Chapter XVII

137K 4.3K 1K
                                    


FRANZESS

GULAT ang bumalatay sa mukha niya dahil sa sinabi ko. Ako rin naman, hindi ko inaasahan na masasabi ko sa kaniya ang mga salitang iyon.

Binitawan niya ang pulso ko at lumayo siya sa akin na may hindi maipaliwanag na emosyon sa mga mata.

"W–what did you just say?" tanong niya sa akin at dinig ko ang pagkautal niya na marahil ay ang kabiglaan mula sa mga salitang binitiwan ko ang may gawa.

Nakagat ko ang pang-ibabang labi ko habang nakatingin sa mga mata niya. "M–mahal kita. Mahal na kita, Red."

Humakbang siya patalikod nang ulitin ko ang mga salitang iyon.

"H–hindi mo naman ako kailangan na mahalin pabalik. Alam ko naman kung saan ako lulugar. Alam ko kung ano lang ako sa 'yo. A–alam ko naman ang estado nating dalawa. S–sinabi ko na mahal kita para hindi mo ako pag-isipan nang hindi maganda lalo na kung tungkol kay Casspian," paliwanag ko sa kaniya at ang gulat niya ay unti-unting nawala.

Nameywang siya, saka tumingala at bumuntonghininga bago niya ibinaba muli ang ulo niya at tumingin sa mga mata ko. "You caught me off-guard," aniya sa akin at hindi ko alam kung ano bang nais niyang iparating sa mga salita niyang iyon. "How could you confess so easily?" tanong niya sa mababang tono at hindi ko napigilan ang mapayuko.

"P–pasensya ka na. I–ilang araw ko na rin naman na pinag-iisipan nang mabuti ang bagay na iyon. I–ilang beses ko rin na pinigilan ang sarili ko dahil alam ko naman na hindi puwede. A–Alam ko naman na bawal, alam kong ikagagalit mo iyon. P–pasensya na—"

"I never asked you not to fall for me, woman. I never asked you not to love me," biglaan niyang putol sa akin at bigla akong napaangat ng tingin sa narinig ko.

Kung kanina ay siya ang gulat na gulat, ngayon ay ako naman ang hindi maipaliwanag ang nararamdaman sa narinig kong sinabi niya.

"H–ha?"

Ngumisi siya sa akin at naglakad siya palapit. Hindi ako makahakbang patalikod dahil nakadikit pa rin ang likod ko sa may poste.

Nang tuluyan na siyang makalapit ay itinukod niya ang isang kamay niya sa gilid ko saka niya pinagtapat ang mga mukha namin.

Ramdam ko ang kakaibang kaba. Ramdam kong nagwawala na ang puso ko at gusto na lamang niyang tumakas mula sa akin. Ramdam ko at nanginginig ako na hindi ko alam kung paano ko ba ipapaliwanag.

"R–Red," tawag ko sa kaniya dahil wala akong maisip na puwedeng sabihin sa kaniya sa mga oras na ito.

Lumitaw ang mapuputi niyang ngipin nang bigla siyang ngumiti sa akin na tipong nakakaloko. "Keep falling for me, keep loving me. I want it that way. I want your attention, your love, your eyes, and your heart only for me. I want it that way, baby."

Nahigit ko yata ang hininga ko dahil sa narinig kong iyon. Para niya akong pinasabugan ng kung ano. Hindi ko maipaliwanag kung ano bang hatid niyon sa akin.

"A–anong—"

"Love me even more. Who knows, I might be with you while falling," putol niya sa akin, saka na siya lumayo at tuloy-tuloy na umakyat sa silid.

Hindi ko alam anong nangyari. Basta bigla na lamang akong napahawak sa dibdib ko dahil sobrang nag-uumapaw ang kasalukuyan kong nararamdaman. Nakakalunod.

Red, hinding-hindi na ako aahon. Hindi na.

NAG-AAYOS ako ngayon ng schedule niya. Marami na naman akong kailangan asikasuhin. Sumumpong na naman siya na panay cancel ng mga appointment.

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon