Chapter XXXV

102K 3.5K 808
                                    

FRANZESS

NAGISING ako na tila nanginginig ang mga kalamnan ko na hindi ko mawari.

Nang unti-unting bumalik sa hinuha ko ang lahat ay napabalikwas ako ng bangon at bumungad sa akin ang suwero na nasa kamay ko maging ang kulay puting paligid.

Luminga-linga ako pero wala akong nabungaran na kahit sino na nandito.

Masakit ang bawat parte ng katawan ko na para ba akong binugbog at may kirot sa dibdib ko na hindi ko maipaliwanag.

Hindi ko napigilan na mabilis na kapain ang tiyan ko nang biglang bumalik sa alaala ko ang nangyari. Para akong nanghihina na hindi ko maipaliwanag at gusto kong pumalahaw na lamang ng iyak.

Itinupi ko ang mga tuhod ko at dumukdok ako roon. Doon na nagsimulang pumatak ang mga luha ko.

Hindi ko man tanggapin, pero nararamdaman ko. Alam ko, may ideya ako sa nangyayari.

Narinig kong bumukas-sara ang pinto ngunit hindi ako nag-angat ng tingin. Patuloy lamang ang naging pagluha ko at paghikbi. Nanlalambot ako at hindi ko magawang kumuha ng lakas sa kahit na sino.

"Franz?" anang pamilyar na tinig.

Dito na ako nag-angat ng tingin at nakita ko ang mukha ni Casspian na animo ay awang-awa sa nakikita niya sa akin.

"N–nasaan si Red?" hindi ko napigilang tanong ko habang may pumatak na luha mula sa mga mata ko.

"He settled the bill and your needs," sagot niya sa akin at lumapit siya para abutan ako ng panyo na nagmula sa bulsa niya.

Imbes na kunin ko ang inaabot niya ay tinitigan ko sa mga mata si Casspian at nakita kong naging mailap ang mga mata niya sa akin.

"C–Casspian, g–gusto kong marinig ang ang totoo, parang awa mo na. K–kumusta ang anak ko? K–kumusta siya?" nanginginig na tanong ko sa kaniya at nakita ko ang ginawa niyang paghakbang papatalikod upang makalayo siya sa akin.

"It would be better for Red to—"

"P–parang awa mo na sa akin, C–Casspian," putol ko sa pagtanggi niya.

Muli na sanang magsasalita si Casspian nang bigla na lamang bumukas ang pintuan at iniluwa niyon si Red na gulat na gulat na makitang gising ako.

Hindi siya nagsalita pero mabilis niyang tinawid ang pagitan naming, saka ako niyakap nang napakahigpit.

Naramdaman ko ang simula ng panginginig ng katawan niya maging ang simula ng pagkabasa ng balikat ko.

"I'm sorry. I'm so sorry, wife. P–patawarin mo 'ko, p–patawarin n'yo 'ko," aniya at kasunod nito ay malalakas na paghikbi.

Hindi ko napigilan ang matulala habang may maiinit na luha ang naglalandas sa pisngi ko. Walang maririnig na hikbi mula sa akin pero walang tigil ang pagluha ko. Luha dulot ng sakit, pagkamuhi, panghihina, at hindi maipaliwanag na pagdadalamhati.

Marahan ko siyang itinulak palayo sa akin, saka ako tumitig sa asul niyang mga mata na ngayon ay punong-puno ng luha.

"S–sabihin mo sa akin na ayos lang ang anak ko. S–sabihin mo sa akin na n–narito pa rin siya sa sinapupunan ko. S–sabihin mo, R–Red, p–parang awa mo na."

Kung kinakailangan kong magmakaawa sa lahat para sabihin nilang ayos lang ang anak ko, gagawin ko. Kung kinakailangan kong ipagpalit ang buhay ko para sa anak ko, gagawin ko. Basta maging ayos lang siya, basta buhay lang siya.

Magkakasunod amg naging pag-iling sa akin ni Red. Magkakasunod ang naging pagtulo ng mga luha niya bago siya ngumiti nang mapait sa akin, ngiti na kahit kailan ay hindi ko na nanaisin na makita pa.

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon