Part 19

45 2 0
                                    

"taon na rin nung huli tayong nag sama-sama nakakamiss yung ganito" nakangiting sabi ni Anna'sabay subo ng pagkain kay Thurner.

" yeah medyo na bussy lang ang lahat sa kanya kanyang mga business " sagot din ni Collins dito , tumingin naman sakin si Anna na tila may gusto itong sabihin.

" Ngayon lang kita nakita ano ngang ulit pangalan mo?" seryosong tanong nito sabay inom ng wine nito' nginitan ko naman agad ito.

"Sam Samaria Amerson " sagot ko dito

"Girlfriend of?" dugtong na tanong nito nagulat naman ako sa sunod na tanong nito kung kayat napa ubo ako.

" Ito sam tubig" biglang abot sakin ni Madrid agad ko naman itong kinuha at ininom.

"Nako ' mag kakaibigan lang kaming lahat " natatawang sagot ko dito sabay inom ng tubig.

"kaibigan lang namin si Sam " dugtong rin na sagot ni Harrison dito mukhang kumbinsido naman ito sa sagot ko. Nakakagulat naman ang tanong nito .

" okay ka lang? haha heto kumain ka ng madami" natatawang tanong sakin ni Madrid sabay lagay ng pagkain sa plato ko.

" haha okay lang ako salamat " natatawang bulong ko dito.

" Oh by the way may beach party mamaya pupunta ba kayo?" nakangiting tanong ni Athena saamin.

"Mukhang masaya yun sige pupunta kami mamaya" nakangiting sagot ni Collins dito.

"Good"

Beach party ' nako po iilang damit lang ang dala' ko at baka bukas wala nakong masusuot kailangan ko na rin ata sigurong mamili ng panibagong damit buti nalang dala ko ang Card ko ' kasi minsan nakakalimutan kong dalhin ito dahil sanay akong cash ang dala ko.

Pasado alas otso na nang matapos kaming kumain at ngayon naisipan na naming bumalik muna ng kwarto dahil mag hahanda para sa beach party mamaya medyo naantok na rin ako dahil na rin siguro sa sobrang dami ng nakain ko pano ba naman kasi panay lagay ng pagkain ang mga ito sa plato ko nakakahiya namang tanggihan ang pagkain kaya't panay subo lang ang gawa ko. Pumasok na rin kami ng elevator at buti nalang nag kasya kaming lahat medyo malaki naman itong loob ng elevator kaya't medyo maluwag kami ng kaunti.

"Same floor eleventh floor' anong room number niyo babe?" malabing na tanong ni Anna sa boyfriend nitong si Thurner.

" VVIP room babe lahat kami " nakangiting sagot ni Thurner dito ,bumukas na rin ang pinto ng elevator at lumabas na rin kami iilang hakbang lang ang layo nito sa kwarto namin .

" Don't tell me kasama niyo rin siya?" seryosong tanong nito kay Thurner sabay turo sakin'

" Ahuh?' actually 2 rooms yung kinuha ko pero sad to say'iisang room lang yung na book kaya't napag disisyon namin na isang kwarto nalang kaming lahat bakit babe may problema ba?" tanong ni Thurner dito napansin ko namang umikot ang mata nitong si Anna sabay tingin sakin.

" Seriously? " di makapaniwalang sagot nito.

" why?" takang tanong ni Thurner dito

"Nothing!" inis na sagot ni Anna dito sabay alas ng mga ito at pumasok na rin sa kabilang kwarto na katapat lang ng kwarto namin.

" hey babe sandali" pag hahabol ni Thurner dito pero pinagsaran lang ito ng pinto.

"God anong problema nun?bigla bigla nalang aalis" takang tanong ni Thurner dito.

"Mukhang ako ata ang rason" nahihiyang sagot ko sa mga ito .Nagulat naman ako na sabay sabay tumingin sakin ang mga ito'

" ba-kit?" nauutal na tanong ko sa mga ito.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now