Journey #20

41 3 0
                                    

HUMSS ang kinuha ni Dawson at nakapasok nga sa isang university sina Ryker at Hoshi ng magkasama pati na rin sa course nila. Nagkakaroon na rin ng kahit papanong endorsement pero hindi ito kilala masyado dahilan para hindi ito masyado okay. Hindi lang nila kailangan pag-husayan dahil kailangan din talaga nila kumita. Kung hindi dahil kina Dawson, Ryker, at Flinn kakapusin sila sa budget sa pang-araw-araw.

Kaunti lang ang mga staff ng Bright Entrainment. Ang CEO nila ay talagang ginagawa ang paraan at parating si Zeyr ang nakabantay sa kanila. Lahat sila ay may pinagkakaabalahan. Habang nagtatagal ay doon lang nila nalalaman ang tungkol sa bright entertainment at kung ano ang nangyari.

Ang JPG Entrainment kung saan sila nag-audition dati ay talagang nakikilala na rin dahil sa mga trainee nito na open sa media. Si Sayto at Hero ay nananatili pa rin sa pagiging trainee. Marami na rin mga group pero hirapan talaga talunin ang mga ibang nasa tuktok na ng atensyon ng mga tao.

Ang bright entertainment ay kilala na dati dahil sa artist nila. Isang araw unti-unti na lang itong gumuho dahil sa mga artist na pinili na lang na maging normal ang buhay. Since girl group iyon consist with 4 member ay wala na silang nagawa pa dahil nagkapamilya na ang mga ito at doon na nga nagsimulang mawala ang pangalan na kakikilala pa lang.

Kilala ang bright entertainment dahil sa hindi sila parati nag-papakilala ng maraming artist. Talagang tututukan na muna nila ang isa bago pa man sila bumuo ng bago kayo tutok na tutok sila sa Seyfert's Sextet pero sa kabila nito mahirap din. Kailangan nila magtiis.

Naging abala si Tyrone sa pag-aaral. Hindi na rin siya makauwi ng madalas sa bahay nila. Kung makausap man niya ang Lola niya ay hindi na matagal dahil sa pagod sa training. Patuloy sila sa mga training nila at practice sa tuwing may kailangan sila ishoot. Mas naging maangas na rin ang sumunod nilang MV at talagang halos isang buwan ang naging pagkuha rito. Parati silang nagpapaalam sa school para excuse kaya doon ramdam na nila na hindi na okay ang lahat.

Sa bilis ng buwan na dumadaan halos pahinga lang talaga nila kapag kaarawan nila. Dumaan ang birthday ni Ryker which September 5, kay Hoshi na September 28, kay Lucas na October 5, at Flinn na October 18, kay Dawn na November 29, at kay Tyrone na December 31. Parati nila pinagmamalaki ang buwan ng birthday nila since lahat sila ay Ber months. Noong unang year kasi na magkakasama sila ay hindi na nila masyado pa naenjoy ang birthday ng isa't-isa, umaabot lang talaga sa part na pagboblow ng cake at ang iba ay sinusundo ng pambili katulad na lang nina Flinn, at Ryker. Si Lucas naman ay umuwi sa kanila noon.

Hindi sila nakauwi ng Christmas dahil nagshoshoot sila ng Music video. New year naman ay naglabas ulit sila ng comeback. Busy sila sa pag-popromote ng grupo nila lalong-lalo na dahil sa kailangan din nila kumita.

Nang nagpaplano ng foundation sa school nina Dawson, Tyrone, at Flinn ay naghahanap ito ng performer. Since part si Tyrone ng SSG dahil siya ang representative ay kaagad na niricommend niya ang grupo nila, na kung pwede sila... ay kakausapin niya ang manager nila. Nang pumayag ang school ay masayang-masaya binalita kay Zeyr iyon.

"Hmm... pwede, siguro dapat natin tanggapin iyon. You can perform your 3 songs and you just can add some too depende sa nais ng school."

"5 songs daw," sabat naman ni Dawson. "It will be more party-like since gabi taw iyon kaya okay naman yun baka sakaling makilala."

Pinag-usapan ng management ang plano na iyon at pumayag naman. After school ay practice sila ng practice. Kahit busy na sina Hoshi, Ryker, at Lucas at hindi masyado nakakahabol sa practice ay nagpapractice naman ito kapag dumarating na sila since magkaiba-iba na sila ng oras na walang ginagawa.

Mas lalo na rin dumadami ang adventure ng grupo dahil sa pangalawang taon na nila magkakasama. Si Ryker at Lucas ang nagtuturo kay Tyrone ng mga bagay na dapat ama nito ang nagtuturo sa kaniya. Ryker is the one who always brings them to different places when it's the weekend so they are able to enjoy and play outside and enjoy their teenage year. Dawson and Hoshi become the cook. Si Tyrone naman at Flinn ang parating alalay ng apat.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon