Chapter XIX

136K 4.5K 1.7K
                                    

FRANZESS

ITUTULAK ko sana si Red palayo ngunit tila hindi siya natinag sa tinig ni Alas. Mas hinapit pa niya ako papalapit at mas pinalalim ang halik namin. Wala siyang pakialam sa paligid. Wala siyang pakialam sa kahit na sino.

Pinagpatuloy niya ang pakikipaglabanan ng dila niya sa dila ko at hindi ko alam pero natatangay ako kahit pa naroon si Alas. Sobrang natatangay ako at hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"HOY, 'TOL! GAGO! SINO 'YAN!?" sigaw muli ni Alas at doon na binitiwan ni Red ang mga labi ko.

Nakatalikod kasi ako sa pinto ng kusina kaya hindi ako makikita agad.

Tinukod ni Red ang magkabilang kamay niya sa magkabilang gilid ko kaya't nasa gitna niya ako. Nagbaba siya ng tingin at tinitigan ako sa mga mata.

"Are you ready to tell him our relationship?" seryosong tanong niya sa akin. Iba tuloy ang hatid niyon na kabog sa dibdib ko.

"H–ha?"

"Tell me, baby. I will do whatever you say," aniya sa mas pinaseryosong tono. Parang nawawalan tuloy ako ng lakas.

Paano, pati kaseryosohan niya ay minamahal ko. Hindi ko na maintindihan ang sarili ko.

Ang guwapo-guwapo niya sa paningin ko at ang kaseryosohan niya ngayon ay tila nagbibigay sa akin ng kakaibang atraksyon.

"S–sabihin na natin—Oh my god, Red!" Bigla na lamang kasi niya akong binuhat na tila bagong kasal na sobrang ikinagulat ko.

"Hoy! 'Tang ina, 'tol! Si Franz 'yan, ah!?" gulat na gulat na wika ni Alas nang dumaan kami sa harap niya.

"Wait here, motherfucking psycho. Check the food on the stove!" singhal ni Red sa kaniya, saka siya umakyat ng hagdanan patungo sa silid namin.

Hindi ako kumukibo. Parang gusto kong namnamin na nasa mga bisig ako ng lalaking mahal na mahal ko.

Pumasok kami ng kuwarto. Inaasahan ko na ibaba niya ako sa kama ngunit nagkamali ako. Iniupo niya sa ako mesa kung saan siya madalas na nagsusulat ng lyrics ng mga kanta. Muli niyang inilagay na naman sa magkabilang gilid ko ang mga kamay niya.

"B–bakit mo pa ako sinama rito sa itaas?" kinakabahang wika ko dahil titig na titig na naman siya sa akin.

"Why do you think?" tanong niya sa akin na bahagya pang nakangisi. Damang-dama ko ang angas niya ngunit palong-palo iyon para lalo akong mahulog sa kaniya.

Kahit na ano yatang gawin mo, Red, paulit-ulit akong mahuhulog sa 'yo.

"H–hindi ko alam," utal na sagot ko sa kaniya.

"I want to kiss you more, baby. I want to kiss you all fucking night long," anas niya sa akin at gumapang na naman ang kaseryosohan sa mga mata niya.

Pakiramdam ko ngayon ay kayang-kaya akong atakihin ni Red sa kahit na anong paraan niya gustohin. May mga buhay na boltahe yata sa loob ng katawan ko na sabik sa gagawin niya.

"I want you tonight but that motherfucker suddenly popped out," dagdag niya. Mababakas talaga ang frustration kahit pa sa kaseryosohan niya.

"I–I love you, Red," tanging naiusal ko at bigla ang paglamlam ng mga mata niya sa narinig niya mula sa akin.

Akala ko ay magsasalita pa siya ngunit bigla na lamang sinalubong ng mga labi niya ang noo. "I will get dress. Wear a more decent clothes," utos niya, saka na siya tuluyang humiwalay sa akin.

Para akong sira na umasang hahalikan mo na naman ulit. Nakakatatlo pa lang ako. Sobra na ba?

KAHARAP namin ngayon si Alas at palipat-lipat ang tingin niya sa amin ni Red. Parang hindi pa rin siya makapaniwala sa nasaksihan niya sa amin kanina.

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon