"Sam pumasok" mahinahon na bulong nito takang tiningnan ko naman ito dahil tila nag iba ang pakikitungo nito sakin at napasin ko naman na tila namumugay ang mata nito na tila pagod ito .

" o-okay" wala sa sariling sagot ko dito pumasok na rin ako sa kwarto nito at pumasok na rin agad ito. Napansin ko namang medyo malaki ang kwarto nito napangiwi naman ako ng makitang iisang kama lang ang nandito so ibig sabihin tabi kaming matutulog nito?? nako nako hindi pwede .

" Mauuna kanang gumamit ng banyo " rinig ko na sagot nito sabay upo nito sa sofa at pikit ng mata nito , di na din ako nag dalawang isip pa at kinuha na rin ang maleta ko at nag hanap na rin ng damit na maisusuot agad na rin akong pumasok ng banyo at naligo na rin, medyo binilisan ko na rin dahil anong oras na at kailangan ko na rin mag pahinga , natapos na rin ako sa routine ko at sinimulan ko na rin patuyuin ang buhok ko medyo natagalan na rin ako sa banyo at dahil nilinisan ko pa ang damit ko kanina na nabuhusan ng kape , Lumabas na rin ako ng banyo at napansin ko naman itong naka sandal lang sa sofa at nakapikit.

" ahemm natapos nako sa banyo " bulong ko dito tumayo na rin ito at nag lakad na rin papuntang banyo , napasin ko namang kanina pa ito tahimik.Inayos ko na rin ang iilang gamit ko at naupo na rin sa sofa ' naisipan ko namang umidlip dahil kanina pako inaantok pero agad naman ako napa upo ng maalala yung coat na pinahiram sakin ni Harris kinuha ko naman ito at nag hanap na rin ng hanger na pwede kong sabitan nito nag lakad na rin ako papunta sa may kama kung saan malapit lang ang cabinet dito binuksan ko naman agad ito at sakto may nakita akong hanger at sinabit ko na rin ito.Maya maya pa ayy nakita ko si Harris na lumabas na ng banyo takang tumingin naman ito sakin.

" Bat di kapa natutulog?" takang tanong nito .

"ahh?? matutulog na rin ako" sagot ko dito sabay punta sa may sofa ,

"Sinong nag sabi sayo na jan ka matutulog?" Seryosong tanong nito ngayon seryoso na ang mukha nito.

"Dun ka sa kama dito ako sa sofa" pag papaliwanag ko dito umiling naman ito sakin sabay hila nito sakin papuntang kama .

" dito kana matulog " sagot nito sabay turo sa kama '

" At san ka matutulog?"takang tanong ko dito ' nagulat naman ako ng tinuro nito ang kama

" Hindi pwede !!" biglang sagot ko dito

"Why not?? iisang kama lang din naman tayo natulog nung naligaw ka sa unit ko" natatawang sagot nito napailing naman ako sa sinabi nito.

"Iba yun !! Ano nalang iisipin ng Girlfriend mo pag nakita tayong mag katabing natutulog huh?? Harris??" inis na tanong ko dito .

" Girlfriend???" takang tanong nito.

" Talaga lang??? diba girlfriend mo yung isang flight attendant na kasama niyo" seryosong sagot ko dito nagulat naman ito sa narinig nito ,

" at san mo naman nakuha yan??" natatawang tanong nito sabay lapit sakin.,

" wag mo akong ngingitian jan Harris bakit?? di ba totoo kaya't umalis ka nga kanina at iniwan moko dun dahil matutulog kang kasama yung girlfriend mo tsk mag lalandian lang naman kayo sa trabaho pa" wala sa sariling bulong ko dito.

" haha Me?? nag laladian??" natatawang tanong nito ' napatingin naman ako dito at mukhang narinig ata nito ang sinabi ko.

"bakit hindi ba totoo ?? kung sila Harry ang kasama ko di ako iiwan ng mga yun mag isa" wala sa sariling sagot ko dito. Bigla naman ito lumapit sakin sabay higit sakin papalapit dito .

"kailan man di ako lumandi tandaan mo yan Sam " seryosong bulong nito sakin sabay hawi sa buhok ko.

"at hindi kita iniwan " bulong nito sabay layo sakin at nauna na itong nahiga sa kama ' nagulat naman ako sa ginawa nito pero di pa rin ako naniniwala dito so anong ibig sabihin nun nag sinungaling sakin yung babae kanina.

"huh!!talaga lang  aminin mo nalang kasi na mag kasama kayo ng girlfriend mo buong byahe" wala sa sariling sagot ko dito at nahiga na rin sa tabi nito. Humarap naman ito sakin sabay tingin sakin na tila di makapaniwala sa narinig nito.

" Ba-kit??" seryosong tanong ko dito,

" Are you jealous??"

Nagulat naman ako sa tanong nito,

"Ako mag seselos??? Haha bat naman ako mag seselos " natatawang sagot ko dito, nako bat naman ako mag seselos dun sa babaeng yun, at wala naman kaming relasyon para pag selosan ko ito.

"really?? okay " sagot nito sabay higa ulit , tumunog naman ang Cellphone nito at agad naman nitong sinagot.

diko naman gaanong narinig ang usapan nito maya maya pa ayy tumayo na agad ito .

" lalabas lang ako" pag papaalam nito, diko naman ito pinansin.

The Unknown  Billionaire Where stories live. Discover now