Chapter XIV

142K 5K 869
                                    


FRANZESS

KASALUKUYAN akong nasa garden ngayon at nagdidilig ng halaman nila Mama. Wala pa rin naman ang mga kasambahay kaya't ako na lamang ang gumawa nito.

Bumaba ako matapos umalis ni Alaina. Mas gusto kong libangin ang sarili ko sa mga ganitong bagay kaysa paulit-ulit kong isipin ang narinig kong pinag-usapan nila ni Red.

Nasasaktan ako para kay Alaina, lalo pa nang marinig ko na handa siyang magpakababa para lang maibalik si Red sa kaniya. Hindi ko naman siya masisi. Alam kong mahal na mahal lang niya si Red kaya niya nagawa ang bagay na iyon at lahat naman ng mga nagmamahal ay handang maging bulag at maging tanga para lang sa taong mahal nila.

"Iha, hindi mo naman kailangang gawin iyan," anang isang tinig at nalingunan ko si Papa Arthur na nakaupo sa wheelchair na mukhang siya rin mismo ang nagsikap magtulak para pumarito sa kinaroroonan ko.

"Ayos lang po, Papa. Hindi naman po mahirap na gawain ito," nakangiti kong sagot sa kaniya.

Ngumiti naman siya pabalik sa akin at sinenyasan niya akong lumapit sa kaniya kaya't ginawa ko.

Inabot niya ang kamay ko at hinaplos iyon na tila isang ama na nais pagaanin ang loob ng anak. "Alam mo, iha, isa ito sa mga dahilan kung bakit hindi kita magawang ayawan. Kahit na ano pa ang marinig ko mula sa ibang tao ukol sa 'yo, alam ko na ikaw lang ang para sa anak ko," aniya at hindi ko mapigilan ang bahagyang maluha sa narinig ko. "Kahit sabihin nilang magalit kaming mag-asawa sa 'yo, hindi namin magawa. Hindi mo deserve iyon. You're pure and kind. Deserve mong mahalin at naniniwala akong anak ko ang makapagbibigay niyon sa iyo," patuloy niya at doon na yata tumulo ang ilang butil ng luha ko.

Sinubukan niyang abutin at punasan ang mga luha ko kaya't lumuhod ako para bahagya niya akong maabot.

"Salamat po, Papa. Salamat po sa pagmamahal ninyo sa akin at sa hindi n'yo panghuhusga. Salamat po, maraming-maraming salamat po," lumuluhang wika ko na siya namang pagdating ni Mama Rhian.

"Naku! Kumuha lang naman ako ng maiinom at pagbalik ko nag-iiyakan na kayo," nakangiting anito, saka inabot sa akin ang baso ng juice na agad ko naman tinanggap.

"Nagpapasalamat lang ako sa pagdating ni Franz sa buhay ng anak natin, Rhian. Sa tagal na magkasintahan nina Alaina at Red, kahit kailan hindi ko nakitang masaya si Red sa kaniya. Tila lang siya isang robot na masabi lang na may girlfriend. Ganoon ang nakikita ko sa kaniya noon, pero dito kay Franz, iba. Ibang Red ang nakikita at nasasaksihan ng dalawa kong mga mata," ani Papa Arthur na ikinangiti ko.

"Sesegundahan ko naman iyang sinabi mo, Art, dahil totoo naman. Iyan din ang napansin ko, at bilang ina ni Red, nagpapasalamat ako sa 'yo, anak," ani Mama Rhian na ngumiti pa sa akin. "Pero mabuti pa ay umakyat ka na at maglinis na muna ng katawan. Magluluto na rin ako ng hapunan," utos nito kaya't agad naman akong sumunod.

Pumasok ako at umakyat sa silid ni Red. Nadatnan ko siyang tahimik na nakaupo sa kama habang ang katawan ay nakasandal sa may headboard at nagbabasa lang ng libro.

Hindi ko magawang magsalita. Pakiramdam ko ay nilalamon ako ng iba't ibang inhibisyon sa mga oras na ito dala na rin ng kaseryosohan niya.

"What is it?" aniya bigla sa akin na bahagya ko pang ikinagulat. Ibinaba niya ang librong hawak niya at nilingon niya ako.

"A–ayos ka lang ba? A–ayos lang ba ang pakiramdam mo?" utal na mga tanong ko sa kaniya.

"I'm alright," tipid na sagot niya ngunit hindi niya pa rin inaalis ang pagkakatingin sa akin.

Gaya noon ay hindi ko na naman magawang umiwas sa mga titig niya. Hindi ko magawa dahil ang sarap na lang magpaalipin sa mga matang iyon.

Lumunok ako nang makailang ulit bago ako bumuga ng hangin at binuo ang loob ko sa mga tanong na kanina pa nasa utak ko. Pakiramdam ko ay kailangan kong sabihin ang mga salitang ito dahil hindi matatahimik ang kalooban ko kung ibabaon ko lamang sa sistema ko ang mga tanong na 'to.

Debt and Pleasure [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon