Journey #2

150 7 0
                                    

Umalis din kaagad ang papa niya kinaumagahan kaya natira na naman ulit sila ng kaniyang Lola sa bahay nila. Maagang nag-pedal sa lumang bike ng kaniyang Lola si Tyrone. Bumili ito ng pandesal at ng iilang mga inihabilin ng kaniyang Lola na kailangan niyang bilihin sa palengke. Isang retired Teacher ang lola niya kaya kahit papano may pera na dumarating para sa kaniya na ipinagkakasya-kasya nito para sa kanilang dalawa.

Pagkabili niya ay umuwi kaagad siya. Naligo at sumabay siya sa kaniyang Lola na mag-umagahan na parati naman talaga nilang ginagawa. Naglinis muna siya sa buong bahay bago tuluyang nag-ayos para masundo na niya ang mga kagrupo niya. Nakashorts lang ito at loose shirts at men sandals. Dahil may lahing Half Korean ang Lolo niya na asawa ng kaniyang Lola ay talagang nakuha niya ang mata niya sa mga Koreans.

Likas sa kaniya ang kutis niyang maputi. Kahit bumilad siya sa araw babalik at babalik pa rin sa dating kulay ng kutis niya. Lagi rin siyang pinapakain ng Lola niya ng kamatis at mga gulay para raw manatili ang flawless kaniyang balat. Alagang-alaga siya ng Lola niya kaya pangako niya rito at sa sarili niya na aalagaan niya rin ang kaniyang Lola.

Hinintay niya sa labas ng building ang mga kasama niya at si Dawson ang kaagad niyang nakita. He's wearing jogging pants and a black plain shirt with a backpack. Nang makalapit ito ay kaagad sa kaniya ay ginulo ng bahagya ang kaniyang buhok.

"Sorry, I'm late. Pasunod na raw sila." Ngumiti lang siya rito. "Why do I feel like you're awkward with me?"

Tyrone smiled and strunge his head a bit.

"Hindi naman. Nag-aadjust lang siguro. Hintayin mo na maging super close tayo at talagang wala na akong pakialam sa mga ginagawa ko na kasama ka."

Isa iyon sa personality na mayroon si Tyrone. Casual siya sa karamihan pero sobrang kulit niya sa mga taong sanay siyang kasama ay komportable siya. Hindi naman siya nahihiyang makihalubilo lalo na at sanay naman siya na makipag-usap sa mga tao kahit bata pa lamang siya.

"Then I'll wait while doing something."

Umiling na lang siya bago sila lumipat ng pwesto kung saan nila aantayin yung tatlo. Halos ilang minuto lang din naman ang nakalipas at tuluyan na ring dumating ang tatlo. Hindi pa sila kaagad nakaalis dahil sa dami ng kulitan at kwento.

Pagdating ng tatlo sa sakayan ay kaagad silang sumakay ng jeep. Bago sila sumakay ng tricycle ay bumili muna si Tyrone ng mga snacks pero si Dawson ang panay nag-insist na magbayad. Halata na may kaya ang pamilya nila base na rin sa mga kasuotan niya. Pansin ko na rin yun pero hindi ko pa naman alam ang tungkol sa kaniya at ayoko rin naman na magtanong pa ng magtanong.

"Ako na kasi." Pagpupumilit niya sa binata. "Next time ka na."

"Then 50/50 okay na?" tanong nito na kaagad naman na niyang sinang-ayunan. "Next time ako na lang."

Ngumuso siya saka tumango. Nakasabit ang kamay ni Dawson sa braso niya na animo'y sanay na sanay siyang parating ganoon. Hinayaan niya na lang ito kaya naman hindi niya inalis doon ang kamay ng binata. Komportable naman kasi ata siya ang nasa isip niya.

Pagkarating nila sa bahay ay kaagad silang sinalubong ng kaniyang Lola. Nakangiti siya habang panay ang pamumuri ng Lola niya sa kanila lalo na kay Dawson. Mukhang may paborito kaagad ang Lola niya dahil halos ayaw na niyang bitawan si Dawson at panay naman ang pagsakay ni Dawson sa mga pirit ng Lola niya

"Dawn," sabi ko. Baka kasi mahirapan pa ang kaniyang Lola sa pagbigkas sa pangalan ni Dawson "Lola, tama na yan. Ako ang apo mo!" Paghihimutok ko ng subuan niya si Dawson ng pinagbalatan niyang nilagang kamote.

"Jealous," ang sambit naman ng binata bago yumakap sa Lola ni Tyrone Pati sina Hero, Jake, at ay nakisali na rin.

Parating ganoon ang tema nila sa tuwing pupunta sila para mag-practice. Parati silang pinaghahandaan ng Lola niya ng pagkain at parating si Dawson ang tanging nakikita ng Lola niya. Hindi na nga malaman pa ni Tyrone kung bakit ganoon ang Lola niya.

SO THIS IS LOVE (Under Revision)Where stories live. Discover now