Chapter XLVI

102K 3.4K 591
                                    

- READ CAREFULLY. LOOK AT THE BOTH SIDE OF THE COIN. I AM OPEN FOR JUDGEMENT AND CRITICISM. IT IS YOUR CHOICE TO JUDGE THE CHARACTERS AND THEIR DECISIONS SINCE YOU ARE THE READER. IT'S OKAY. 😊

FRANZESS

HIGIT pa sa salitang nayanig ang kasalukuyang kong nararamdaman. Para akong nilason ng sarili kong mga paniniwala.

"Franz, please hear Red first. Mas maigi na kayo ang mag-usap. You have to hear his own side and explanation—"

"Anong papakinggan niya? My gosh, Seiv! Malinaw pa sa sikaw ng araw na pinaikot siya nang pinaikot dito na alam mo!" sigaw ni Clara na lalo kong ikinagulat.

"A–alam mo lahat, Seiver?" tanong ko at hindi makatingin sa mga maga ko si Seiver. Doon ko napagtanto na totoo ang mga sinasabi ni Clara. "Alam n'yong buhay si Nisha at h–hindi n'yo man lang sinasabi s–sa akin? H–hinayaan n'yong pagbayaran ko ng buhay ko a–ang pagkakautang ko n–na wala naman pala talaga? A–anong klase kayong t–tao?"

Sunod–sunod na ang naging pagpatak ng mga luha ko. Hindi ko na mapigil ang pagbuhos ng emosyon ko.

Hindi pa pala sapat ang naging pagkadurog ko nang mawala ang anak ko dalawang taon na ang nakararaan. Mas may ititindi pa pala iyon, at iyon ang katotohanan na sa tagal naming magkasama ni Red, pinaiikot lang pala niya ako, na bulag pala ako sa katotohanan, na hindi ko pala nakikita kung ano ang totoo at kung ano ang hindi. Bakit, Red? Bakit mo ginawa sa akin 'to?

"U–umalis na kayo, parang a–awa n'yo na. H–hayaan n'yo na 'ko," halos wala na sariling wika ko.

Pumasok ako ng gate at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Dumiretso ako sa kuwarto at nanlulumo akong napasalampak sa sahig at nag-iiyak. Gunaw na gunaw ang mundo ko. Hindi pa pala sapat ang sakit na inabot ko noon, mayroon pa palang mas dudurog sa akin ngayon at ang mas masakit . . . si Red pala mismo iyon.

Gusto kong umalis, gusto kong magpakalayo-layo, pero hindi ko kayang gawin iyon sa ngayon. Gusto kong marinig ang dahilan niya. Gusto kong malaman kung bakit niya ginawa sa akin ito. Gusto kong malaman bakit ginusto niyang kontrolin nang ganito ang buhay ko at pagmukhain akong tanga. Gusto kong malaman kung bakit niya akong patuloy na sinasaktan gayong mahal na mahal ko siya. Gusto kong ipaintindi niya sa akin, dahil kahit gaano pa man kasakit, kahit gaano pa man akong masaktan at magmukhang tanga, iintindihin ko pa rin ang lahat dahil nananaig ang pagmamahal ko para sa kaniya.

Ang tanga mo, Franzess. Ang tanga–tanga mo. Ginawa ka nang tanga pero patuloy ka pa ring nagmamahal. Pinaikot ka na pero ito ka at balak pa rin siyang pakinggan at intindihin. Ang tanga mo, Franz. Napakatanga mo!

Napangiti ako nang may pait sa narinig kong idinidikta ng utak ko dahil alam kong iyon naman ang totoo. Ang tanga ko . . . ang tanga–tanga ko.

Malalakas na pagkatok sa pintuan ng kuwarto ang sandaling nakapagpahinto sa akin sa paghikbi.

"W–wife? Can you open the door?" tinig ni Red mula sa labas ng silid.

Pagkarinig ko pa lamang niyon ay parang lalong sinasakal ang puso ko sa sakit.

Pinilit kong tumayo at nanghihina akong tumungo sa pintuan saka binuksan iyon, ngunit pagbukas na pagbukas ko pa lamang ng pinto ay sumalubong na agad sa akin ang mahigpit na yakap niya na tila ayaw akong pakawalan.

Hindi ako nakapanglaban dahil bukod sa wala na akong natitirang lakas, kahit na ano pang sakit ang ibigay sa akin ni Red, sa mga bisig lamang niya ko nahahanap ang totoong seguridad.

"I don't know what to say to you because I am a fucking liar, a fucking manipulator. I fucked up big time. I am insensitive. I am a fucking coward. I'm sorry, I am so damn sorry," aniya at naramdaman ko ang naging paghigpit lalo ng yakap niya sa akin.

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon