Chapter XXIV

138K 4.4K 1.1K
                                    


FRANZESS

KUNG may mas nakakakilig pa kaysa sa pagtatagalog ni Red, hindi ko na alam. Unang beses ko siyang marinig na managalog at ang mga salitang iyon pa ang binitiwan niya.

"In love ka raw talaga kapag nakangiti ka habang nagtitimpla ng kape," anang isang tinig. Paglingon ko ay nakita ko si Jolina na may mapanuksong ngiti sa mga labi niya.

"Sira," tumatawang wika ko at bigla na lamang niya akong marahang kinurot sa tagilaran.

"Sinasabi ko na nga ba, e! Iyong mga tingin pa lang sa 'yo ni Sir Red sa tuwing may practice sila, tapos iyong nasa Bataan pa tayo, iyong kissing scene n'yo? Girl, superb! Halatang may laman! Mag-jowa pala talaga kayo! Bwiset ka! Inilihim mo pa talaga!" aniya sa akin at hindi ko alam kung bakit natutuwa ako.

Siguro kahit papaano kasi ngayon, hindi ko na kailangan pang magpanggap na wala lang siya sa akin. Sa dami ng media na naroon kagabi, sigurado akong laman na kami ng mga diyaryo at showbiz chika.

"Hindi ko lang talaga sinasabi dahil mas gusto ko na tahimik ang relasyon namin at walang nakikialam. Ang hirap kasing makipagrelasyon sa panahon ngayon lalo na at alam ng mundo, para bang wala kang karapatan sa sarili mo at sa taong mahal mo. Kailangan laging iintindihin ang opinyon ng iba. Isa pa, celebrity si Red, siguradong maraming sasawsaw sa buhay pag-ibig niya," paliwanag ko kay Jolina.

Humalukipkip siya at tumango-tango sa akin. "May punto ka nga riyan, Franz. Pero . . ." Nilingon niya ako, saka siya ngumiti sa akin nang may kaunting pait. ". . . alam mong gusto ka ng boss ko, hindi ba?" aniya sa akin at parang naumid yata ang dila ko sa sinabi niya.

Si Casspian.

Kahit na malinaw na ang lahat sa amin, alam kong nasaktan ko siya. Sinabi na nga nila na ang sakit ng pinagdaanan niya sa ex niya, tapos dinagdagan ko pa.

"Alam ko naman at nakapag-usap na kami. Pero alam mo, Jolina, nasasaktan at nahihirapan din ako para kay Casspian. Wala siyang ipinakitang hindi maganda sa akin—"

"At nauna ka niyang nagustuhan kaysa kay Red," anang isa na namang tinig at paglingon namin ni Jolina ay nakita namin si Trayn.

Dumeretso siya sa may ref dito sa pantry at kumuha ng tubig na maiinom.

"Trayn—"

"Pero ayos lang 'yon. Kaming mga lalaki, sports lang naman kami. Kapag pinili kami ng babaeng mahal namin, salamat, mamahalin namin sila nang husto. Kapag hindi kami pinili, salamat pa rin, tara tagay alfonso. Ganoon lang naman iyon. Didibdibin man namin, pero hindi namin sisirain ang pagsasamahan namin. Iba pa rin mag-handle ng mga ganiyan ang mga lalake kaysa sa mga babae. Casspian is not an exemption. Kaya niya niyan at maayos niya pa rin kayong mapakikitunguhan ni Red. In the end, it wasn't your fault, Franz. They both chose to like you, and you only have one heart to give. If choosing Red would put you at ease, then don't feel any guilt nor pain for Casspian, lalo mo lang siyang mabibigyan ng false hope kapag gan'on," aniya, saka ako kinindatan.

Napayuko ako bago ako nagsalita. "Salamat, Trayn. Hindi ko rin naman kasi alam na gusto niya na talaga ako."

"Because your eyes and attention are all for Red. Ganoon naman talaga kapag nagmamahal ka. Hindi mo napapansin ang iba," sagot niya sa akin. "Mag-ayos na kayo ng mga gamit n'yo. Maya-maya ay aalis na tayo pa-city."

Nang makaalis si Trayn ay nilingon ako ni Jolina. "Ang lalim ni Sir Trayn, 'no? Ang balita ko noon, kaya raw iyan naging playboy, tinakbuhan kasi ng dapat papakasalan niya, sumama raw sa kababata niya," bulong ni Jolina. "Pareho silang may heartache sa past ni Sir Casspian kaya siguro naiintindihan niya."

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon