Part 31

42 1 0
                                    

Kakalapag lang namin ngayon dito sa Germany at nauna nakong lumabas ng eroplano diko na hinintay si Harris para mag paalam dito. Mukhang bussy pa ata sa girlfriend nito at diko na ito inabala pa. Pasado alas diyes na ng gabi dito at ngayon cancel ang connecting flight ko at bukas pa ulit ang flight ko nag hahanap ako ngayon ng hotel na pwede kong matuluyan ngayong gabi na malapit lang dito sa airport pero halos lahat ng hotel puno na wala na rin akong nagawa kaya't dito nalang muna ako sa airport mag papalipas ng gabi. Inaantok na rin ako dahil di ako gaanong nakatulog sa flight ko, naisipan ko namang mag ikot ikot muna dito sa airport at mag hanap ng mabibilhang kape. Sakto may nakita naman akong malapit na Coffeeshop at pumasok na rin ako umorder naman ako at umupo na rin , Napatingin naman ako sa di kalayuan ng makita sila Harris at ang mga kasama nitong Piloto at mga crew na nag lalakad papunta sa kinaroroonan ko tumalikod naman ako para di ako makita ng mga ito maya maya pa ayy may huminto sa harap ko at dahan dahan ko naman itong tiningnan ' nakita ko naman si Harris na seryosong nakatingin saakin.

"ohh Harris ikaw pala?" kunyaring tanong ko dito napansin ko namang tumaas ang kilay nito at mas lalong sumeryoso ang mukha nito.

"come with me" Seryosong sagot , pero diko naman pinansin ito ' at uminom nalang ng kape sa harap nito. Narinig ko namang tumikhim ang ilang kasama nito at nakatingin din sakin.

"may problema bah??" Seryosong tanong nito' sakin .

" wala bakit?? " walang ganang sagot ko dito maya maya pa ayy kinuha nito ang maleta ko sabay hila nito at nag lakad na rin kasama ang mga ' ibang kasamahan nito

" U-uyyy Harris san mo dadalhin ang gamit ko!!!" sigaw ko dito sabay habol nito hawak hawak ang kape ko pero di ako pinansin nito at dire-diretso lang ito sa pag lalakad , patakbo ko naman itong hinabol ng biglang may bumangga sakin .

" Aaahh-- arayy shhh ang init ahh" Wala sa sariling sigaw ko dito .

" Miss sorry I-I'm sorry " pag hingi ng tawad sakin nung lalaking bumangga sakin inabutan naman ako ng panyo nito at agad ko naman kinuha ito at pinunas sa damit ko.

"Sh*t Are you okay Sam??" ngayon ko lang napansin na nasa tabi ko na pala si Harris .

"Okay lang ako" Seryosong sagot ko dito sabay punas sa damit ko.

" Mag iingat " sagot nito sakin pero diko naman ito pinansin hinanap ko naman yung lalaking bumangga sakin pero diko na nakita ito, napansin ko namang hinubad ni Harris ang coat nito at pinasuot sakin di na rin ako nakipag talo dito.

" tara na sam" bulong nito sabay lakad ulit wala na rin akong nagawa at sumunod na rin dito , Maya maya ay nakarating kami sa Hotel na pinuntahan ko kanina hotel ito na karugtong nitong airport. Nag lakad na rin ang mga ito sa front desk at kanya kanya namang binigyan ng card ang mga ito napailing nalang ako dahil sabi sakin kanina dito sa front desk wala na raw available na kwarto diko naman alam na ma cacancel pala ang flight ko kung sana maaga akong nag pa book ng hotel dito. Pumasok na rin kami sa elevator nitong hotel at napansin ko namang iisang hotel lang pala ang pag st-stayan ng mga ito. mayamaya pa ay bumukas na ang elevator at nakarating na rin kami sa floor kung nasaan ang mga kwarto ng mga ito mukhang mga regular na ata ang mga ito dahil di na ito sinamahan ng iilang bellboy nitong hotel. Napansin ko namang mag kakadikit lang na kwarto ang mga ito at iisang kwarto lang ang lahat ng Flight attendant na babae at iisang kwarto din ang mga Flight attendant na lalaki at ang ibang Piloto naman ay may kanya kanyang kwarto , napatingin naman ako kay Harris ng binuksan na nito ang kwarto nito.Sumenyas naman ito na pumasok nako umiling naman ako dito.

" Dun nalang ako sa kabilang kwarto" sabay turo sa kwarto ng mga flight attendant. Teka gusto ba nitong mag kasama kami ng kwarto kahit alam naman nitong nakatingin ang Girlfriend nito sa amin. 0o nandito sa tabi namin ang girlfriend nito at kulang nalang lamunin ako nito ng buhay sa sama ng tingin nito sakin.

The Unknown  Billionaire Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin