Part 10

53 4 0
                                    

Nagising  naman ako ng may maramdamang kung anong gumagalaw sa tabi ' agad ko naman itong tiningnan   Si moji tahimik  na nag lalaro sa tabi ko' napatingin  naman ako sa Cellphone ko at pasado alas onse palang ng gabi ' ang aga namang  nagising  nag batang ito.

" mommy" tawag nito sabay  lapit sakin ng bahagya sabay hawak sa tyan nito napailing  naman ako ng maalala na di pa pala ito kumakain' at puro snacks  lang ang meron kami ngayon  at di pwede kay moji ang mga ganitong pag  kain.

" nako moji sorry nakalimutan  ni mommy  sandali bibili lang si mommy  ng pag kain okay?" hinalikan ko naman ito sa noo 

"moji dito ka lang muna okay aalis  lang sandali  si mommy " nakangiting  pag papaalam  ko dito napatingin  naman  ako ng bigla itong tumingin sa di kalayuan at sabay turo dito

" daddy" nakangiting  sabi nito nagulat  naman  ako ng makita kung sino ang tinutukoy nito '

" Harris? " bulong  ko dito   naka upo ito sa sofa na tila natutulog ito ' naka  opisana pang suot ito na naka white  long sleeve at black pants  at nakapatong lang sa sofa ang coat  nito halatang hatala sa mukha nito na pagod na pagod ito'

" moji dito ka lang okay wag maingay  natutulog  ang daddy mo " bulong  ko sa bata mukhang naintindihan naman nito ang ibig kung sabihin  nag lakad naman ako sa kinaroroonan ni Harris  at tila himbing na himbing  ito sa pag kakatulog nito ' dahan dahan ko namang kinuha ang coat  nito at pinatong sa mag kabilang balikat nito, medyo malamig na rin sa kwarto at tila nilalamig ito kahit naka long sleeve na  Ito. Nag lakad na rin ako palabas ng kwarto  ' medyo di pa ako nakakaikot dito sa buong hospital  nato at diko alam  kung saang parti ng hospital  na ito ang bilihan ng pag kain.

Nag lakad naman ako papunta sa dulo kung saan may iilang nurse  ang natambay dito.

" excuse  po saan po dito may bilihan ng pag kain?" nakangiting  tanong  ko sa isang nurse  ngumiti  naman ito sabay turo sakin sa ground floor' agad naman akong nag pasalamat at nag lakad na rin pa puntang elevator .

" Sam! wait" napatingin  naman ako sa likod ko ng may biglang tumawag  sa pangalan  ko.Kung di ako nag kakamali ito yung lalaking kulot  na kasama naming kumain  nun sa office  ni Madrid nakangiti naman itong lumapit  sakin.

" Hi" nakangiting  bati ko dito

" Hi Sam kamusta  kana?? teka anong ginagawa mo dito?" takang tanong nito sabay  pasok  din nito sa loob ng elevator.

" Bibili lang sana ako ng pagkain " nakangiting  sagot  ko dito ' tiningnan  naman ako nito na tila nag tataka sa sagot ko

"Kakatapos  lang ni director won  dun sa surgery  nila di kaba pinuntahan?" takang tanong nito sakin

" nako-nako busy yun at isa pa kaya ko na rin  mag lakad di naman ako lumpo at nakakalakad naman ako ng maayos" pag bibiro ko dito' natawa naman ito sa sagot ko tinanong ko na rin kung san ito pupunta at sakto iisa lang ang hanap namin .

" Nako may alam akong pwedeng  bilhan ng pag kain dito' dito rin kadalasan bumibili si Director  won tara" nakangiting  pag aalok nito .Nakarating na rin kami ng ground  floor  at buti nalang  may kasama ako at di na ako gaanong nahirapan pang mag hanap ng mabibilhan  nag lakad  naman  kami sa di kalayuan nitong lobby ng hospital  ' may mga iilang store at maliit na kainan din dito' may branch  din ang coffe shop ni Collins  dito kung saan malapit sa looby.

" Halika sam" pag aalok nitong pumasok   sa isang shop.   Napasin ko namang  kapangalan nitong shop  yung pangalan ng restaurant  na nasa hotel nila Harrison  may sarili rin pala itong shop' mag kakasusyo lang din pala sila sa mga iilang business  na meron sila .

"pumili kana sam maraming  pwedeng pag pipilian dito at masasarap pagkain dito" nakangiting  pag aalok nito sakin  naalala ko yung pag kain na pinili nila harry para kay moji nung kumain kaming lahat sa hotel nito '

"nakita ko na" bulong  ko dito agad ko naman  sinabi sa cashier  kung anong e oorder ko ' naalala ko na dun rin pala si Harris  baka di pa rin ito kumakain kaya't  o'morder na rin ako ng iba pang pagkain .

" Tara upo muna tayo"  pag aalok sakin  nito na umupo nasa 5 mins pa bago dumating  yung order namin.

" Wala ka bang?  trabaho? " tanong  ko dito ng mapansing naka suot pa ito ng uniform.

"nako kakatapos lang ng shift ko' at di pa ako nakakain kayat na isipan ko munang  bumili sakto nasalubong kita" nakangiting  pag papaliwanag  nito '

" nga pala kamusta  na pala kayo ni Director won?" nakangising tanong  nito na tila may ibigsabihin  ito.

" okay lang naman " simpleng sagot ko dito maya maya pa ayy dumating na yung order namin '

" ako ng mag dadala sam" nakangiting  pag preresinta nitong mag dala ng pagkain di na rin ako umimik at hinayaan na ito nag lakad na rin kami papalabas ng shop ng may bigla ..

" Mommy " Si moji patakbong nakangiting  lumapit sakin.

" Moji" nakangiting  salubong ko dito napatingin  naman ako sa kinaroroonan  nito at ayon  sila Harris  at Madrid  at yung doctor  na babae .

" Mom-my?" nauutal na tanong nitong kasama  kong doctor  kulot.

"where have you been?" Seryosong  tanong nitong si Harris  sabay hawak kay moji.

"bumili  lang ako ng pag kain dahil di pa kumakain itong si moji " sagot ko dito'

" Pinuntahan  kita sa kwarto mo pero wala ka dun  kayat agad ka naming hinanap ni Harris " sagot nitong si Madrid

" may an-ak na kayo??"  takang tanong nitong kasama ko sakin sabay tingin kay moji at  kay Harris.

" bakit?"

"Hindi mo boyfriend  si Director won? " takang  tanong ulit  nito ' sabay tingin  sa amin ni Madrid  natawa naman ako sa sinabi nito.

" Sinong nag sabi sayo na boyfriend  ko itong si Madrid  haha" natatawang  tanong ko dito' umiling  naman ito sabay sabi

" Kasi nakita namin kayong mag katabi matulog  at mag kahawak ng kamay? di ba obvious  na kayo?" takang tanong  ulit nito  napailing  naman itong si Madrid  sabay batok sa kasama ko.

"Doctor  Lee  ' kung ano anong pumapasok sa isip niyo at ayun pa talaga naisip niyo" inis na sagot nito. Mag sasalita pa sana ako ng bigla

" Tsk nonsense " Seryosong  sagot  nitong si Harris  at sabay talikod hawak hawak si moji ' napailing  nalang kami ni madrid at nag lakad na rin.

......

"Moji heto ahhh" sabay subo kay moji aliw na aliw naman itong kumakain  napatingin  naman ako kay Harris  na seryoso  pa rin ito at ayaw kumain  ' tatlo lang kami ngayon sa kwarto at sa office  nalang raw  ni Madrid sila kakain.

" Hindi  kaba kakain?" takang  tanong ko dito kay Harris   umiling  lang ito ng bahagya tila  ayaw talaga kumain' di na ako nag atubili pang pilitin ito dahil mag mumukhang ewan lang ako sa harap nito.
May bigla namang  kumatok sa pinto si Madrid at tila kinausap itong si Harris  mukhang may seryoso  atang pag uusapan ang mga ito niyaya ko naman si moji na mag laro sa bandang kama ko' pasimple naman akong tumitingin sa direksyon nila Harris  na ngayon  seryoso  lang nag uusap mayamaya pa ayy umalis  din itong si Madrid   tiningnan  ko naman  itong si Harris  at ganon pa rin mukha nito seryoso  pa rin.

" Anong oras kayo uuwi ni moji?" nakangiting  tanong ko dito ' ng mapansing mag aalas dose na ng madaling araw at medyo inaantok na rin itong ai moji.

"tomorrow " seryosong  sagot nito  nagulat  naman ako sa sinabi nito bukas??? ibig sabihin  lang  nun..

" bukas so dito kayo matutulog? " takang tanong ko dito

" bakit?" tanong ulit  nito sabay tingin sakin na tila may sinabi  akong di maganda '

" wa--laa ahm si moji kailangan  ng matulog " sagot ko dito sabay  buhat  kay moji pa higa sa kama ko .Ano?? dito rin siya matutulog? nako po...

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now