Part 39

41 1 0
                                    

"Harris dito ka lang wag kanang umalis please " pag pipilit ko ditong wag umalis, niyakap naman ako nito sabay halik sa noo ko.

" Babalik din ako Sam kailangan ko pumunta sa kumpanya ngayon" nakangiting sagot nito '

" pero gusto kitang kasama" pag mamakaawa ko dito ' ngumiti naman ito sakin sabay pisil sa pisngi ko,

"God Sam' okay di nako aalis " nakangiting sagot nito sabay lapag ng coat nito kahit kailangan di talaga ako matiis nito ' napangiti naman ako sabay halik sa pisngi nito,

" Nagugutom kana ba?? nagugutom naba ang mga baby ko" nakangiting tanong nito sabay hawak sa tiyan ko.

" Nagugutom na sila" nakangiting sagot ko dito,

"I will cook for you" nakangiting sagot nito sabay hawak sa kamay ko, nag lakad na rin kami papunta ng kusina nito nandito kami ngayon sa bahay nito at ilang buwan na rin ako nandito at pa minsan minsan lang ako lumalabas pag pinapasyal ako ng mga ito.

" hindi kaba mag papalit?" takang tanong ko dito ng mapansin na nag susuot na ito ng apron.

"no need ' nagugutom na ang mag ina ko " nakangiting sagot nito sabay halik sa noo ko. Napangiti naman ako dito nag umpisa na itong mag luto at ngayon ko lang nalaman na magaling din pala ito mag luto simula nung tumira nako dito kasama nito halos araw araw akong nilulutuan nito pakiramdam ko tumataba nako dahil puro kain lang ang gawa ko dito, at ang lakas ding kumain ng mga makulit na ito ' sabay hawak sa tiyan ko.

" Kailangan mo ng tulong??" nakangiting tanong ko dito sabay lapit dito' lumapit naman ito sakin sabay iling,

"Nope' ayaw kong mapagod ka " sagot nito inalalayan naman ako nitong umupo at bumalik ulit ito sa ginagawa nito.

" Hello?????? Hi Sam " napatingin naman ako sa di kalayuan ng biglang may tumawag sa pangalan kunot noo ko namang tiningnan ito,

" nandito ka nanaman??" pag tataray ko dito , natatawang lumapit naman ito sa amin ni Harris sabay upo sa tabi ko.

" haha relax Sam bat parating mainit ang ulo mo sakin??" natatawang sagot nito napailing nalang ako dito, at tinuon nalang ang attensyon kay Harris na ngayon seryosong nag luluto.

"Harris kanina kapa inaantay ng board?? nandito ka lang pala nag luluto" natatawang tanong nito kay Harris pero di naman ito pinansin ni Harris.

"Nako siguro di kananaman pina alis nitong si Sam" natatawang sagot nito sabay tingin sakin tiningnan ko naman ito ng masama,

" pumunta ka lang ba dito para inisin ako Collins?? makakaalis kana kung ganon" pag tataray ko dito sabay turo sa pinto kung saan pumasok ito kanina.

" Nako di ka naman mabiro Sam ' bat ba parati mo nalang ako tinatarayan hmmm wala naman akong ginagawang masama ee? " nakangusong sagot nito sakin. Di ko naman pinansin ito maya maya pa ayy lumapit na sakin si Harris sabay lapag ng pagkain sa harap ko tuwang tuwa naman ako sabay amoy dito.

"Kumain kana Sam" nakangiting sagot nito sabay subo sakin ' agad ko naman kinain ito hmmm ang sarap talaga mag luto nito '

" Mukhang masarap ata yan pahengee" nilayo ko naman ang plato ng akmang kukuha sana si Collins .

" Sakin lang to ' diba Harris " nakangusong sagot ko dito sabay tingin kay Harris .

" Ang sama mo talaga sakin Sam" sagot nito, Napatingin naman kami sa pinto ng bumukas ito napangiti naman ako ng makita ito'

" Harrison " nakangiting sigaw ko dito sabay kaway ko dito ' nag dadalawang isip pa itong lumapit sakin .

" Hi-i Sam kamusta ?? kamusta mga inaanak ko??" nakangiting tanong nito.

"Heto okay lang dito kana umupo sa tabi ko ' try mo to masarap to" nakangiting alok ko ng pag kain dito ' sinenyasan ko naman si Harris na dun umupo sa tabi ni Collins at pinaupo ko naman si Harrison sa tabi ko.

"Dun nalang ako sa tabi ni Collins Sam " nahihiyang sagot nito tiningnan ko naman ito ng masama'

" dito kana umupo!!" sagot ko dito wala na ding nagawa ito at umupo na rin sa tabi ko.

"kumain ka" nakangiting pag aalok ko dito.

"Tingnan mo pag dating kay Harrison ang bait bait mo sa kanya pero pag dating sa amin ni Harris hindi" nakabusangot na sagot ni Collins sabay tingin sakin. Diko naman ito pinansin' diko naman maiwasan na di matuwa sa tuwing nakikita ko si Harrison mukhang nag lilihi ata ako dito . Napansin ko naman si Harris na ang sama ng tingin nito sa amin.

"Gusto mo Harris??" nakangiting alok ko dito.

"Hindi na busog nako" Seryosong sagot nito sabay hubad ng apron nito.

"Siya nga pala Harris nandito ako dahil hinahanap kana sa board " sagot ni Harrison dito.

"Yun din yung pinunta ko dito" nakangiting sagot din ni Collins.

" Mag papalit lang ako" rinig ko na sagot ni Harris sabay akyat nito sa kwarto,

Tumingin naman si Collins kay Harrison, maya maya pa ayy umalis ito sa tabi ko at lumapit kay Collins diko na gaanong narinig ang pinag usapan ng mga ito. Napatingin naman ako kay Harris na pababa ng hagdan at pumunta sa kinaroroonan nila Collins nag usap naman ang mga ito at maya maya pa ayy lumapit sakin si Harris.

"Kailangan ko na talaga umalis Sam" pag papaalam nito

"Anong oras ka babalik?? " malungkot na tanong ko dito' di naman ito sumagot sa halip hinawakan lang ako nito sa pisngi sabay halik sa noo ko.

"Iloveyou Sam mag pahinga kana" bulong nito at umalis na .

" bye Sam mag iingat ka tawagan mo kami pag may kailangan ka" nakangiting paalam ni Collins sakin.

" bye Sam"

" Bye mag iingat kayo " malungkot na paalam ko sa mga ito ' lumabas na rin ang mga ito ng bahay at ngayon ako at ang iilang katulong lang nito ang kasama ko' akala ko sasamahan ako nito ngayong araw pero tila mas importante ang meeting nito kesa sakin. Nag lakad na rin ako papuntang sala at manood ulit ng kung ano anong palabas ' ganito lang ang gawa ko parati kahit may mga kasama akong katulong dito sa bahay diko naman maiwasang di malungkot dahil pakiramdam ko ako lang mag isa parati ang nandito dahil di gaano nakikihalubilo ang ibang mga katulong nito sakin.Malaki itong bahay ni Harris kayat marami din itong mga katulong may iilang matatandang katulong nito ang nakakasundo ko maliban nalang sa ibang katulong na parang kasing edad ko lang dahil di gaanong nakikihalubilo ang mga ito sakin. Nakaramdam naman ako ng antok kayat na isipan ko na ring umakyat na sa taas nag patulong naman ako kay Nanay flora na isa sa pinaka matagal na nah katulong ni Harris dito tinulungan naman ako nito paakyat ng hagdan, medyo nahihirapan na rin kasi akong mag hakbang dahil malaki na ang tiyan ko at masyadong maselan din ako sa mga bawat galaw ko kung kaya't kailangan ko ng katulong sa bawat galaw ko . Nakarating na rin kami ng kwarto' at tinulugan naman ako nitong mahiga sa kama medyo nanakit na rin ang bandang likod ko siguro dahil ito sa pag bubuntis ko.

" Thank you po nanay Flor" pag papasalamat ko dito.

"Nako wala iyon iha mag pahinga kana" nakangiting sagot nito lumabas na rin ito at ngayon ako lang ulit mag isa ang nandito sa kwarto nakaramdam na rin ako ng antok kayat naisipan ko na rin mag pahinga.

The Unknown  Billionaire Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz