CHAPTER 49 - LONG AWAITED REUNION

Start from the beginning
                                    

"Ahahaha!" Isang nakakapanlokong tawa nanaman ang lumabas sa bibig ng Presidente. "The day after tomorrow, sa auction, mapapatunayan ng madla na tama ang sinabi ko. Panget lang ang mga nagsusuot ng maskara." inilapit ni Peter ang labi niya sa tenga ni Yzrael at bumulong. "Alam mo ba Yzrael, may malaking bingot at bungal 'yang si Tobias."

Banayad namang inilayo ni Yzrael ang kaniyang Presidente sa tenga niya.

"Oi, narinig ko 'yon!"

Ang lakas naman ng pandinig ni Tobias. "Huwag kang mag-alala, sinadya kong iparinig ahaha!"

Nagsisimula ng mainip si Yzrael. Madami pa siyang gagawin!

"I have business to settle regarding the auction. I'll be going first." pagpapa-alam ni Yzrael. Bukas makalawa na ang anniversary at auction, masyado ng nauubos ang oras ng acting Vice President na si Yzrael sa kalokohan ng dalawang kasama niya.

"Okey okey! Lumarga ka na Yzrael." At walang ka-abog abog na umalis na nga ito. "Huwag mong kakalimutang maghanap ng jojowain ha, matanda ka na malapit ka ng lumampas sa kalendaryo! Tandaan mo, iimbitahan mo pa ako bilang ninong sa kasal mo!" sigaw ng Presidente sa palayong Yzrael. "Haayyy..." lumanding ang tingin ni Peter sa all white mask ni Tobias...tinitigan niyang mabuti ito.

"Bakit nakatitig ka Mr. President? May dumi ba sa maskara ko?"

Tumatakbo sa isip ni Peter kung bakit halos patanda na ang mga myembro ng executive pero halos wala pa sa kalahati sa mga ito ang nag-aasawa. Miski si Sonata at Nossa ay wala pa ding mga jowa!

Gusto lang naman niyang maging ninong sa kasal.

"Ilang taon ka na nga ulit Tobias?"

Kung wala lang maskara si Tobias, makikita na ng Presidente ang nakasibangot nitong mukha. Nakalimutan nanaman nito ang edad niya.

"22."

"Ha! Masyado ka pang bata, matagal pa akong mag-iintay sa iyo."

Ngayon naman nakakunot ang noo ni Tobias. Kahit kaylan talaga hindi niya maintindihan ang logic sa mga sinasabi ng Presidente.

Ang gusto lang naman sabihin ni Peter e masyado pang bata si Tobias para ikasal, matagal pa siyang mag-iintay para maging ninong.

"Anyways, tara na sa venue. I want to check the preparations."

Inaya na ni Peter si Tobias. Ito kasi ang magdadala sa kaniya sa venue ng lugar kung saan gaganapin ang Anniversary at auction.

Habang naglalakad sila palabas ng bongacious na Vernix, nagsalita si Tobias patungkol sa separate na mission na ibinigay sa kaniya ni Peter.

"At the auction..."

"Hmmm?" ngumiti si President sa isang resident researcher na nakasalubong nila.

"My identity will be revealed, is it really what you are planning?"

Isang nakangiting mukha ng Presidente ang bumalandra kay Tobias. "I told you Toby, wala akong kahit anong plano. It's just for fun!" loko loko "Imagine, everyone will be excited at the auction. The most mysterious member of the executive suddenly reveals his identity. Everyone one the mafian world will do anything to win your mask. Hindi ba ang exciting? The auction would be boring kung wala tayong pakulo ngayong taon."

The mafian world is never at ease dahil may mysterious member ang executive. Hindi makagawa ng mga under the table jobs ang mga mafian dahil sa takot na baka si Tobias the white masked man ay minamanmanan na pala sila ng hindi nila nalalaman.

Revealing Tobias' face will be an advantage for the mafias. It may be nothing for the others who do their illegal work with legal papers, but to those who works underground...ang maskara ni Tobias ay isang hadlang para sa mga gawain nila.

BABYSITTING THE MAFIA'S KIDWhere stories live. Discover now