"Yung narinig ko??? tama ba ako si moji yun??" di maka paniwalang tanong ko napatingin naman ako sa batang lalaki na lumapit sakin

" imissyou mommy " nakangiting sabi nito sabay yakap sakin naiiyak ko namang niyakap ito.

" moji anak' ang laki mo na " naiiyak na bulong ko dito

" Halika kayo mga anak " pag aalok ko sa mga ito na lumapit sakin ' umakyat naman ang mga ito sa kama ko at nakiyakap na rin sakin naiiyak ko namang niyakap ang mga ito ' lumapit rin si Harris sa amin at nakiyakap na rin.

" I miss you Sam" rinig ko na bulong nito maya maya pa ayy bumaba na ang mga bata sa kama ko lumapit naman sakin ang iilang kaibigan namin.

" Sam huhu gising kana" naiiyak na niyakap naman ako ni Collins '

"nako ang drama mo" natatawang sagot ko dito tiningnan naman ako nito ng masama'

"Tapos kanang mag lihi sakin Sam kayat maging mabait kana sakin " nakangusong sagot nito natawa nalang ako sa sinabi nito.

" Sam masaya ako na gising kana " bati sakin nila Hailey at Harriot sabay yakap sakin.

"Salamat masaya din akong makita kayo" nakangiting sagot ko dito

" Sam namiss ka namin" nakangiting niyakap din ako nila Thurner ,Harry at Harrison nakangiting niyakap ko naman ang mga ito

" Namiss ko din kayo " sagot ko dito

"magaling kana nga Sam " natatawang sagot ni Madrid sabay yakap sakin

" Haha 0o nga ee ayaw niyo ba??" natatawang sagot ko dito.

" nako hindi kung alam mo lang parati kaming nag dadasal na sana magising kana" sagot nito napangiti naman ako sa sinabi nito ,

" Mom , Dad , Grandma " nakangiting niyakap ko naman ang mga ito.

"Samaria anak salamat sa diyos gising kana"

" imiss you mom" nakangiting sagot ko dito

" Mr. Huffin " nakangiting niyakap ko namam ang daddy ni Harris

"masaya akong makitang magaling kana Sam " nakangiting sagot nito sabay yakap sakin. Masaya naman akong binati ng mga ito at ngayon ko lang nalaman na 3rd birthday na pala ng mga anak namin grabe hanggang ngayon di pa rin ako makapaniwala na ang lalaki na ng mga ito' napatingin naman ako kay Harris na tila nag dadalawang isip na lumapit sakin.

"Wala ka bang balak batiin ako?? " pag tataray ko dito sabay tingin ng masama dito ' nagulat naman ito sa sinabi ko at maya maya pa ayy biglang lumapit ito sakin sabay yakap ng sobrang higpit.

" Imissyouu Sam ' i really really miss you Sorry" rinig ko na bulong nito tila umiiyak itong nakayakap sakin.

"tskk ang drama mo" natatawang sagot ko dito nagulat naman itong napatingin sakin.

"Wag kang umiyak ' di ako sanay na makitang umiiyak ka ang pangit mo umiyak Harris " pag bibiro ko dito sabay punas ng mga luha nito narinig naman naming natawagan ang mga kasama namin sa sinabi ko. Natawa naman ito sabay yakap ulit sakin,

"I love you Sam" malambing na bulong nito sabay halik sa labi ko nagulat naman ako sa ginawa nito sabay hampas sa braso nito

" may mga bata" bulong ko dito pero tila wala lang ito sa kanya sabay halik ulit sa labi ko.

"Harris" malambing na bulong ko dito.

" Ahemmm!!" rinig namin sa mga ito

" ahemmm hello?? nandito kami?? baka pwede na mamaya yan??" sagot ni Collins natawa naman ako sa sinabi nito

"Siya nga pala nakita ko sa record mo Sam na aksidente ka rin this past twelve years sa car accident at nawala ang mga alaala mo?" pag tatanong sakin ni Madrid sabay tingin sa record nito.

napatingin naman ako kanila mom at grandma na nagulat at nakatingin sakin

" Sam apo" lumapit naman si grandma sakin sabay hawak sa kamay ko.

"Pero temporary amnesia lang ito at bumalik din agad matapos ng ilang buwan tama ba?" pag papaliwanag ni Madrid ' lumapit naman si Grandma kay Madrid at takang tiningnan ito.

"Hindi temporary amnesia iyon dahil hanggang ngayon di pa maalala ni Sam ang mga nangyari" pag papaliwanag si Grandma dito.

" hindi po ako nag kakamali Mrs.walker temporary amnesia lang po yung nangyari kay Sam" sagot ni Madrid dito sabay pakita ng record ko dito.

" Hindi maaari iyan iho" sagot ni grandma dito.

"Kung temporary amnesia lang yun ibig sabihin??? Samaria anak??" takang tumingin naman sakin si mom diko naman ma pigilan ang di mapangiti dito

"Anong ibig sabihin nito Samaria anak?" di makapaniwalang tanong sakin ni dad'

"Matagal ko na pong alam ang lahat ' sorry po limang buwan matapos ang aksidente bumalik lahat ng alaala ko sa lahat ng nangyari tinago ko po sa inyo na alam ko na po ang lahat at ang dahilan ng aksidente ko ay dahil sa kasunduang ipapakasal niyo ako sa anak ng ka business partner niyo at kung di po ako nag kakamali si Harris po ang batang iyon masyado pa po kaming bata ni Harris nun at ayaw ko pong mag pakasal sa kanya dahil marami ang nag babalak saktan ako pag nag kataong natuloy ang kasal na iyon. kaya't umalis ako para di matuloy ang kasunduan na yun' Hindi ko na rin po inamin sa inyo at baka itutuloy niyo po ang kasunduan na iyon kaya't naki usap ako kanila mommy at daddy na pumunta sa ibang bansa at mag bagong buhay at doon po ako nag karoon ng kalayaan grandma at alam kong ligtas ako dahil may isang tao na minamasdan at binabantayan ako sa malayo kahit san man ako mag punta (sabay tingin kay Harris) at nung nalaman ko na ipag kakasundo niyo ulit ako bumalik ang takot ko dahil baka sa ibang tao niyo ulit ako ipag kakasundo at hindi sa taong matagal ko ng mahal"Nagulat naman ang mga ito sa narinig nito napatingin naman ako kay Harris na ngayon gulat din sa narinig nito.

"all this time?? alam mo ??" di makapaniwalang tanong nito.

"uhm 0o Mr. Sungit " nakangiting sagot ko dito sabay sabi ang pangalan nito na dati kong inaasar sa kanya nung mga panahong nag aaral pa kami .

The Unknown  Billionaire Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin