Part 8

57 4 0
                                    

Maya maya pa ay dumating na ulit yung dalawang lalaki  at may kasama itong isang babae.

"Hello Director " nakangiting  bati ng babae  kay madrid ' sabay tingin  sa direksyon ko

" ohh Doctor kim maupo kayo Doctor Lee dun ka kabila" pag aalok nito bigla  naman  nitong tinawag yung lalaking kulot na akmang uupo sana sa tabi ko nang pina upo niya ito sa harap namin wala na din itong nagawa at dalidali  na ring umupo.

Nilapag naman ng mga ito ang mga pag kaing dala nito katabi ng mga pagkaing binili ni Madrid  ' maya maya pa ay nag umpisa  na rin kaming kumain ,

" heto kumain ka ng marami Sam"  sabay lagay ni madrid ng ulam sa plato ko 

" nga pala Director  girlfriend  niyo po?" biglang  tanong nung isang lalaki  ' nagulat naman  ako sa sinabi nito kaya wala sa oras napaubo ako dali dali namang  binuksan ni madrid yung tubig nito sabay abot sakin.

" Ito sam inumin mo" kinuha ko naman ito at dali daling ininom.

"nako pasensya biglaan ata yung tanong  ko" sagot nung lalaking  nag tanong  kay madrid

"Si Sam pala kaibigan ko " natatawang  pakilala sakin ni Madrid 

" Ah kaibigan" sabay sabay na sagot nung dalawang lalaki  ngumiti  naman ako dito' nag patuloy lang kami sa pag kain hanggang  sa ma ubos na namin  ito' nag uusap naman ito about sa susunod na operation  na gagawin nila. Napansin ko rin na tila nakikipag usap na yung babae kay madrid halos iba na ang pinag uusapan ng mga ito.  Tumingin  naman sakin  yung lalaking kulot sabay ngiti  nito'

" thank you kanina sam ,sorry na rin" Bulong nito sakin

" Nako wala yun" nakangiting  sagot ko din 

"  Aaron Lee pala" pag papakilala nito sabay  abot ng kamay nito.

" Sam  Amerson " nakangiting  sagot ko dito.

" nga pala bat ikaw lang mag isa dito?" takang tanong nito' nginitan ko naman ito sabay  sabi na ako lang mag isang nakatira dito .

" May boyfriend  kana ba?" seryosong  tanong nito ' ng bigla kami makarinig ng tihim ' nagulat naman kami ng tumingin  sa amin si madrid'

" personal  na yang mga tanong mo Doctor Lee"  seryosong sabi  nito sa kausap  ko

" hihi Sorry Director  nakikinig kapala" natatawang biro nito na tila may ibig sabihin   maya maya pa ay nag pa alam na rin ang mga ito  na aalis nah  ' pinag ligpit muna ito ni Madrid  bago pinayagang lumbas natawa nalang ako sa ginawa nito.

Inabutan naman ako ni Madrid  ng gamot  para inumin ko sakto ito yung gamot na bibilhin ko sana .

" Tara na sam kailangan  mo na mag pahinga  ulit" pag aalok nito inalalayan  naman  ako nitong mag lakad pa balik ng kama  '

" mag pahinga kana anong oras na rin " nakangiting sabi nito '

" ahm aalis kana ba?" nahihiyang tanong ko dito'

" 0o '  tapos na rin ang shift  ko" nakangiting  sagot  nito' napatingin  naman ako sa office  nito mukhang ako lang atang mag isang matutulog dito' Takot  akong matulog sa hospital  ' dahil na rin sa mga napapanood ko minsan na may mga kung anong kababalaghan ang nangyayari dito kung gabi ' narinig  ko namang tumawa ito ng malakas kaya takang tiningnan  ko naman ito.

"haha Aalis lang ako kukuha lang ako ng mga gamit babalik din ako' wag ka mag alala walang multo dito sasamahan kita matulog dito" natatawang  sagot  nito mukhang alam nito kung anong iniisip  ko'

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now