                    

Umaga ay busy si Tyrone dahil sa iilang mga school activities. Siya at ang class officers ang nagpa-facilitate sa section nila. Nang dumating ang break time ay sinundo siya ni Flinn dahil nauna na sa cafeteria si Dawson.

Inis na inis si Tyrone dahil sa tagal ni Dawson kaninang umaga pero dahil kasalanan niya rin ay hindi na siya nagalit dito pero ngayon bumabawi na si Dawson.

"Hindi ka nagalit kanina. Bakit?" tanong ni Flinn habang nag-aantay kay Dawson. "Nagbabago na ah."

"I'm at fault too. Tsaka pinagsabihan na ako dati ni Lucas-hyung, I need to control my anger. Tapos hindi dapat ako magsalita kapag galit ako."

Flinn smiled. Dahil doon ay may mga nagtilian sa tabi kaya naman biglang emotionless ulit si Flinn dahilan para si Tyrone naman ang matawa. Nang dumating si Dawson ay kaagad na nilang nilantakan ang pagkain nila. Magkatabi si Dawson at Tyrone at may mga babae na rin na nagkakagusto sa kanila lalo na at kahit papano ay marunong na sumabay sa uso ang grupo nila dahil na rin sa nga stylist nila sa tuwing may shoot.

"Sabay-sabay na tayo umuwi mamaya. Sunduin niyo ako sa room ko." Dawson and Flinn just nodded. "3 raw ang uwian."

Matapos kumain ay umalis kaagad si Tyrone. Magkaibang building na sila kaya malayo na si Dawson kay Tyrone. Naging busy si Tyrone dahil sa booth nila at talagang isa siya sa mga busy dahil sa pagtulong sa ibang officer sa main event. Buti na lang din at nakapag-text siya kay Dawson na wala siya sa room. Halos 4pm na siya nakaalis at nag-aantay na sina Flinn at Dawson labas ng gymnasium.

"Sorry. Hindi pa kasi ako makaalis kaagad."

"Tara na. Nasa labas daw sina Hoshi," sabi ni Dawson.

Kinuha ni Flinn ang bag ni Tyrone at siya ang nagdala na. Si Dawson naman ay may iniabot na pagkain kay Tyrone na kaagad naman niyang nilantakan. Paglabas nila ay sinalubong ni Tyrone ng yakap sina Hoshi at Ryker.

"Hyung!" Tawang-tawa naman ang dalawa dahil sa pagyakap ni Tyrone sa kanila. Kaagad naman na sinubuan siya ni Ryker ng burger na kinakain nito. "Nam nam." Ginulo ni Ryker ang buhok niya kaya naman ngumiti lang siya ng sobra.

"Ano tara na? Mag-aayos pa tayo."

"Wait lang," sabat ni Hoshi. "Street food." Ngumuso ito at napalingon silang lahat sa isang stall na nagtitinda ng street food. Nagsitakbuhan pa sila papalapit doon kaya naman umiling na lang si Ryker. Kulang lang sila ng isa since sa base na didiretso si Lucas after ng klase nito.

"Huwag masyado marami okay?" Tumango naman ang tatlong bunso na sina Tyrone, Dawson, at Flinn. "Good."

Halos 30 minutes din ang itinagal nila bago sila umuwi. Pagdating nila ay nandoon ang iilang stylist. Nakaready na rin ang damit nila since isang bihis lang naman. Si Zeyr din ang nag-aasikaso sa mga kakailanganin ng anim. May sasama sa kanilang dalawang videographer na alam naman na ng school kasama na rin si Zeyr.

They are wearing jeans and and a white t-shirt na may print ng mga pangalan nila sa likod. Dahil inayusan pa sila ay kumakain na sila ng dinner habang inaayusan sila. Nakaabang na rin ang company van sa labas kaya naman minamadali na sila since 8 and 9 pm sila magpiperform. Magpapalit lang sila ng damit at nasa kani-kaniyang bag na nila iyon.

7:30 pm na sila nakaalis sa base. Nasa company van sila at ang mga videographer ay kasama ni Zeyr sa sasakyan nito. Nagkukulitan lang sila sa sasakyan at nagrerecord sa camera ng video. Excited na sila dahil first time nila magpiperform sa harap ng maraming tao in a formal way artist since lahat ng ginagawa nila ay sa harap pa lang ng camera at yung iba ay public encounter lang.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Where stories live. Discover now